Blackmailed

2144 Words
Chapter 18 ELIZE'S POV Kinuha ko ang bag ko na nasa gilid lang ng kama ko at binuksan. Kailangan kong ayusin ang mga gamit ko para madali ko silang makuha. Isang linggo pa naman akong mananatili dito sa island. Nagpalagay ako ng malaking cabinet bawat kwarto dahil baka mag reklamo na naman si Jayne kung wala tsaka sanay siyang maging prinsesa kaya dapat lahat ng nandito ay mamahalin talaga. Akala ko pa naman paglaki magbabago siya kahit konti, well nagkamali ako. Ang demonyita hindi nagbabago "Sobrang init talaga," reklamo ni Jayne habang naglalakad kami paakyat sa bundok. Papunta kasi kami ngayon sa ilog na sinasabi ni ma'am. Buti nalang at nakatabi ako kay ma'am kasi kung hindi baka ako na naman ang pinag-initan niya "Alam mo Jayne kung ayaw mo naman sana sinabi mo kanina para hindi na tayo tumuloy," lumingon si ma'am kay Jayne na nasa pinaka-likuran. "Malayo pa po ba kasi ma'am?" Inis na tanong niya. "Malapit na kaya konting tiis nalang," ani ni ma'am at nag lakad na ulit. Nasa harapan namin ang nagtuturo ng daan papuntang ilog na sinasabi ni ma'am. Nilabas ko ang keypad na cellphone ko mula sa bulsa ko. Gusto ko sanang i-text si nanay pero walang signal "Nawalan ng signal!" Sigaw ni Rain. "Bakit walang signal?" "Hindi nag send yung reply ko!" "Nakakainis naman!" "Mag po-post pa naman ako." "Class! Kumalma nga kayo, kung makapag-react kayo parang end of the world na. Tingnan niyo si Elize kalmado lang." Napa-yuko ako dahil sa sinabi ni ma'am. Ramdam ko ang mga tingin nila sa'kin. "Aanhin niya naman po kasi ma'am ang signal. Tingnan niyo nga ang cellphone keypad," ani ni Jayzie at tumawa. Natawa ang iba pa naming mga ka-klase dahil sa sinabi niya "Oo nga. Tsaka sanay naman po ata yan sa bundok dahil mukhang dun siya galing," ani rin ni Matty. "Bakit ganyan kayo? Ang hilig niyong asarin si Elize, wala namang ginagawa sa inyo," umiiling na sabi ni ma'am. "Hindi naman po namin siya inaasa, w'ere just saying the truth. Right classmate?" Tanong ni Jayne sa mga ka-klase namin. "Oo nga naman ma'am," ani ni Maris. "Baka nga dito pa bahay ni Elize, eh. Saan ba dito Elize para maihatid ka na namin?" Dagdag ni Maris. "Tumigil na nga kayo. Hindi na nakakatuwa." Lumingon si ma'am sa'kin. "Hayaan mo na sila Elize." Tumango ako at hindi na sumagot "Maglakad na ulit tayo para maaga tayong makarating sa ilog," ani ni ma'am at naglakad na ulit. Namangha kaming lahat pagdating namin sa ilog. Hindi siya malaki pero maganda "I'm gonna post this on my IG!" Sigaw ni Rain at pumunta sa harapan namin at pinicturan ang view. Mabuti nalang at may camera ang cellphone ko kaya maipapakita ko kila nanay yung view "Opss." Nabitawan ko ang cellphone ko ng may bumangga sa balikat ko. "Paharang-harang ka naman ka naman kasi," Jayne said. Mabilis kong pinulot ang cellphone ko na nahulog dahil baka tapakan nila "S-sorry," nakayukong sabi ko at tumabi. "Tara na mag swimming na tayo," Julie said. Dumaan sila sa gilid ko at ang iba sa kanila ay sadya pa akong sinasagi "Ayokong mag swimming diyan baka hindi malinis," ani ni Jayne habang nakangiwing nakatingin sa tubig. Lumayo ako sa kanila at lumapit kay ma'am "Oh? Bakit ayaw mong sumali sa kanila?" Tanong niya sa'kin. "Mas gusto ko pong mag isa," I lied. Gusto ko namang sumali sa kanila pero alam kong hindi nila gu-gustuhin yun. "Sige." Lumapit si ma'am sa mga ka-klase ko. "Mag-ingat kayo ha, 'wag masyadong magtulakan sa tubig!" Paalala ni ma'am. Hindi naliligo ang mga ka-klase ko dahil wala naman silang pampalit. Paa lang nila ang nakalublob "Elize," napatingin ako sa gilid ko ng marinig kong tinawag ang pangalan ko. "Tinatawag ka ni Jayne," ani ni Cheska. "Sige." Sumunod ako sa kaniya at naglakad papunta sa pwesto nila "Ihanap mo ako ng upuan Elize," utos agad sa'kin ni Jayne pagdating ko sa pwesto nila. "U-upuan?" Tanong ko. Saan naman ako makakahanap ng upuan dito sa bundok? "Yes, chair. Bingi ka?" Mataray na tanong niya sa'kin. "S-sige." Umalis agad ako at naghanap ng pwedeng upuan ni Jayne. May nakita akong bato na pwede niyang upuan kaya binuhat ko yun pero mabigat kaya tinulak ko nalang. Ilang minuto bago ko yun nadala kay Jayne dahil sobrang bigat ng bato. "Ang kupad mo!" Inis na sigaw niya sa'kin. "M-mabigat k-kasi," hinihingal na sabi ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tumingin sa batong dinala ko. "Dilaan mo." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. "H-huh?" "I said lick it. Isa pang paulit mo sa'kin mabibingi ka na talaga," inis na aniya. Naghagikgikan sila Julie sa gilid at tuwang tuwa sa nangyayari Wala akong nagawa kundi yumuko. Nagsimula ng mag tubig ang mata ko pero hindi ko nalang pinansin. Lumuhod ako at hinawakan ang bato tsaka ito mabilis na dinilaan. Kinuha ko ang panyong nasa bulsa ko at pinunasan agad ang dila ko tsaka tumayo. "O-okay na." "Oh? Bakit umiiyak ka na naman diyan? Napaka-arte mo talaga." Jayne rolls her eyes. "Ilagay mo yung panyo mo." "P-pero--" Nakagat ko ang labi ko ng bigla niya akong sampalin. "Susundin mo ba ang sinabi ko?" "O-oo." Nilagay ko ang panyong hawak ko sa bato at habang nakayuko ay pinunasan ko narin ang luha kong tumulo na sa pisngi ko. Umupo si Jayne sa bato at kinuha ang pamaypay sa bag niya. "Paypayan mo ako at Julie, ibigay mo na kay Elize ang payong." Binigay naman agad ni Julie sa'kin ang payong na hawak niya kaya kinuha ko ito at pinayungan si Jayne. Kinuha ko rin ang pamaypay at pinaypayan siya. "Goodluck Elize," nakangising sabi sa'kin ni Matty bago umalis at lumublob sa ilog. Nag mwestra si Ariel sa'kin na parang umiiyak siya tapos ay sumunod narin kay Matty. Si Cheska naman ay kumaway pa sa'kin "Bilisan mo naman ang pagpaypay!" Mahinang bulyaw sa'kin ni Jayne. "O-oo." Sabi ko at binilisan lalo ang pagpaypay sa kaniya. Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit nahiga na ulit ako. Tumingin ako sa orasan ko, maaga pa naman pala. Siguro dapat matulog na muna ako. Umayos ako ng higa at pumikit Napatayo ako ng makita kong madilim na ang paligid. Gabi na?! Hindi man lang ako nagising? Hindi nila ako ginising? Sabagay ano bang dapat kong i-expect sa kanila? Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto ko pero pagtapat ko sa pinto may naamoy akong mabaho. Bakit ang lansa? Humuli ba sila ng isda? Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at lumabas. Ang bumungad sa'kin ay maraming kulay pulang likido. Dugo! Bakit ang daming dugo?! "G-guys!" Nanginginig ang boses ko dahil sa takot. Anong nangyayari? Nasaan sila? Patay na ba sila? "G-guys hindi magandang joke to!" I shouted. "Elize, anak." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na yun. "N-nay?" Halos bulong lang ang lumabas sa bibig ko. "Anak." "T-tay?" "Elize." Tumayo ang balahibo ko sa batok ng may bumulong sa kaliwang tenga ko. Lumingon ako sa likuran ko pero walang tao "Elize." Nakarinig ako ng boses sa harapan ko kaya mabilis akong humarap. "N-nay." Nagulat ako ng makita ko si nanay at tatay sa harapan ko. Anong ginagawa nila dito? At paano sila napunta dito? "Anak umuwi ka na," ani ni nanay. "Mag-iingat ka." Kumunot lalo ang noo ko sa sinabi ni tatay. "UMUWI KA NA!" Nagulat ako ng sumigaw si nanay at nag lakad papalapit sa'kin. May naapakan ako sa likod ko kaya bumagsak ako sa sahig "AHH!" Napa-upo ako sa higaan ko habang nakahawak sa dibdib ko dahil hinahabol ko ang hininga ko. Feeling ko tumakbo ako ng malayo dahil kinakapos ako ng hininga. Anong ibig sabihin ng panaginip ko? O may ibig sabihin ba talaga yun? Pinilig ko ang ulo ko at tumayo. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba sa kusina para kumuha ng tubig. Saktong paglabas ko bumukas rin ang pinto ng kwarto nila Eyra at lumabas si Kiya "Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya. "Sa kusina." Umiwas siya ng tingin sa'kin. "Dun din ako papunta, sumabay ka na." Tumalikod ako at naglakad pababa ng hagdan. Kumuha ako ng tubig sa ref at nag salin sa baso tsaka ito ininom "Ang daming pagkain," ani ni Kiya ng makita ang mga pagkaing pinahanda ko. "Hindi ko kasi alam kung anong pagkain ang gusto niyo so dinamihan ko na yung pinahanda ko," sagot ko pagkatapos kong uminom ng tubig. "Ganun ba?" "Gusto mo na bang kumain?" Tanong ko sa kaniya. "Malapit narin mag twelve." "Pagbaba nalang nung iba. Nga pala congrats. Ibang iba ka na." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Thanks. Tinupad ko lang kung ano ang ipinangako ko sa parents ko," I answered. "I'm sure proud sila sayo. Anyway, sorry nga pala." "Para saan?" I asked. "Nung highschool tayo. Sorry sa lahat ng maling ginawa ko. Nagsisisi akong ginawa ko yun," nakayukong sabi niya. Hindi agad ako nakapag salita sa sinabi niya. Mukhang mali ang sinabi ko kanina. May mga tao parin palang nagbabago. "Okay class, humanap kayo ng partner niyo para sa ating next acitivity." Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi ni sir. Mukhang mag so-solo na naman ako. Wala naman kasing gustong makipag grupo sa akin. "Elize." Tumunghay ako at tumingin sa taong tumawag sa'kin. "Bakit?" Tanong ko kay Kiya. "Pwede ba kitang maging ka-partner?" Nagulat ako sa tanong ni Kiya sa'kin. Ka-partner? Anong nakain niya at gusto niya akong maging ka-partner? "Ayaw mo ba?" Mabilis akong umilig. "H-hindi naman," "So partner na tayo?" Mabagal akong tumango dahil naguguluhan parin ako sa nangyayari. Napatingin ako sa grupo nila Jayne pero umiwas din agad ako ng makita kong nakataas ang kilay ni Jayne habang nakatingin samin ni Kiya "Pag-usapan nalang natin after class," nakangiting sabi niya sa'kin. "S-sige." Ngumiti siya sa'kin bago bumalik sa upuan niya. Natulala ako dahil sa ginawa niya. Sa ilang buwan kong nandito sa school ngayon lang may ngumiti saking ka-klase ko. Kung hindi kasi simangot ay ngisi ang natatanggap ko sa kanila Pagkatapos ng activity namin nilalapitan at kina-kausap parin ako ni Kiya. Minsan ay nagpapatulong siya sa'kin sa math dahil mahina daw siya dito. Hindi niya ako sinusungitan o sinasaktan katulad ng iba pa naming ka-klase kaya dalawa na ang kaibigan ko sa school. Si James at si Kiya "Totoo ba yang si Kiya?" Tanong ni James sa'kin. "Oo naman. Tao naman siya, hindi naman alie." Kunot noong sagot ko. Anong akala niya kay Kiya? From Mars? "Pilosopo kadin no?" "Inaano kita?" Nakapameywang na tanong ko sa kaniya. "What I mean is baka may binabalak yang si Kiya kaya nakikipag kaibigan sayo." Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Oo nga no? Pero hindi naman siguro ganun si Kiya diba? Hindi niya naman siguro ako kinaibigan dahil may plano sila? "Wag mo ng isipin yun. Ang tagal na nun," I said. "Masaya akong naging kaibigan kita kahit saglit lang. Kung pwede lang ulitin yung nakaraan-- Pero hindi na. Ang mahalaga naman buhay pa tayo hanggang ngayon." I cut her off. "Malapit na mag lunch time. Tawagin na natin yung iba." Nilampasan ko siya at nag lakad paakyat sa taas. *********************************** KIYA'S POV "Dito kami." Tinuro ni Eyra ang kama na nasa taas. "Sa baba ako," ani naman ni Nelson. "Sa taas nalang ako," sabi ko at naglakad papunta sa harap ng cabinet. May dalawang malaking cabinet dito sa loob ng kwarto at katabi nito ang pinto na sa tingin ko ay ang pinto ng banyo. "Babe, dito na tayo." Hinatak ni Eyra si Jeco. "Kailangan pa nating mag unpack ng gamit natin," sagot ni Jeco sa kaniya. "Kaya na ni Kiya yan." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Anong ako? Hindi ko aayusin ang gamit niyo. Wala kayong yaya dito," diretsong sagot ko sa kaniya. "Ang damot mo naman," sagot niya pabalik sa'kin. "Kontrolin mo yang jowa mo pre, parang laging kulang sa t**i," sabat ni Nelson at pumunta sa tabi ko para ayusin din ang gamit niya. "Wag ka namang bastos, pre," sagot ni Jeco sa kaniya. "Sinasabi ko lang yung totoo," sagot pabalik ni Nelson habang inaayos ang gamit niya. "Ayusin niyo muna kasi yung gamit niyo," sabi ko sa kanila at tinuloy na ang pag-aayos ng gamit ko. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay dumiretso ako sa cr para tingnan ito. Sila Jeco at Eyra ay hindi sinunod ang sinabi namin ni Nelson. Bahala sila, hindi naman namin gamit yun Malaki rin ang cr, may shower, may bathtub, may bowl at may lababo din. Ang mahal siguro ng bili ni Elize sa buong island na to. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napa-buntong hininga. Last week ko pang gustong maka-usap si Elize para makapag sorry ako sa kaniya. Para makapag sorry ako sa ginawa ko sa kaniya noong party namin. Hindi ko naman gusto yun, natakot lang ako. Tinakot lang ako nila Jayne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD