The Sidechick

3736 Words
Chapter 6 CHESKA'S POV "Rain," mahina kong tinawag si Rain paglabas ko ng VIP room. "Yes? Bakit ka bumubulong?" Pabulong na sagot niya sa'kin. "Sabay ako sayo umuwi." "Sure." Pagdating namin sa parking lot sasakay na sana si Rain sa kotse niya pero hinatak ko siya pabalik sa tabi ko "Bakit?" Tanong niya sa'kin. "Hintayin na natin silang maka-alis," I said. "Huh? Bakit naman?" "Basta. 'Wag ka nalang mag tanong ." Ayoko ngang makita nilang nakikisabay lang ako kay Rain. Baka mamaya kung ano pa ang isipin ng mga yun. Hinintay muna naming maka-alis ang lahat ng ka-klase namin bago kami sumakay sa kotse niya "Saan kita ihahatid?" Tanong niya sa'kin habang pinaaandar ang kotse niya. "Sa harap ng village ko," I answered. "Sige." "May tanong lang ako." "Ano yun?" Lumingon siya sa'kin. "Gaga ka! Humarap ka sa daan! Papatayin mo ako!" Sigaw ko sa kaniya. "Omygod! Sorry!" Binalik niya ang tingin niya sa daan. "What's your question ulit?" "Bakit hindi ka pa nakukuhanan ng lisensya?" Sa sobrang liit ng utak niya hindi ko nga alam kung paano siya nagkaroon ng drivers license. Siguro she slept with the police? "Why naman ako makukuhanan ng license?" Tanong niya sa'kin. "Wala. Nevermind." Ang sakit talaga sa ulo makipag-usap sa kaniya. Feeling ko mahahawa ako sa kabobohan niya kapag pinagpatuloy ko ang pagka-usap ko sa kaniya Hininto niya ang sasakyan niya sa harap ng isang village "Bye." Binuksan ko ang pinto ng kotse niya. "Where's your car ba kasi?" Tanong niya sa'kin kaya napahinto ako sa pagbaba. "Nasa pagawaan. Diba nga may nakagasgas? Sige na, I have to go na." Bumaba na ako at sinarado ang pinto ng kotse niya. Hinintay ko munang maka-alis siya bago ako naglakad papunta sa sakayan ng mga tricyle "Sakay." "Dito po." Tinuro ako ng lalaki sa unang tricycle kaya sumakay na ako. "Saan po tayo?" Tanong ng driver sa'kin. Sinabi ko ang address ko kaya pina-andar niya na ang tricycle. Ilang minuto lang huminto na ang sinasakyan ko sa harap ng squater's area. Nagbayad na ako at bumaba Tumingin ako sa bahay na nasa harapan ko. Sobrang dikit dikit ang mga bahay. Marami pang wires ng kuryente sa taas. Maraming bata ang naglalaro sa harapan, puro sila madudungis at halatang mga pinabayaan ng mga magulang nila. Tirik ang araw pero may mga nag-iinuman na, maraming ring chismosa ang nag kalat Bumuntong hininga ako bago pumasok sa isang eskinita. Nginingitian ko nalang ang mga bumabati sa'kin, ngiting peke. ayoko lang na may maka-away ako. Binilisan ko na lalo ang lakad ko dahil gusto ko ng makapasok sa loob ng bahay. Nakakadiring madikit sa mga tao dito Binuksan ko ang pinto ng bahay ko at sinara ng makapasok na ako. Hindi naman talaga ako nakatira sa village. Sinabi ko lang yun dahil ayoko namang malaman nila yung totoo. I know them, their cruel and evil. Kapag nalaman nilang mahirap na ako they will judge me, iba-back stab nila ako at gagawing utusan katulad ng ginawa namin dati kay Elize "Elize," tinawag ni Jayne si Elize. "Ano yun?" Mabilis na lumapit si Elize samin. "Ibili mo naman kami ng snacks," sabi ni Jayne habang nakatingin sa iphone niyang cellphone. "Sige." Ilang segundo pa ay nasa gilid parin namin si Elize Tumaas ang kilay ni Jayne sabay tingin kay Elize. "Ano pang ginagawa mo dito?" "Y-yung pera." Nakayukong sabi niya. "Diba binigyan ka ng allowance ng school? Use that." Jayne roll her eyes. "P-pero g-gamitin ko kasi y-yun--- Shut up Elize, ang baho ng hininga mo. Hindi ba uso sayo ang toothbrush? Mukhang sa sobrang hirap niyo kahit toothbrush hindi ka makabili," pinutol ni Matty ang sasabihin niya. Tumawa kaming lahat dahil sa sinabi niya "True, hindi ko nga kerry na lumapit sa kaniya dahil sa bad breath niya," ani rin ni Vince. Natawa na naman kaming lahat dahil sa sinabi niya Tumayo si Jayne at hinarap si Elize. "Kawawa ka naman sa parents mo no? They can't buy you kahit isang toothbrush man lang. Guys, I think we should donate some clothes and toothbrush to Elize. Hindi ba kayo naaawa sa kaniya?" Tanong ni Jayne sa mga ka-klase namin. "Tama! Oh, eto pagkain." Binato ni Joseph ng spaghetti si Elize sa mukha. Sunod-sunod ng nagbato ng pagkain ang mga ka-klase namin habang tumatawa kaya nagbato narin kami "Clean it all up or ask your parents to help you since janitor at guard naman sila diba?" Jayne laughed. "Tara na classmates! Kumain na tayo sa cafeteria since kinain na ni Elize ang pagkain natin." Kinuha ni Jayne ang bag niya at tumingin kay Elize. "Bilisan mo mag linis nerd." Nag lakad na siya palabas ng room kaya sumunod na kami sa kaniya. "Pagbutihan mo Elize," bulong ko sa kaniya at tumawa bago lumabas ng classroom. Naririnig ko pa ang mga ka-klase kong inaasar din siya. /// "Omygosh, may sagot na ba kayo sa assignment natin?" Tanong ni Ariel. "May assignment tayo?" Gulat na tanong ni Rain. "Mukha bang meron kami? Diba magkakasama tayo nila Jayne kahapon sa house nila," sagot ni Matty sa kaniya. "Bakit ba prino-problema niyo pa yan?" Lumingin si Jayne kay Rain. "Rain tawagin mo si Elize," utos ni Jayne kay Elize. "Huh? Bakit?" Tanong ni Rain. Ang dami niya talagang tanong, hindi nalang siya sumunod "Basta tawagin mo." "Okie dokie!" Energetic na sagot ni Rain at naglakad papunta sa upuan ni Elize na nasa likod. Nagkatinginan kaming lima. Mukhang alam ko na kung ano ang binabalak ni Jayne "Elizee!" Malakas na tinawag ni Rain si Elize kahit nasa harapan niya lang ito. Napatingin tuloy sa kaniya ang iba naming ka-klase. Attention seeker talaga siya. Hindi na ako nakinig sa kanila at tumingin nalang sa screen ng cellphone ko. Ilang segundo lang ay bumalik na si Rain sa tabi namin "Hindi ma dapat siya sobrang nilalapitan. Hindi mo ba siya naaamoy? Ang baho niya kaya," sabi ni Vince kay Rain. Sobrang mapanglait talaga siya tsaka si Matty "Oo nga. Parang amoy kanal," sabi rin ni Matty. "Yah. Siguro katabi ng bahay nila ang kanal," Vince said. Sabay pa silang tumawa sa kanilang sinabi. "She's here," sabi ko kay Jayne ng makita kong papalapit na samin si Elize. "B-bakit?" Nanginginig na tanong niya. "Gawin mo ang assignment namin," Jayne ordered. "H-huh? P-pero hindi pwede. Kapag nahuli--" Biglang tumayo si Jayne at sinampal si Elize. Hindi na kami nagulat dahil sanay na kami kay Jayne. "Eww. Ang oily." Mabilis na nilahad ni Jayne ang kamay niya sa'kin kaya nilabas ko ang alcohol at nilagyan ang kamay niya. "Magsa-salita ka pa?" Tanong ni Jayne sa kaniya. Umiling si Elize habang nakayuko "Good, ngayon gawin mo na ang assignments namin." Mabilis naming nilabas ang notebook namin at binato kay nerdy "Ayusin mo, kapag kami nahuli alam mo na ang mangyayari sayo," banta ko sa kaniya. "Nandito ka na pala," Napatingin ako kay papa ng marinig ko ang boses niya. "Kumain ka ba? Saan ka galing?" Tanong niya sa'kin. "Diyang lang," maikling sagot ko. "Kumain ka na?" Ulit niya sa tanong ko. "Oo. Aakyat na ako." Naglakad ako papunta sa kahoy na hagdan namin at umakyat papunta sa kwarto ko. Mabuti nga at nagkaroon pa kami ng second floor yun nga lang mukhang malapit ng bumagsak. Mabuti din at nagkaroon pa ako ng sarili kong kwarto. "Anak." Nakita ko si mama na lumabas sa kwarto nila na katabi lang ng kwarto ko. Hindi ko na siya pinansin at pumasok nalang sa loob ng kwarto ko. Binaba ko ang bag ko sa maliit na lamesang nandito sa loob ng kwarto ko. Ang cheap ng kama ko at mukha pang may kuto ng aso dahil sa pangit I hate my life! Kung hindi nila ginamit ang pera namin e'di sana wala ako sa ganitong sitwasyon. I hate them! Hindi man lang ako makapag shopping sa sobrang hirap namin Kung hindi lang ininvest ng parents ko ang pera namin e'di sana may business pa kami. Ininvest kasi nila sa isang scammer ang lahat ng pera namin kaya nagkanda-utang utang kami at para mabayaran yun binenta namin ang bahay namin pati ang mga gamit namin. Up until now may mga utang parin kaming binabayaran dahil sa kanila! It's all their fault! Kasalanan nila kung bakit naging ganto ang buhay ko! Wala silang kwenta ******************************** VINCE'S POV "Argh!" Hinampas ko ang manibela ng sasakyan ko dahil sa sobrang inis. Ang sarap tanggalan ng dila ni Marie at Maris. Akala niya naman sobrang ganda niya dahil hanggang ngayon nasa sa kaniya si Rey ang hindi niya alam... Mabilis kong kinuha ang cellphone ko ng tumunog ito "Hi, babe." Masayang bati ko sa aking boyfriend. "Hello babe," bati niya sa'kin pabalik. "Bakit ka napatawag?" Malambing na tanong ko sa kaniya. "May tatlong libo ka ba? Pahiram naman, promise ibabalik ko sayo agad." "Saglit lang." Binaba ko muna ang cellphone ko at kinuha ang wallet ko na nasa bulsa ko lang. Tiningnan ko kung may laman ba ito. Buti nalang at may limang libo pa ako. Binalik ko na sa bulsa ko ang wallet ko at kinuha ulit ang phone ko "Saan mo gagamitin?" Tanong ko. "Nanghihingi kasi yung kapatid ko." "Ganun ba, sige. Nasaan ka ngayon? Gusto mo bang puntahan--" Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko ay nag salita na agad siya. "Wag. I'm with my girlfriend right now." "E'di iwan mo muna siya. Ayaw mo ba akong makasama? Siya na ang kasama mo kaninang-- Alam mo namang hindi ko siyang pwedeng iwan ngayon diba? Makakahalata siya. 'Wag kang mag-alala dahil humahanap nalang naman ako ng tyempo para makipag hiwalay sa kaniya." He cut me off. "Naghahanap ng tyempo? Babe naman, limang buwan ka ng naghahanap ng tyempo hanggang ngayon ba hindi ka parin nakakahanap?" Inis na sabi ko. "Bakit ba minamadali mo ako? Gusto mo ikaw nalang iwan ko? Mas marunong ka pa sa'kin, eh,"galit na sagot niya. "Joke lang naman babe. Parang hindi mo naman ako kilala, mahilig ako magbiro diba?" Tanong ko sa kaniya. "Baby! Sino yang kausap mo?" Narinig ko ang boses ng nakakainis niyang girlfriend. "Nandito na siya, bye." "Sige. I love--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay naputol na ang tawag. Ibaba ko na sana ang cellphone ko ng may tumawag na naman. Tumatawag ang katrabaho ko "Ano na naman ba ang kailangan nila?" Inis na tanong ko sa sarili ko. Sinagot ko ang tawag. "Hello?" "Hello po? Mr. Sanico gusto daw po kayong makausap ng director." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano na namang kailangan ng matandang yun? "Bakit daw?" Tanong ko. "Hindi ko po alam pero mukhang galit po siya kanina. May problema po ata sa pinasa niyong report. Kayo nalang po angpumunta dito para malaman niyo." Sasagot pa sana ako pero binaba niya na ang tawag. Inis akong sumigaw at binato ang cellphone ko sa upuan. Nakakainis! Lagi nalang akong pinagiinitan ng matandang director na yun. Mamatay na sana siya, bwisit siya! Pinaandar ko ang sasakyan ko pero ayaw na namang mag start. Inis kong hinampas ang manibela at sinubukang paandarin ulit ang sasakyan ko. Nakailang subok pa ako bago siya tuluyang bumukas Dumiretso ako sa company kung saan ako nagtra-trabaho para kausapin ang aming director. Mas lalo lang masisira ang araw ko sa kaniya. Hindi na nga masyadong mataas ang pasahod nila ang pangit pa ng boss. Buti sana kung gwapo push! Kahit masungit basta gwapo, masarap pumasok araw araw kapag ganun kaso hindi! Matandang malaki ang tyan at mukhang naka wig lang ang boss ko. Gusto ko na talagang mag resign! VINCE'S POV Day-off ko ngayon pero no choice ako, kailangan kong puntahan ang boss kong panotchi. One hundred percent sure akong sermon lang naman ang aabutin ko sa kaniya pero no choice Pagdating ko sa parking lot bumaba agad ako at pumasok sa loob ng building. Dumiretso ako sa office ng boss ko dahil siya lang naman ang dahil why I'm here. Dapat nag be-beauty rest na ako right now pero I can't. Isa siyang malaking kontrabida sa buhay ko Pagdating ko sa loob ng office niya ay wala pa siya kaya umupo muna ako at hinintay siya "Nasaan na ba ang panotchi na yun? Ang tagal tagal," inis na bulong ko. Sabagay malaki ang tyan, baka nahihirapan maglakad Natawa ako sa naisip ko pero napatigil din ako ng bumukas ang pinto "Sir." Mabilis akong tumayo para batiin siya. "Pinatatawag niyo raw po ako." "Ano na naman yung pinasa mo sa'kin?" Kunot agad ang noo niya ng makita niya ako. "Report po," magalang na sagot ko. "Aba't Tangina ka talaga!" Mabilis akong umilag ng batuhin niya ako ng folder na hawak niya. Nakakatuwa talagang panoorin ang naaasar niyang mukha. Mukha siyang baboy na namumula "Inuubos mo talaga ang pasensya ko. Gusto mong dagdagan ko ang trabaho mo? Napaka-pilosopo mo." "Nagsa-sabi lang naman po ako ng totoo," sagot ko. Ilang minuto niya pa akong sinermunan bago ako paalisin. Hindi ko naman pinakinggan ang mga sina-sabi niya. Habang pinagagalitan niya ako iniisip ko kung ano ang susuotin ko sa highschool reunion namin. Dapat maganda at mag mu-mukha akong dyosa Pumunta ako sa parlor ng kaibigan kong bakla. Siya ang bestfriend at tunay kong kaibigan. Hindi katulad ng highschool classmates kong puro ka-plastikan lang ang alam. Akala ba nila hindi ko alam ang pinagsa-sabi nila behind my back. Grabe sila sumaksak patalikod! "Sammy, baby," tinawag ni Jayne ang boyfriend niyang hot. Sa sobrang hot ni Samuel nalalaglag ang panty ko tuwing nandyan siya. Napaka hot niya talaga mga bes! Kung hindi nga lang bet ni Jayne si Samuel lalandiin ko na sana. "Yes." Mabilis na lumapit si Samuel at hinalikan sa labi si Jayne. Sana all! Gagawin ko talaga ang lahat kahit magbenta pa ako ng liver mahalikan lang ni Samuel Crush ko si Samuel pero since taken na siya naghanap ako ng bagong crush at ang nahanap ko ay si Rey kaso taken na din. Ewan ko nga kung anong nagustuhan niys sa girlfriend niyang si Marie. Mukha namang palengkera. Mabuti nalang at may nahanap ulit akong crush, this time wala ng bebe ang crush ko yun nga lang crush din siya ni Matty. As if naman papatulan siya nun, mukha kaya siyang baklang baboy. Medyo chubby kasi "Can you put this there." Tinuro ni Jayne ang taas ng pinto. "Sure." Kinuha niya ang balde na may lamang lupa. Ipa-prank kasi namin si Eize. "Here na yung mga worms." Dala-dala ni Julie ang isang plastik na puno ng bulate. Eww! So kadiri! "Yuck! Lumayo ka nga, mamaya mabutas pa ang plastik." Lumayo ako sa kaniya dahil sa pandidiri. "Ang arte mo, pakain ko sayo to, eh," ani ni Julie at inirapan ako. "Bakit kaya hindi ikaw ang kumain tutal ikaw ang nakaisip," sarkastikong sagot ko sa kaniya. "Stop nga. We have to put that thing pa sa lupa. Cheska," tinawag ni Jayne si Cheska. Ang kaniyang personal alalay ni Jayne. Bukod kay Julie na loyal dog ni Jayne siya naman ang kaniyang alalay "Ano yun?" Tanong ni Cheska. "Put this nakakadiring worms sa taas." Tinuro niya ang baldeng may lamang lupa na nasa taas ng pinto. "Ako talaga?" Alangan na tanong ni Cheska. "No, hindi ikaw. Kaya nga ikaw ang tinawag ko right?" Jayne rolls her eyes. Lumunok si Cheska bago kunin ang plastik na hawak ni Julie "Kadiri. Kadiri." Paulit-ulit niyang bulong habang umakkyat sa upuan at nilagay ang mga bulate sa balde. "EWW!" Malakas na sigaw niya at mabilis na bumaba. Kumuha siya ng alcohol at oa na nagbuhos sa kamay niya. "Ang arte," ani ni Ariel. "Ikaw kaya ang maglagay dun," inis na sagot sa kaniya ni Cheska. "No thanks. Nagawa mo naman na," nakangising sabi ni Ariel. "Maupo na tayo kung ayaw niyong matalsikan ng worm kapag pumasok na si Elize," Jayne said. Naupo na kami at naghintay na pumasok si Elize "What if si ma'am ang pumasok?" Tanong ni Rain. "E'di sa kaniya mabubuhos ang lupa," sagot ni Matty. "Kasalanan niya yun, bakit kasi siya pumasok," sabi ni Jayne habang nakatingin sa pinto. May hawak na phone si Cheska para ma-videohan ang lahat ng mangyayari "Ang tagal niya naman," inip na sabi ko. "Ano pa bang aasahan mo dun? Nagpapa-bibo na naman sa mga teacher," sagot ni Ariel sa'kin. Inutusan kasi siyang pumunta sa faculty. Na-set up na namin ang prank pero until now wala parin siya "Ayan na," excited na sabi ni Julie ng unti unting bumukas ang pinto. Bumuhos ang lupa kay Elize. Nakita pa namin ang mga bulateng kumalat sa sahig. Tumatawa kaming lahat habang nakatingin kay Elize na nakayuko Maya maya ay bigla siyang tumakbo palabas ng room "Lt!" "Bagay na bagay sa kaniya!" "Hahahaha! Pabibo kase!" "Who's gonna clean this mess?" Tanong ni Julie. "Call her mother tutal janitor naman siya dito. Pinapasuweldo siya dito kaya dapat lang na gawin niya ang trabaho niya," nakangising sabi ni Jayne. "Kami na ang tatawag," sabi ni Samuel at tumayo kasama sila Joseph at Jeff. Ang saya talagang pag tripan ni Elize "Pupunta muna ako sa cr. Maiihi ako sa kakatawa dahil kay Elize. Sasama ba kayo?' Tanong ko sa kanila. "Sure." Lumabas kami ng room at pumunta sa cr. Hinintay nalang nila ako sa labas ng cr since bawal ang girls sa loob ng boys bathroom Pumasok ako sa isang cubicle at umihi. Lumabas din ako pagkatapos at maghu-hugas na sana ako ng kamay ko pero may narinig ako sa labas ng cr "Same crush kayo ni Vince diba?" Tanong ni Cheska kay Matty. Kilala ko ang boses nila kaya hindi ako nahihirapang i-identify kung sino ang nagsa-salita "Yes, kaloka diba," maarteng sagot ni Matty. "Sa tingin mo sino ang papatulan niya sa inyong dalawa?" Tanong ni Jayne kay Matty. "Ako, syempre. Asa naman siyang papattulan siya nun. Mukhs aya siyang isda." Narinig ko ang mahihina nilang tawanan "Shh, baka marinig niya tayo," ani ni Julie. "Ano naman? Para malaman niya yung totoo," matapang na sabi ni Matty. Eh kung lumabas kaya ako dito? Masasabi niya kaya yun sa harapan ko? An plastik talaga ng baklitang yun. Tsaka feelingera, kung hindi niya ako papatulan mas lalong hindi siya papatulan nun. Sa laki ng tyan niya baka matakot pa yun Hindi na ako nakinig sa mga pinagsa-sasabi nila at nag hugas nalang ng kamay. Paglabas ko nakatahimik na sila. Siguro narinig nila yung tubig kaya huminto na sila sa pangba-back stab sa'kin "Bakla!" Malakas kong tinawag ang beki kong frenny pag pasok ko sa loob ng parlor. "Ang sakit sa tenga ng boses mo," nakasimangot na sabi ko sa kaniya. "E'to naman parang hindi sanay. Ano na nangyari sa highschool reunion niyo?" Tanong niya sa'kin. "Gaga ka wala pa. Next week pa. Nag meeting lang ngayon," sagot ko. "Wow taray! May pa-meeting. Ano namang ganap? Marami ba kayong napag-usapan?" "Wala masyado, nag plastikan lang kami katulad ng dati." Naglakad ako papunta sa harap ng water dispenser at kumuha ng tubig. Ininom ko ang tubig na kinuha ko at humarap ulit sa kaniya. "Alam mo naman puro demonyo at plastik ang mga yun," dagdag ko. "Kabilang ka na dun. Saan naman kayo mag re-reunion?" Tanong niya ulit. "Sa beach." "Ay bongga! Ang mahal naman ng reunion niyo, sabagay puro mayayaman ang mga kasama mo. May pambayad ka na ba?" "Libre lahat bakla," nakangiting sagot ko. "Ay ganun?! Pa-join naman ako diyan," excited na sabi niya. "Gaga, hindi pwede. Ku-kwentuhan nalang kita pag-uwi ko." "Ang damot naman. Sino pala ang may libre? Ang yaman siguro ng ka-klase mo na yun." "Sobra, pero tsaka ko na sasabihin sayo. Bawal daw sabihin, eh," saad ko. "Ay private?" "Super private kaya tsaka ko na sasabihin." Naglakad ako papunta sa upuan na nasa harap ng salamin. Wala namang customer kaya okay lang na umupo. "Nakapagpaalam ka na ba sa boss mong dinosaur?" Lumapit siya sa'kin at inayos ang mga gamit na nasa gilid ng upuan. Yun ang mga gamit na ginagamit pang gupit or kulay. "Hindi pa, sa susunod na ako magpapa-alam, nga pala may chika na naman ako sayo." "Ano yun?" Tumigil siya sa ginagawa niya at nakinig sa'kin. "Napagalitan na naman ako kanina." Sumimangot siya at umirap. "Akala ko naman chika. Wala naman ng bago dun, ah. Lagi ka namang napapagalitan," sabi niya at humalakhak. "Feeling ko talaga bet ka ng boss mo." "Eww! Mandiri ka nga. Never kong papatulan yun depende nalang kung mayaman," natawa kaming dalawa dahil sa kagagahan namin. "Malay mo siya na ang mag-aangat sayo sa hirap." "Grabe naman sa hirap. May kaya naman ako." "Paano ba kasi nalaman ng family mo na isa kang girlalu na nagpapanggap as boy? Ayan tuloy winarla ka at pinaalis sa bahay niyo." Uminit ang dugo ko ng maalala ko ang nangyari dati. Hindi kasi alam ng parents ko na isa akong babae, ayaw din naman nila sa mga binabaeng katulad ko kaya hindi ko rin pwedeng sabihin na isa talaga akong babae pero may taong nagsabi ng aking sikreto kaya ako napalayas. Kapag talaga nakita ko ang taong may gawa nun mapapatay ko siya "May nagsabi nga diba? Kapag talaga nalaman ko kung sino." "Baby!" Napatingin kami sa pintuan ng parlor ng may marinig kaming boses. Ang jowa pala ng frenny ko. Gwapo din ang jowa niya pero syempre mas gwapo ang boylet ko Mabilis na lumapit si Chonna, ang malandi kong kaibigan sa kaniyang jowa at lumingkis na parang ahas tsaka sila naglaplapan sa harap ko. Mga bastos! "Kadiri naman kayo." Komento ko kaya napatigil sila. "Ang epal mo," ani ni Chonna sa akin at inirapan ako. "Nasaan na ba ang boyfriend mo?" "Nandun sa girlfriend niya," tamad na sagot ko. "Baby, dun ka muna," sabi ni Chonna sa kaniyang boylet at tinuro ang upuan na nasa gilid lang. "Okay baby." Humalik pa ng isang beses ang jowa niya bago lumakas paalis. "Ano na bang balak mo?" Tanong sa'kin ni Chonna. "Diba sabi niya sayo makikipag hiwalay na daw siya sa girlfriend niya? Ano na?" "Humahanap daw ng tyempo." "Humahanap ng tyempo? Naniniwala ka naman dun. Napaka-manhid mo talaga no? Matalino ka naman pero sa pag-ibig parang nabobo ka ata?" Sermon niya sa'kin. "Grabe ka sa'kin!" "Tingin mo ba mahal ka nun?" "Oo naman. Paulit-ulit niya pa ngang sinasabi lalo na kapag sinusubo ko ang hotdog niyang makeso," I chuckled. "Kadiri ka!" Pabebeng sabi niya. "Bakit yung sa boylet mo hindi makeso?" "Hindi masyado pero malaki hihi." Malandi kaming tumawa at nag-apir. Kaya mag bff kaming dalawa, eh. Parehas kaming mahilig sa daks
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD