First Quarrel

2357 Words
Chapter 21 "Kiya." Napahinto ako sa paglalakad ng marinig kong may tumawag sa'kin. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko sila Jayne. Ano naman kayang kailangan ng grupo nila sa'kin? Lumapit ako sa kanila. "Ano yun?" "We need to talk," sagot ni Jayne. "Talk? Bakit?" Kunot noong tanong ko. "Sumunod ka nalang samin," ani ni Cheska. Tumalikod sila sa'kin at nag lakad paalis kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod. Huminto kami sa gilid ng isang building "Bakit mo kinakausap si Elize?" Tanong ni Jayne sa'kin "Dahil gusto ko," sagot ko sa kaniya. Nagkatinginan silang magka-kaibigan at tumawa. "Wag mo kaming binibiro." "Napatawa mo kami dun, sis," sabi ni Matty. "Yun naman ang totoo," alanganing sagot ko. Tumaas ang kilay ni Jayne. "First of all, kakaibiganin mo lang ang katulad ni Elize kung may kailangan ka sa kaniya or kung cheap ka din katulad niya and I guess ang reason mo ay yung una because kung cheap ka rin like her, you don't belong in this school and I will make sure na mapapa-alis ka dito so bakit ka nakikipag kaibigan kay Elize?" Tanong niya ulit sa'kin. Napalunok ako sa tanong niya. Bumalik sa ala-ala ko ang mga ginagawa nila kay Elize. Hindi naman ako kasing tapang ni Elize para harapin lahat yun "Y-yung pang-una." Nakayukong sagot ko. "Perfect answer!" Pumalakpak si Vince. "I'm right, lumalapit ka lang kasi may kailangan ka sa kaniya at hindi ka cheap like her. Anyway, may plan kami," nakangising sabi ni Jayne. "A-ano yun?" "Sa party kailangang dumalo ni Elize so pilitin mo siya. Mapapahiya siya sa gabing yun at sasabihin kong may kailangan ka lang sa kaniya kaya mo siya nilalapitan. Ano nga bang kailangan mo sa kaniya?" Hindi agad ako naka-sagot sa tanong niya. Paniguradong masasaktan si Elize kapag ginawa yun ni Jayne pero anong gagawin ko? Baka idamay nila ako kapag hindi natupad ang plano nila "Girl? Kasama ka pa ba namin." Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Julie. "K-kasi..." Anong sasabihin ko? "Kasi what?" Inip na tanong ni Jayne. "Nagpapaturo ako sa math," pagsisinungaling ko. "Yun lang pala. You can do that naman kahit hindi mo siya kaibiganin, ang hina mo naman. You don't need na mag tiis sa katulad niya," ani ni Jayne. "Pwede ka ngang makakuha ng math answer, hindi mo na kailangang mag paturo," ani naman ni Ariel. "Anyway, okay ba sayo ang plan? Sasabihin ko sa kaniya na ginagamit mo lang siya sa party?" Hindi pa ako nakakasagot ay nag salita na siya. "Why am I even asking. Kahit naman mag no ka I will do that parin. Just make sure na makakapunta siya," sabi niya at nag lakad na paalis kasama ang mga kaibigan niyang nilabas ata ni Satanas. Tumingin ako sa likod nilang papa-alis. I'm so sorry Elize. I'm so sorry Isang araw bago ang party ay tinakot pa ako ni Jayne na kapag hindi ko daw napapunta si Elize ay malalagot daw ako sa kaniya kaya pinilit ko si Elize ng paulit-ulit para lang pumunta siya. Kilala ko ang ugali ni Jayne, alam kong tototohanin niya ang sinasabi niya at I'm sure na malala ang gagawin niya sa'kin lalo na at inis siya kaya ginawa ko talaga lahat ng pamimilit para pumunta si Elize Huminga ako ng malalim at umiling. Tapos naman na yun. Ang mahalaga ngayon ay makapag sorry ako sa kaniya. Gusto ko sanang sabihin na tinakot lang ako kaya ko yun nagawa pero wala naman ng mangyayari. Matagal ng tapos, dapat nga matagal na akong nag sorry sa kaniya pero hindi ko nagawa kaya ngayon itatama ko na talaga lahat Lumabas ako ng cr at umakyat sa kama ko. Ano kayang gagawin ko? Wala naman sa'kin ang cellphone ko. Sa kakaisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako "Kiya." Napa-upo ako ng marinig ko ang pangalan ko pero kumunot ang noo ko ng makita kong nasa classroom ako. Anong ginagawa ko dito? "Kiya." Tumayo ang balahibo ko ng marinig ko na naman na may tumawag sa pangalan ko. "S-sino yan?!" Sigaw ko. "Magbabayad ka." May narinig akong bumulong mula sa likod kaya lumingon ako sa likuran ko. Napa-atras ako ng makita ko si Elize. Ang high school student na si Elize. Marami siyang sugat at ang iba dito ay may dugo pa. "E-Elize," halos bulong lang ang lumabas sa bibig ko. "Magbabayad ka," mahinang sabi niya. "Sorry Elize." "Magbabayad ka," medyo lumakas ang boses niya kaya napa-atras ako. "P-patawarin mo ako. H-hindi naman totoo-- MAGBABAYAD KA." Nanlaki ang mata ko ng mag labas siya ng kutsilyo mula sa likod niya. Napa-upo ako sa kama ko at tumingin sa paligid. Para akong nakahinga ng maluwag dahil nasa mansion pa naman ako. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko, pinagpawisan ako sa panaginip ko. Ang weird naman ng panaginip ko na yun. Tumingin ako sa orasan na nasa wrist ko lang. Malapit na palang mag tanghalian Saktong tumunog ang tyan ko kaya napahawak ako dun. Kaya pala nagugutom na ako Napatingin ako sa gilid ko kung saan nakahiga sila Jeco at Eyra. Nakatalukbong silang dalawa pero rinig ang malanding hagikgik ni Eyra. Napaka-landi talaga nilang dalawa. Sunod akong tumingin sa ibaba ng kama ko kung saan nakahiga si Nelson. Nakatalukbong din siya at rinig ang mga mahihinang hilik niya. Mukhang nakatulog siya. Sino ba naman kasing hindi makakatulog? Wala kang ibang magagawa dahil wala naman samin ang phone niya tapos pare-parehas pa kaming pagod dahil sa byahe at kailangan naming mag ipon ng energy para mamayang hapon Bumaba na ako sa kama ko at lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng kwarto may narinig akong bumukas rin na pinto kaya tiningnan ko kung kanino yun. Napahinto ako ng makita ko si Elize. "Saan ka pupunta?" Tanong niya sa'kin. "Sa kusina, sagot ko at umiwas siya ng tingin sa kaniya. "Dun din ako papunta, sumabay ka na," ani niya at tumalikod tsaka bumaba ng hagdan. Ito na siguro ang right timing para humingi ako ng sorry sa kaniya **************************************** ELIZE'S POV Pag-akyat ko sa taas dumiretso ako sa kwarto nila Jelly at kumatok sa pinto nila "Yes?" Bumukas ang pinto ng kwarto nila at ang bumungad sa'kin ay si Sheyn. "Lunch na so baka gusto niyo ng kumain. May naka-prepare na food sa baba," I said. "Pagkain?" Narinig ko ang boses ni Jasmine at ang yabag ng paa niyang papalabas kaya mabilis akong tumabi dahil baka masanggi niya ako. Mukhang hindi inaakala ni Sheyn na sasangiin siya ni Jasmine kaya hindi siya tumabi. Pagdaan tuloy ni Jasmine ay nasubsob si Shey sa sahig dahil nasanggi siya ni Jamine "Aray!" Sigaw ni Sheyn pagtayo niya. Nagulat ako ng makita kong pumuntok ang gilid ng labi niya "Anong nangyari?" Lumabas ng kwarto sila Yassy. Sasabihin ko na sana na hindi ako ang may kasalanan pero naunahan nila ako "Anong nangyari kay Sheyn?" Tanong ni Jelly. "Anong ginawa mo Jasmine?" Tanong ni Yassy kay Jasmine. Medyo nagulat ako sa sinabi ni Yassy. Dati kasi tuwing may nangyayari sa'kin nila sinisisi ang lahat Pagkatapos ng announcement ng principal tinawag ako ni ma'am, pinalalagay niya yung gamit niya sa room namin. Pagbalik ko sa room ako palang ang tao dun Lalabas na sana ulit ako dahil ayokong maabutan nila akong nag-iisa sa room pero nakasalubong ko si Josielyn Tumaas ang kilay niya ng makita ako. "Tumabi ka diyan, nerd." "Nauuna na ako!" Napatingin kami sa likod ni Josielyn ng marinig namin ang boses ni Nelson. Nakatingin siya sa likod habang tumatakbo kaya hindi niya napansin si Josielyn sa harapan niya. "Aray!" Daing ni Josielyn ng bumagsak siya sa sahig. "Hala Josielyn, sorry," ani ni Nelson. Muntik na rin siyang matumba pero nakapag balance siya. "J-josielyn." Inabot ko ang kamay ko kay Josielyn pero hindi niya yun tinanggap. "Paharang harang ka kasi," inis na sabi niya sa'kin. "Oh, anong nangyari dito?" Napatingin ulit kami sa pinto ng marinig namin ang boses ni Yuris. "Bakit? Anong meron?" Kasunod niya si Collins. Hanggang isa-isa ng dumating ang mga ka-klase namin "Gsoh! Josielyn what happened?" Gulat na tanong ni Jayne. "Anong ginawa mo Elize?" Tanong ni Cheska sa'kin. "Tinulak mo si Josielyn no?" Tanong ni Jeff sa'kin. "Hi--" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko sumingit na si Nelson. " Nakita kong tinulak ni Elize si Josielyn." Nagulat ako sa sinabi ni Nelson. Kailan ba sila mag sa-sabi ng totoo? Tinulungan ni Jeff na tumayo si Josielyn. "Anong gusto mong gawin kay Elize?" Tanong ni Jeff sa kaniya. Yumuko nalang ako, wala naman na akong magagawa "Itulak hanggang tumama yung ulo niya sa pader. Tingnan niyo yung ginawa niya sa tuhod ko oh!" Pinakita ni Josielyn ang tuhod niyang nagasgasan ng maliit lang naman. "Sige, Jo. Gawin mo na." Tumabi si Jeff habang nakangisi. Tumingin ako kay Josielyn na nasa harapan ko. Tinulak niya aako kaya napa-atras ako, tumingin ako sa likuran ko dahil baka may tamaan ako bago humarap ulit kay Josielyn pero sana hindi ko nalang ginawa dahil palad niya ang sumalubong sa'kin "Isa pa!" Sigaw ni Maris. "Tama na!"Sigaw ko kaya napahinto sila. "Aba! Lumalaban," Yuris said. "Sino na bang pinagmamalaki mo ngayon?" Lumapit sa'kin si Jeff at mahigpit akong hinawakan sa braso ko. "Sagot!" Sigaw niya. "M-masakit," naluluhang sagot ko. "Hindi papalag to. Hawakan mo sa kabila Samuel," ani ni Jeff kay Samuel. Lumapit sa'kin si Samuel at hinawakan ang kaliwang braso ko "Tama na please," I pleaded. Kailan ba sila mapapagod? Kailan ba nila ako titigigilan? Wala naman akong ginagawa sa kanila pero yung galit nila sa'kin parang lahat ng kamalasan nila sa buhay kasalanan ko. Gumawi ang tingin ko sa taong nag simula ng lahat, si Jayne. Siya talaga ang may kasalanan nito "Nakaharang kasi siya," walang pakeng sagot ni Jasmine. "What happened?" Bumukas rin ang pintuan nila Jayne. Mukhang narinig nila ang gulo dito sa labas ng kwarto nila. "Sinanggi ako ni Jasmine," sagot ni Sheyn. "Wag ka kasing paharang harang," sagot ni Jasmine sa kaniya. "Wag ka kasing masiba. Parang hindi ka pinakain ng tatlong taon kung maka-react ka!" Inis na siagw ni Sheyn sa kaniya. "Anong nangyayari?" Bumukas ang pinto nila Ariel at lumabas si Jayzie. Sa tingin ko ay si Jayzie lang ang nandun dahil sa kwarto nila Jayne lumabas sila Ariel. "Bakit ba kayo nag si-sigawan?" Lumabas din ng kwarto sila Samuel. "E'to kasing si Jasmine patay gutom," ani ni Yassy. "Anong patay gutom, bakit? Masama ba magutom?!" Sigaw ni Jasmine kay Yassy. "Gutom? Eh, kanina ka pa kumakain!' Sigaw pabalik ni Yassy sa kaniya. Masaya din palang makitang nag-aaway sila. Dati kasi puro ako ang inaaway nila Pagbalik ko galing sa banyo narinig ko silang nagkakantahan. Mukhang ang saya saya nila, sabagay katatapos lang ng birthday celebration ni Matty. Dito kasi siya sa school nag celebrate kaya binigay nalang ng teacher namin na libreng oras yung natitirang time sa class niya Pag pasok ko sa loob napahinto sila at napatingin sa'kin "Wala na, sira na mood ko kumanta," ani ni Yuris. "Nakakawalang gana," Jayne commented. "Buti di ka nawalan ng gana i-celebrate yung birthday mo Matty?" Tanong ni Joy kay Matty. "Syempre 'wag papa-apekto sa mga negative thingd right?" Sagot ni Matty. "Tama. Tuloy ang kasiyahan!" Sigaw ni Jp. Kumanta ulit sila kaya lumabas nalang ako at naghintay dun. Baka magalit lang sila sa'kin kung mag stay ako sa loob ng room. Lagi naman talagang mainit ang dugo nila sa'kin. Naupo ako sa labas katabi ng paso at pinunasan ang tulong tumulo mula sa mata ko. Nakakainis, bakit hindi pa ako masanay na ganyan naman sila lagi? "Please guys, wala kayo sa palengke. Ang ingay niyo," saway ni Thalia sa kanila. "Yang mga maarte na yan ang sisihin mo." Tinuro ni Jasmine Si Yassy. "Hoy taba! 'Wag mo akong itinu-turo turo ah!" Tinabig ni Yassy ang kamay ni Jasmine na nakaturo sa kaniya. Omygosh! Nagugutom nako hindi pa ba sila titigil? "Wag mo rin akong sinisigawan!" "Sino bang nauna?" Tanong ni Jelly kay Jasmine. "Kayo. Parang pumutok lang yung labi ng kaibigan niyo inis na inis na kayo. Bakit mama-matay na ba yang si Sheyn?" Tanong ni Jasmine sa kanilang tatlo. "Ang sakit kaya!" Sagot ni Sheyn. "Guys tama na nga. Nandito tayo para mag reunion hindi mag-away," awat ni Kiya sa kanila. Hindi ko napansin na umakyat rin pala siya. Siguro narinig niya yung ingay dito sa taas. "Oo nga. Nagugutom na ako ayaw niyo pang tumigil diayn," sabi ni Rey. "Mag sorry ka na Jasmine," sabi ni Jayzie kay Jasmine. "Bakit ako mag so-sorry sa mga maarteng yan. Kung maka-arte akala mo magaganda." Umikot ang mata ko dahil sa naging sagot ni Jasmine kay Jayzie. Hindi ba nila kayang magpakumbaba kahit minsan? "Magaganda talaga kami. Palibhasa ikaw mukhang baboy na naging tao," sagot ni Yassy sa sinabi ni Jasmine. "Ah ganon. Tara dito ng makita mo ang away na hinahanap mo." Lumapit si Jasmine kaya Yassy at hinila ang buhok nito. Nakisali narin si Jelly at Sheyn dahil kaibigan nila ang inaaway ni Jasmine "Hoy, sabi ng tama na yan eh." Inawat sila ni Jeff. Tumulong narin si Nelson, Jospeh at Samuel "Ano ba yan gutom na ako, eh," reklamo ni Marie. "Huminto na nga kayo," ani ni Matty. Sa dami ng nag sa-salita hindi ko na alam kung kaninong boses yun. Parang lahat nga nag sa-salita na eh "Guys!" Napahinto sila ng sumigaw ako. Lahat sila ay nakatingin sa'kin at parang naghi-hintay sa sasabihin ko "Magbati na kayo, gutom na kasi kami and sayang naman yung mga food sa baba kung lalamig. Kayo, kung gusto niyong kumain ng malamig na food. Basta 'wag kayong mag re-reklamo sa'kin," I said. "Oo nga, gutom na kami," Maris said. "Hayaan nalang natin sila diyan. Kumain na tayo sa baba. Tara babe." Hinatak ni Eyra si Jeco at bumaba. "Kiya, paki samahan sila sa kusina," paki-usap ko kay Kiya. Tumango naman siya at sumunod kila Jeco. "Kakain na rin ako. Bahala na kayo sa kaartehan niyo diyan," ani ni Maris at naglakad narin pababa. "Mee too." "I'm hungry nadin." "Bahala kayo kung ayaw niyo mag bati." Bumaba na sila at hindi na pinansin ang tatlo. Wow, first time ata nilang makinig sa'kin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD