Bring her down

1922 Words
Chapter 17 Pagkatapos ibaba nila Ariel, Vince at Julie ang mga gamit nila ay lumabas narin sila ng kwarto at pumunta sa kwarto nila Jayne "Saan kayo pupunta?" Tanong ni Jayzie sa tatlong kasama niya. "Kila Jayne," sagot ni Ariel. "Iiwan niyo ako dito?" Tanong ulit ni Jayzie. "Halata ba?" Sarkastikong sagot ni Julie at lumakad na paalis. Sumunod naman ang dalawang kasama niya sa kaniya. "Hi guys!" Sigaw ni Vince pag pasok sa loob ng kwarto. "Ang ingay mo," inis na sabi ni Jayne sa kaniya. "Ang init naman ng ulo mo, te," ani ni Vince at umupo sa kama ni Cheska. "Paanong hindi iinit ang ulo ni Jayne, wala siyang sariling room tapos yung mga ka-klase pa natin nagiging aso na ni Elize," sagot ni Cheska. "Argh! I really hate her," ani ni Jayne at binato ang unan na nasa gilid niya. "Ikalma mo sis! Diba may plano tayo?" Tanong ni Matty kay Jayne. "Oo nga, diba pa-iimbistagahan pa natin si Elize?" Tanong din ni Cheska. "Right! I'm really sure she did something para maging successful," Jayne smirk. "Ilabas kaya naitn yung mga ugly pics niya before?" Rain suggested. "Oo nga no? Wow! Nag-iisip ka rin pala kahit minsan Rain," Ariel said. "Nakatabi pa ba sa inyo ang mga nerdy pics ni Elize?" Tanong ni Cheska sa mga kaibigan niya. "Nakatabi pa sa'kin ang old phone ko kung nasaan ang nerdy pics ni Elize," Jayne answered. "Alam ko may mga picture din si Elize sa luma kong cellphone," ani ni Vince. "Let's find a way para ma-recover yung picture. Ano pang suggestion niyo?" Jayne asked. "Rumors, magpakalat tayo ng rumors about her," Matty suggested. "Oo nga, yung iba gawa gawa yung iba related sa past niya and present," ani rin ni Ariel. "So we need na makipag close sa kaniya?" Tanong ni Rain. "Yes para malaman natin kung ano bang nangyayari sa buhay niya," sagot ni Cheska/ "Ang galing! Parang ganito yung ginawa natin nung party!" Excited na sabi ni Rain. "May isa pa akong naiisip," Jayne said. "Ano yun?" Tanong ni Julie sa kaibigan. "We need Jeff for this one." Nakangising sabi ni Jayne. **************** JAYNE'S POV "Tawagin mo si Jeff, Rain," utos ko kay Rain. "Bakit ako?" Naka-simangot na sabi ni Rain. "Alangan namang ako?" Sarkastikong sagot ko sa kaniya. "Nagtatampo kasi kay Jeff yan," nakangising sabi ni Vince. "Why? Kayo ba?" Julie asked. "Hindi," nakasimangot parin na sagot ni Rain. "Pero diba gusto niya ako nung high school." Tumawa kami dahil sa sinabi niya. "First of all hindi naman naging kayo dahil ayaw mo diba? So, bakit ka naiinis?" Tanong ni Julie. "Oo nga, ano bang ginawa niya?" Tanong rin ni Ariel. "Kanina kasi lagi siyang nasa tabi ni Elize," nakayukong sagot ni Rain. "Tsaka kahit hindi naging kami, gusto ko kaya siya." "Bakit hindi mo sinagot?" Tanong ni Vince kay Rain. "Kasi bawal pa. You know naman mahigpit sa'kin ang parents ko diba?" Sagot ni Rain. "Tawagin mo na siya," utos ko sa kaniya. "Si Cheska nalang." Cheska pointed her finger to Cheska. "Rain 'wag kang maarte. Tawagin mo na," inis na sabi ko. "Ehh!" Padabog siyang tumayo at lumabas ng kwarto. "Ang childish." Umiiling na sabi ni Ariel. "Sobra, buti nga at hindi sa kaniya pina-handle yung company nila kasi for sure babagsak yun," Julie said. "Speaking of company. How's Rosales coorporation?" Tanong sa'kin ni Cheska. Napatingin sila saking lahat at naghi-hintay ng sagot ko. "It's fine," maikling sagot ko. "Luma-lago ba?" Tanong ni Julie sa'kin. "Ofcourse yes, ano sa tingin niyo ang ginagawa ko sa company namin?" Mataray na tanong ko sa kanila. Alam kong alam na nila ang rumor about our company and I know that they are talking behind my back. Ganyan naman sila dati pa "Ngayon yung exam natin diba?" Tanong ni Julie samin. "Yep." Vince nods his head. "Nag review kayo?" Tanong ni Rain samin. "Yep," sabay sabay na sagot nilang lima. "Ako hindi," nakasimangot na sabi ni Rain. "Ano pa bang bago?" Sabi ni Cheska habang nakatingin sa cellphone niya. "Ikaw ba Jayne?" Tanong sa'kin ni Rain. "No," sagot ko habang nag bro-brows ako sa IG. "Baka pagalitan ka na naman ng mommy mo," Ariel said. Tumingin ako sa kaniya bago sumagot. "So? Sanay na ako," bored na sagot ko. "Maco-compare ka na naman kay Elize," Julie said. "Ikaw naman kasi sis, bakit ayaw mong mag-aral?" Tanong ni Matty sa'kin. "Can you guys shut up," inis na sabi ko sa kanila. Inirapan ko sila at lumingon kay Elize. "Hey nerd!" Sigaw ko sa kaniya. Tumaas ang tingin niya sa'kin. "B-bakit?" "What are you reading?" Tanong ko sa kaniya. "Y-yung r-reviewer k-ko," utal na sagot niya. "Ibigay mo sa'kin yan." "H-huh?" I roll my eyes. "Are you bingi? I said give me your reviewer in tagalog ibigay mo sa'kin ang reviewer mo," I ordered. Nag-aalangan siyang tumayo at lumapit sa upuan ko. Inabot niya sa'kin ang hawak niyang folder kaya kinuha ko ito "Okay you can go." I waved my hand. "Pero yung--" Tinaas ko ang kamay ko kaya napahinto siya sa pagsa-salita. "I said go," I said. Yumuko siya at tumalikod tsaka nag lakad pabalik sa upuan niya "Anong gagawin mo diyan?" Tanong ni Vince sa'kin. "Mag re-review," sagot ko. "Pero lagyan niyo muna ng alcohol yung kamay ko pati yung folder." Kumuha naman agad ng alcohol si Julie at Cheska ng alcohol sa bag nila at nag spray sa folder pati sa kamay ko. "I think Elize is crying," ani ni Rain. "Iiyak talaga yan, wala na siyang reviewer eh," sagot ni Matty. Lumingon ako sa likod kung nasaan ang upuan ni Elize. "I hope bumagsak siya." After ng exam namin nag check na agad kami "Ang highest sa section niyo ay si..." Binitin ni ma'am ang sasabihin niya at tumingin saming lahat. "Elize! Congratulations for getting a perfect score! Dapat class tinutularan niyo si Elize, napaka good example niya para sa inyo." Napa-ikot ang mata ko dahil sa sinabi ni ma'am. Good example? Sa pangit niyang yan? Sinabi na ni ma'am ang score namin. Over sixty ang exam at naka thirty eight naman ako so okay na yun. Nag take pa kami ng isang exam bago kami pauwiin Nakatanggap ako ng text kay mommy na nandito daw siya sa school "Guys, pupuntahan ko lang si mommy," sabi ko sa mga kaibigan ko at lumingon kay Samuel na naka-akbay sa'kin. "Mamaya nalang babe. pupuntahan ko lang si mommy," malambing na sabi ko sa kaniya. "Okay." Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at hinalikan ako sa labi. Naglakad na ako palabas ng room at dumiretso sa office ng principal dahil nandun daw si mommy. Nakita ko na si mommy sa harap ng principal's office pero hindi siya nag-iisa. May kausap siya, ang nanay ni Elize na janitor at si Elize. Ugh! Bakit ba nakikipag kaibigan si mommy sa katulad nilang mahirap "Mom!" I call my mom. Lumingon naman sila sa'kin when they heard me. "Nandito ka na pala. How's your day?" Tanong niya sa'kin paglapit ko sa kanila. Tiningina ko sila Elize at umasim agad ang mukha ko dahil naamoy ko ang nanay niyang mabaho "It's fine," maikling sagot ko kay mommy. "Exam niyo ngayon diba? Anong score mo? Si Elize perfect lahat." Napatingin ako kay Elize dahil sa sinabi ni mommy. Talagang pinagmamalaki niya pa ang perfect score niya, siguro sinabi niya rin kay mommy na mababa lang ang nakuha ko. Lagot ka talaga sa'kin Elize "It's... fine," mabagal na sagot ko. "Fine? May score bang fine?" Tumaas ang kilay ni mommy. Argh! I really hate her! Bakit kailangan pa niyang sabihin ang score niya kay mommy?! I roll my eyes because of irritation. "Do we need to talk about that right here? Hindi ba pwedeng sa bahay nalang?" I asked mom. "Bagsak ka ano?" "Pasado ako," tamad na sagot ko. "Siguraduhin mo lang. Bakit kasi hindi mo gayahin si Elize? Nag-aaral ng mabuti, ikaw puro gala lang ang alam. Sige, Elize at Susana. Mauuna na kami sa inyo. Let's go," ani ni mommy at nauna ng mag lakad paalis. Tumingin ako kay Elize at sinamaan siya ng tingin bago sumunod kay mommy "Hi tita!" Mas lalo akong napasimangot ng makita ko ang mga kaibigan ko. "Helo." Lumapit sila kay mommy at nakipag beso. Hindi nila kasama si Samuel, nasaan na kaya siya? "How's your exam?" Tanong niya kila Julie. Kailangan niya pa ba talagang tanungin ang mga kaibigan ko? "Okay naman po," sagot ni Cheska. "Mataas po ang score as always," sagot ni Vince. "Buti pa ang score niyo mataas, e'tong si Jayne bagsak na naman." Tumingin sa'kin si mommy. "Pasado nga ako," inis na sagot ko. "Dapat ata ipa-tutor kita kay Elize. Buti pa si Elize tuwing exam perfect. Binibigay naman namin lahat sayo diba?" Umikot ang mata ko dahil sa sinabi ni mommy. Tuwing exam nalang ba ganito siya? She always compare me sa panget na yun. Mas prefer niya ata ng pangit na anak "May exam pa kayo bukas right?" Tanong ni mommy sa mga kaibigan ko. "Yes po," sagot ni Matty. "Kapag bukas mababa parin ang score mo ipapa-tutor na talaga kita kay Elize." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mommy. What the hell??! Ayoko ngang magpa-tutor sa panget na yun! "No! Ayoko nga." I shook my head. "Well you have no choice dahil it's either wala kang allowance or magpapaturo ka sa kaniya." "Wahat! You can't do that." "At bakit hindi? Sino ba ang nag bibigay ng allowance sayo? Kaya kung ako sayo I'll start to study hard." Lumingon siya kila Julie. "I'll go ahead na. Mag-aral kayong mabuti," ani ni mommy at nag lakad paalis. Padabog akong naglakad paalis pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang bulong nila Matty "Ayan, hindi kasi siya nakinig satin." "Oo nga, sinabihan naman natin siyang mag-aral," ani ni Ariel. Tsk, pag-uusapan na naman nila ako! Humanda ka talaga sa'kin Elize! "Tinatanong lang naman namin kung everything is fine," Julie said. "Oo nga naman baka kasi need mo ng help namin," Cheska said. "No thank you. Okay na okay ang lagay namin. Hindi ko nga alam kung sino ang nag spread ng rumor na bumabagsak na kami. Gosh! Ang pathetic," I said. "Sabagay, ang tagal niyo na sa business industry so mahirap kayo pabagsakin," Vince said. "Yes." I nodded. "Guys." Bumukas ang pinto at pumasok si Rain. "Where's Jeff?" Tanong ko sa kaniya. "Papunta na. Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Rain samin. "About life. Kayo Matty? How's business?" Tanong ni Ariel kay Matty. "Ayun, okay padin syempre, ako kaya ang manager," proud na sabi niya. "Pero syempre may naging kaagaw kami." Matty rolls her eyes. "Sino?" asked. "Sino pa ba? E'di si Elize, diba may restaurant business narin sila?" Sagot ni Matty. "Meron?" Tanong ulit ni Rain. "Inulit ka girl?" Sumimangot si Rain. "Nagta-tanong lang, eh." Nakarinig kami ng katok sa pinto kaya napatigil kami "Buksan mo," utos ko kay Rain. Tumayo naman agad siya at binuksan ang pinto "Bakit niyo ako pinatatawag girls?" Tanong ni Jeff pagpasok ng kwarto namin. "Gusto mo ba si Elize?" Tanong ko sa kaniya "Yes," mabilis na sagot ni Jeff. Napatingin ako kay Rain na naksimangot na naman. Ang arte arte kasi akala mo naman maganda. Ayan tuloy, ibang tao na ang gusto ni Jeff "May plano ako and I think magugustuhan mo yun," I said. Kumunot ang noo ni Jeff. Ano naman yun?" I smirk, after this higschool reunion I will make sure na babagsak ka Elize. I will bring you down, babagsak ka kasama ng company namin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD