Plastics

2176 Words
Chapter 5 Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya. Binenta na ang dalawang island namin kaya imbis na dun sana kami mag hi-high school reunion ay hindi na pwede. Our company is falling, malapit na kami ma-bankrupt! At lahat ng yun ay dahil sa company na binuo ni Elize! Hindi ko inaakala na siya pala ang may-ari ng company na yun! Sinira niya lahat ng pinaghirapan ko! Baka nga sinadya niyang makipaglaban sa company namin. For sure gusto niyang maghiganti kaya kinuha niya ang ibang empleyado namin maging ang mga investor namin! But I will not let that happen. Hindi niya tuluyang maipapabagsak ang company namin. Ayoko ngang maging poor. Gusto ko sanang sabihin kay mommy na si Elize ang may-ari ng kalaban naming company pero sa susunod nalang. Baka mas lalo lang siyang madisappoint sa'kin kapag nalaman niya na ang scholar sa dati naming school ang kalaban namin ngayon. "Sigurado ka bang under control pa ang lahat?" Concerned na tanong ni mom. "Yes, mommy." I nodded. Bumuntong hininga si mommy. "Alam na nagkakagulo ang mga board members ngayon?" Kumuyom ang kamao ko sa narinig ko. "Just give me some time, maaayos ko rin ang lahat. Mabuti pa umuwi ka nalang muna mom. Ako ng bahala dito." Tiningnan niya muna ako ng ilang segundo bago siya tumango at mag lakad palabas. "Mommy." Bago pa siya tuluyang makalabas ng office ko tinawag ko na siya. "Ano yun?" "Mag le-leave muna ako ng one week," I said. "Bakit?" "Gusto ko lang mag relax." "Sure, kailangan mo ngang mag relax. I'll go ahead." Binuksan niya ang pinto at tuluyan ng lumabas ng office ko. Napatingin ako sa lamesa kong punong-puno ng mga papers. Argh! I hate my life! Gagamitin ko pa ang naipon kong pera para sa highschool reunion namin. Ayoko namang mag mukhang naghihirap sa harapan nila. Alam kong pag-uusapan nila ako behind my back kapag nalaman nila ang totoo. Umupo na ako sa swivel chair ko at inumpisang basahin ang lahat ng dapat kong pirmahan "Steph!" Mabilis na pumasok ang secretary ko ng tawagin ko ang pangalan niya "Bakit po?" "I will be gone for one week so lahat ng meetings ko si dad muna ang aattend," sabi ko habang nakatingin sa mga papers na pinipirmahan ko. "Okay po." "Bring me coffee and please lang ayusin mo ang ibibigay mo sa'kin kung ayaw mong itapon ko yun sa mukha mo." "O-opo." Mabilis siyang lumabas ng office ko para kumuha ng kape ko. ******************************* CHESKA'S POV "After na ng reunion natin pag-usapan ang gagawin natin." Tumayo si Jayne. "I have to go. Marami pa akong papers na kailangan i-sign."Kinuha niya ang kaniyang bag at lumabas na ng VIP room. I roll my eyes when she got out. Pretending btch! Akala ba niya hindi namin alam ang totoong lagay ng business nila? Kalat na kaya na malapit na silang ma-bankrupt. Tsaka feeling ko kaya ayaw niyang sa island nila kami mag higschool reunion ay dahil wala na talaga silang island. Baka tama ang parinig ni Elize, baka binenta na nila ang island nila dahil naghi-hirap na sila. Bumabagsak na si Jayne, mukhang dapat kay Elize na ako dumidikit para magantihan ko si Jayne. Hindi naman ako nag-apply bilang alalay niya tapos gagawin niya akong alalay. For sure gaganti si Elize kay Jayne. Ang dami kayang kasalanan ni Jayne kay Elize. Pumayag lang naman ako kanina sa plano niya para tumigil na siya. Paano niya naman gagawin ang plano niya, eh wala na nga siyang pera. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano niya ako pagmukaing mababa. Lumapit ako sa kaniya para makipag kaibigan dahil yun ang utos ng parents ko. Ginawa ko ang lahat para manatili sa tabi niya pero ngayong kapantay ko na siya, hindi niya na ako mauutusan. Umupo na ako sa upuan ko pagkatapos kong magpakilala. Bago lang ako sa school nato. Sabi ng parents ko nandito daw ang anak ng boss nila. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil nang mag attendance ay nag-iisa siyang rosales dito sa classroom namin. Jayne Rosales. Mukha niya palang ay halata ng masungit siya. After ng class namin ay break time kaya pinalabas na kami. Naglakad agad ako papunta sa grupo nila Jayne. tatlo silang magkakasama. Si Jayne, si Rain at Julie. "H-hi." Nahihiya akong kumaway sa kanila. Tumaas ang kilay ni Jayne at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ganun din ang ginawa ni Julie at Rain. "Diba ikaw yung bago?" Tanong ni Julie. "Ako nga," mabilis na sagot ko. "What do you need?" Tanong ni Jayne. "Wala na kasing bakante. Gusto ko lang sanang tumabi sa inyo." Tiningnan ulit ako ni Jayne mula ulo hanggang paa. Parang bawat sulok ng katawan ko ay tinitingnan niya. Ano kayang chine-check niya? "Anong company ng parents mo?" Naguluhan ako sa sunod na tanong ni Jayne sa'kin. "Wala. Employee ang parents ko sa company niyo. Secrertary ang mom ko at isa naman sa manager ang dad ko." "Manager? Pwede na. You can sit here with us pero naubusan na kasi ako ng juice, eh. Ikuha mo ko." Inabot niya sa'kin ang baso niya. Kahit nag aalangan ay kinuha ko parin ito. "Ako rin," sabi ni Rain at inabot sa'kin ang baso niya. "Me too." Inabot rin sa'kin ni Julie ang baso niya. Naglakad ako papunta sa counter at nag refill ng juice nila tapos ay bumalik na ako sa table nila Jayne. "Shoot! Nahulog yung spoon ko. Ikuha mo naman ako." Lumingon sa'kin si Jayne. Kinuha ko nalang siya dahil baka kapag humindi ako ay hindi na sila makipagkaibigan sa'kin. Pagkatapos ng araw na yun naging kaibigan ko na sila. Kasama na ako sa grupo nila. Nalaman ko din na ayaw ni Jayne sa mahihirap. Mahilig din siyang pag-usapan ang mga unfortunate na bagay na nangyayari sa ibang tao. Gossip girl kumabaga. Sa kaniya nanggagaling ang lahat ng chismis na kumakalat sa school namin. Naging utusan niya narin ako, wala siyang ibang inuutusan kundi ako. "Alam niyo ba. Si Nicky, kabit daw ng math teacher natin," Jayne said. "Really?" Gulat na tanong ni Julie. "OMG, hindi naman siya maganda," Rain said. Rain is so obsessed with his beauty. Sobrang inaalagaan niya ang katawan niya. "Baka mahilig si Sir sa pangit," I commented. "Kaya pala lagi siyang nakakapasa kahit bobo naman siya sa math. She uses her body to get a good grades," Jayne said. "Gosh, dapat malaman to ng principal. Kahihiyan sa school to," Julie replied. "Yes pero wala tayong evidence. Anyway, kahit saang part daw ng school nag se-s*x sila. Kadiri right?" "Yuck, ang baboy naman," nandidiring sabi ko. "Hindi nga lang sa math teacher natin siya pumatol pati sa science teacher natin," ani ulit ni Jayne. "God! Anong meron kay Nicky? Ang dry naman ng balat niya," Rain commented. "Itry ko din kaya?" "Baliw ka na Rain," sabi ni Julie sa kaniya. "Tara na nga. Baka kung ano pang maisip ni Rain," ani ni Jayne at naglakad palabas. "Labas muna ako," sabi ni Samuel at tumayo. Sa tingin ko ay wala na silang dalawa ni Jayne dahil bukod sa hindi sila magkasama ngayon ay iba ang tingin ni Samuel kay Jayne. Mukang may gusto din si Samuel kay Elize. "Sama ako bro." Tumayo narin si Jeff. "Isama niyo na din ako," sabi ni Joseph. "Ako din." Tumayo rin si Collins. He's Collins Mariano. Ang pinaka ma-pride saming lahat. Feeling niya lagi siyang tama. Alam ko isa rin siyang model Tumayo narin ang iba pa naming ka-klaseng lalaki para sumama sa labas "Mag c-cr lang kami." Sabay na tumayo si Jeco at si Eyra tsaka lumabas ng VIP room. "Buti nag tagal sila no?" Tanong ni Julie. "Parehas naman kasi silang malibog," sagot ni Ariel. "Yeah, right. Kahit saan sila magpunta lagi silang nagse-s*x," sabi ni Vince. "Parang hindi niyo naman kilala ang dalawang yun. Laging tigang!" Malakas na sabi ni Marie. "Omygosh Marie, lower your voice. Nakakahiya ka, do you work sa palengke ba?" Pang-iinsulto ni Julie sa kaniya. "Okay lang naman, ah. Hindi naman kasi maarte si Marie katulad niyo," singit ni Maris. "Oh, shut up Maris. Katulad mo lang din naman si Marie, parang hindi babae," sagot ni Julie sa kaniya. "Hindi ko nga alam kung bakit ka nagustuhan ni Rey," sabi ni Vince kay Marie. Gusto ni Vince si Rey dati noong mga highschool palang kami, kaya laging mainit ang dugo niya kay Marie dahil siya ang gusto ni Rey at hindi siya. Napa-ilusyunada naman kasi niya dahil akala niya papatulan siya ni Rey "Mas marami naman kasi siyang magugustuhan kay Marie kaysa sayo bakla," Maris laughed. Tumawa narin kami kaya mas lalong nainis si Vince. Lumabas din si Rey kasama si Samuel kaya hindi niya naririnig ang pinag-uusapan namin. "Okay lang. Hindi naman kagwapuhan si Rey. Mas marami akong nakilalang gwapo kaysa sa kaniya," maarteng sagot ni Vince. "Saan naman galing? Sa mga gay bar?" Ininis pa lalo ni Jayzie si Vince. Jayzie Pascua. Their family owns a farm, inshort magsasaka sila. So, cheap, kaya lagi tuloy siyang amoy putik "Totoo kaya ang sinabi ni Elize?" Napahinto kami ng mag salita si Joy. "Tungkol saan?" I asked her. "Bumabagsak na daw ang company ng mga Rosales?" "My gosh! Nung nakaraan pa namin alam," pa-irap na sagot ni Matty. "Oo nga, saan ka ba nakatira sa bundok? Ang late mo naman sa mga balita," I said. "Ngayon lang kaya tayo nag kita diba? Kayo talaga walang common sense." Umiiling na sabi nito. "Kami pa talaga ang wala, ah," ani ni Josielyn. Josielyn Sangui. Ang probinsyana. Kung hindi ako nagka-kamali kapitan ang papa niya sa baranggay nila and they have business daw. I dont know kung anong business or kung totoo ba talagang may business sila. "Hindi niyo ba tutulungan ang kaibigan niyo?" Tanong niya ulit. "Mukha namang hindi niya kailangan ng tulong namin," sagot ni Ariel. "Sa business ko dapat ako mag focus," sagot ni Julie. "Hahahaha!" Biglang tumawa si Maris. " Hindi ba obvious Joy. Magkaibigan lang sila sa ginhawa. kapag wala ng pakinabang ang isa sa kanila, bye friendship. Nag pla-plastikan lang naman sila." "Marami din kaming problema Maris. Bakit hindi ikaw ang tumulong? Echosera to," inirapan ni Matty si Maris. "Bakit? Naghihirap na ba kayo?" Tanong ulit nito. "Ako, hindi pero ikaw Maris parang oo.Nung nakaraan nakita kita naglalakad sa kalye may kasama kang mukhang dancer sa mga pipichuging bar. Friend mo?" Tanong ni Vince. Nagulat ako sa sinabi niya. Totoo ba? "Saan mo nakita?" Tanong ko. "We need to go na. Baka mamaya mag-away pa kayo tapos madamay kami." sabi ni Yassy sabay tayo. "Feeling niyo naman," sagot ni Vince sa kaniya. "Talaga," Yassy replied. Tumayo narin sila Sheyn at Jelly. Silang tatlo ang magka-kaibigan, lagi silang may sariling mundo "Bye guys." Sabay-sabay pa silang kumaway bago umalis. "Kaya hindi maganda ang girl friends, masyadong magulo. Anyway, we have to go narin," ani ni Thalia. "Tara na, babe." Lumingon siya kay Jp na busy sa kaniyang cellphone. "Malandi ka lang talaga Thalia," sagot ko sa kaniya. Feeling one of the boys talaga. High school palang kami ay ganiyan na ang ugali niya. Until now, hindi parin pala niya binabago. "May powder ka ba Julie?" Tanong ni Rain kay Julie. "Hindi ba nangangati ang mukha niyo sa make-up?" Napatingin kami kay Thalia na bigla nalang sumulpot. "Hindi naman. It makes me prettier," Rain answered. "Ang kati kaya ng make-up. Buti pa kayo hindi nangangati. Sabagay hindi ko din naman gusto yan, mas maganda parin ang natural." I roll my eyes because of what she said. Napaka-pabebe niya. "Babe, anong gagawin mo sa linggo?" Umalis na si Thalia nang makita niya si Jp. "Nakakairita si Thalia," Ariel said. "Truth mare, apaka-feeling one of the boys," Vince said. Hindi ko na sila pinansin at tumingin kay Thalia "Manonood kayo ng basketball? Sama ako. You know I like basketball right?" Thalia said to her boyfriend. "Hindi kaya naaasar si Jp kay Thalia?" Tanong ko sa mga kasama ko. Kung naaasar siya malamang wala na sila," sagot ni Julie sa'kin. "Nangangati ang mukha niya sa make-up pero naka make-up naman siya," Rain said. "Favorite niya lang talagang dumikit sa mga lalaki. She's a w***e," Jayne commented. "Right, pasikat," Matty. "I heard pinagpapasahan lang siya ng mga kaibigan niya," ani ulit ni Jayne. Napasinghap kami dahil sa sinabi niya. "Sabi na, eh. May fishy talaga kay Thalia," Julie said. "Nagustuhan siya ng mga ka-klase natin? How?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rain. "Dapat malaman to ng buong school," Vince said. "Basta, hindi niyo sa'kin narinig yan," Jayne. "Sure." Tumayo si Jp at diretsong lumakad palabas ng VIP room. Mabilis namang sumunod si Thalia sa kaniya. "Wag ka ngang magpakalat ng fake news," ani ni Maris kay Vince. "That's not fake news honey." "Alis na kami," Napatingin kami sa pintuan ng VIP room. Pumasok na ang mga lalaking nasa labas at nagpaalam na aalis narin. Nagpaalam narin yung iba pa naming kasama kaya umuwi narin ako. "Bye guys! See you next week," nakangiting sabi ni Vince. "See you!" Kailangan ko pa palang bumili ng damit na gagamitin para sa highschool reunion namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD