The slowpoke

1944 Words
Chapter 7 VINCE'S POV Saglit pa kaming nag-usap bago ako magpaalam sa kaniya "Pahingi namang pang gas bakla," sabi ko habang naglalakad kami palabas ng salon niya. "Baklang to, may pang gastos sa jowa pero pambili ng gas wala! Kaloka ka!" Kumuha siya sa bulsa niya ng fifty pesos at inabot sa'kin. "Sobra pa yan, mag meryenda ka ng kwek kwek diyan sa kanto hindi yung puro nalang itlog ng jowa mo ang meryenda mo." "Thank you bakla! Kaya mahal na mahal kita eh." "Mag meryenda ka." "Oo pero mas gusto ko paring meryendahin yung sa jowa ko," sabi ko at malanding humagikgik. "Alis na ako." Kumaway ako sa kaniya at Naglakad ako papunta sa sasakyan ko at kumaway sa kaniya bago pumasok sa loob ng sasakyan. Nag drive ako papunta sa kanto kung nasaan ang mga street foods. Pagkatapos kong kumain ay umuwi na agad ako Nadaanan namin ang bahay ng aking magaling na pamilya. Medyo malapit kasi ang bahay nila sa parlor ni Chonna. Ang bahay ko naman ay malapit lang sa company na pinag wo-workan ko. Dinayo ko pa si Chonna para lang kwentuhan. May nadaanan akong gas station kaya nagpa-gas nadin ako Pagdating ko sa apartment na inuupahan ko pinark ko ng maayos ang kotse kong konti nalang ata ay susuko na sa'kin tsaka umakyat sa kwarto ko at pumasok. May second floor kasi ang building na inuupahan ko Pagpasok ko sa loob binaba ko na lahat ng gamit ko at umupo sa sofa na nandito sa sala ko. Good for two person na ang apartment ko. Eto talaga ang pinili ko kahit medyo pricey dahil minsan ay nandito ang boyfriend ko. Sabi niya ay dito na daw siya titira kapag nag break sila ng chaka niyang girlfriend Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ng boyfriend ko "Babe!" Masayang tawag ko sa kaniya. "Ano? Bakit ka tumawag? Alam mo namang magkasama kami ng girlfriend ko diba?" Medyo iritang sabi niya. "Lagi naman kayong magkasamang dalawa," nakasimangot na sagot ko. "Kung dra-dramahan mo lang ako mabuti pa 'wag mo nalang akong kausapin. Naririndi na nga ako sa boses ng girlfriend ko dadagdag ka pa. Ibababa ko na to." "Wait lang!" Sigaw ko. "Ano ba?" "Sorry na. Nami-miss lang talaga kita ng sobra. Kailan ka ba kasi pupunta dito? Diba kukunin mo pa yung perang hinihiram mo sa'kin?" Malambing na tanong ko sa kaniya. "Kukunin ko mamayang gabi." Parang may narinig akong himala dahil sa sinabi niya "Sige!" Excited na sagot ko. "Ibababa ko na." Bago pa ako makapag I love you sa kaniya ay binaba niya na ang tawag. Binaba ko na ang cellphone ko at pakanta-kantang pumasok sa loob ng kwarto ko. Sana magtagal siya dito! Marami pa naman akong gustong i-try hihi ********************************** RAIN'S POV Pagkatapos kong ihatid si Cheska umuwi na ako sa condo ko. Malapit lang sa kinainan namin ang condo ko pero nagpahatid kasi sa'kin si Cheska. Super bait ko namang friend kaya okay lang sa'kin Habang naka-focus ako sa pagmamaneho ko biglang tumunog ang phone ko "Goodmorning manager! Bat ka napatawag?" Masiglang tanong ko sa kaniya. "Afternoon na." "Ay? Afternoon na? Ang bilis naman ng oras," naka-pout na sabi ko. "Na-reject ka." "Saan?" Tanong ko sa maganda kong manager. "Sa commercial na gusto mo." "Huh?!" Naapakan ko ang gas sa sobrang gulat. "Omygosh!" Tili ko at inapakan ang brakes ng sasakyan. Mabuti nalang at wala akong kasunod! "What happened?" Nag-aalalang tanong ng manager ko. "Muntik na akong mamatay," wala sa sariling sagot ko. "Ano?! Nasaan ka ba?" "Nag dri-drive kasi ako pauwi then tumawag ka so sinagot ko then sinabi mo yung news tapos natapakan ko yung gas imbis na yung brakes," I explained. "Siraulo ka talaga! Mag-ingat ka nga!" "Ouch! Ang sakit naman sa tenga." "Nakuha mo pang mag biro!" Sigaw na naman niya. "I'm not joking! Ang sakit talaga sa ear so can you please lower your voice? It's hurting my ear." "Ewan ko sayo. Umuwi ka na. Sa condo nalang tayo mag-usap." Binaba niya na ang tawag kaya nag focus na ulit ako sa pag da-drive. Bumagal ang takbo ko ng may makita akong billboard na mukha ni Elize ang nakalagay. Ibang-iba na talaga siya, siguro nagpa-plastic surgery siya. Dati sobrang ugly duckling niya talaga "Ugh! Bakit ba laging present ang Elize na yan? Nakakainis na ang itsura niya, nakakasira ng umaga." Jayne rolls her eyes. Lagi namang umiikot ang mata niya tuwing nakikita niya si Selene. Buti nga at hindi pa nas-stuck ang mata niya dahil lagi siyang nag ro-roll eyes pero pwede ba yun? Ma-stuck ang mata niya sa likod? "True! Hindi ko kayang makita ang mukha niya. Lahat ata sa kaniya panget, eh," sagot ni Vince. "Sobrang panget! Tingnan niyo naman ang damit niya," sabi din ni Cheska. "Yeah, right. Napaka jologs diba? Hindi ko nga alam kung saang era niya nakuha ang ganiyang fashion sense," sabi ni Ariel habang nandidiring nakatingin kay Elize na papalapit na samin. "Pwede na ngang mag prito sa mukha niya dahil sa sobrang oily ng face niya," Matty laughed. "Oo nga. Ano pa ba ang dapat nating gawin mapa-alis lang siya," nakasimangot na sabi ni Julie. Tumingin ako kay Elize na dadaan sa gilid namin. Napaka oily ng face niya talaga tapos may mga maliliit siyang pimples at meron ding konting malaki pero mga three lang naman. Her kilay is okay naman and yung labi niya medyo dark. Wala ata siyang lipstick sa house nila. Medyo payat din siya and yung kulay niya is brown. Ang luwag ng blouse niya and she's so jologs "Bakit ka nakatitig kay Eize?" Tanong ni Ariel sa'kin. "Hindi ka ba nasusuka sa pagmu-mukha niya?" Maarteng tanong sa'kin ni Matty. "Bakit naman ako masusuka? Tsaka wala naman akong nafi-feel tuwing tumitingin ako sa kaniya. May sakit ba siyang nakakahawa?" Tanong ko. "Wag mo na nga siyang kausapin," ani ni Jayne. "Anyway, so pano na nga?" Tanong ni Ariel. "Since ayaw niya namang umalis let's just make her life miserable," nakangising sabi ni Jayne. Nilabas ko ang isang paa ko dahil nangawit ako pero nagulat ako ng may sumanggi sa paa ko "Ouch." Hinawakan ko ang paa kong nasanggi at tumingin sa taong nakasanggi sa'kin. Si Elize. "Omygosh! Rain okay ka lang ba?" Tanong ni Cheska sa'kin. Sasagot pa sana ako pero naunahan na ako ni Jayne. "What did you do?!" Galit na sigaw niya kay Elize. "Anong nangyari dito?" Tanong ni Jeff. "S-sorry," ha-hawakan sana ni Elize ang paa ko pero iniwas ko sa kaniya ito. Medyo kadiri yung kamay niya baka madumihan ang maganda kong balat. Ang sabi kasi sa'kin ni mommy 'wag na 'wag ko daw hahayaang madumihan ang makinis kong skin "Anong ginawa mo!" Tinabig ni Jeff si Elize kaya nasubsob siya sa sahig. Magsa-salita na sana ako ng sumingit naman si Vince. Hindi ba nila ako pagsa-salitain? "Sinanggi niya ang precious feet ni Rain." "Ikaw talagang babae ka." Hinatak niya patayo si Elize. "A-aray." Napangiwi ako dahil sa way ng paghawak ni Jeff kay Elize. Ang payat payat na nga ni Elize tapos sobrang higpit pa ng pagkakahawak niya sa kaniya. Feeling ko tuloy magkaka-pasa siya "Nananadya ka ba?" Sigaw ni Jeff kay Elize. "Hi-hindi," utal na sagot ni Elize habang umiiling. "Sinadya niya yun!" Sigaw ni Ariel. "Parusahan yan!" "Parusahan!" "Dapat sa panget na yan parusahan!" "Go Jeff!" Sunod-sunod na sumigaw ang mga ka-klase ko "Tigilan niyo na nga si Elize!" Sigaw ni Kiya. "Shut up Kiya!" Pinanlakihan ng mata ni Julie si Kiya. "H-hindi ko naman k-kasi sinasadya," parang maiiyak na sabi niya. "Diba nakatingin ka sa baba? Hindi mo nakita yung paa ko?" inosenteng tanong ko sa kaniya. I just want to know if hindi niya ba nakita ang paa ko since lagi naman siya nakayuko kahit naglalakad. "Oo nga! Lagi kang nakayuko diba?" Mataray na tanong ni Yuris sa kaniya. Yuris Santillan. "L-lumabas kasi bigla yung-- Stop!" Jayne stop her from talking. "So, natututo ka ng lumaban samin ngayon? Ano bang pinagma-malaki mo? Your parents?" Jayne asked. "Dalhin niyo na nga sa clinic si Rain. baka mamaya may nangyari na sa kaniya," ani ni Jeff. "Or worst, baka maputulan pa siya ng paa!" Sigaw ni Thalia. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Thalia. Maputulan ng paa?! No! Hindi pwede yun! Paano na ang pag mo-model ko! "H-ha? Bakit mapuputol ang paa ko?" I panicked. "Manahimik ka diyan," bulong sa'kin ni Cheska. "Pero-- Dadalhin na namin si Rain sa clinic," sabi ni Vince at tinulungan akong tumayo. Pinakiramdaman ko ang paa ko. Hindi naman masakit, nailalakad ko din kaya bakit puputulin?! Lumabas ako kasama si Vince at Ariel. Nang makalayo na kami sa room ay binitawan din nila ako kaya napatingin ako sa kanilang dalawa "Bakit? Diba pupunta tayo sa clinic? Puputulin na ba talaga ang paa--" Napahinto ako ng batukan ako ni Ariel. "Ouch! Why did you batok me?" Tanong ko sa kaniya habang nakahawak sa batok ko. "Tanga ka talaga, hindi naman puputulin ang paa mo." Inirapan ako ni Ariel. "Sinabi lang namin yun para mas magalit si Jeff kay Elize," sabi ni Vince. "Ang slow mo talaga." "Ahh, ganun ba!" Nakangiting sabi ko. Akala ko talaga mawawalan na ako ng paa, eh. Nag park ako sa favorite spot ko. Ang favorite spot ko ay yung malapit sa elevator para pagbaba ko katabi ko lang ang kotse ko. Makakalimutin kasi ako, sometimes I forgot where I park my baby car Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas na ng kotse ko. Sumakay ako sa elevator at tinawagan ang manager ko para ipaalam na naka-uwi na ako "Nandito na ako sa condo." "Sige, hintayin mo ako." "Okie!" Binalik ko na ang cellphone sa bag ko at lumabas sa elevator. Pumasok ako sa loob ng condo ko at umupo sa sofa ko. Binuksan ko ang tv at ang bumungad agad sa'kin ay ang mukha ni Elize. Napasimangot ako dahil dun. Lahat ng mga gusto kong endorsements sa kaniya napupunta. Nakakainis! Ilabas ko kaya ang picture niya dati? Kaso baka malaman niya at makulong ako. Papatulong nalang ako kay Jayne Unti-unti ng bumabagsak ang career ko dahil sa kaniya. Inagaw niya na lahat ng gusto ko at hindi ko hahayaang bumagsak ako dahil sa kaniya. Slow ako minsan-- sabi nila pero may utak padin naman ako Nakarinig ako ng katok sa pinto ng condo ko kaya mabilis akong tumayo at binuksan ito. Pinapasok ko ang manager ko sa loob at pinaupo sa sofa. Sana naman may good news din siyang dala. Kahit ibang project nalang kahit hindi na yung project na gustong gusto ko "Bakit daw hindi ako tanggap?" Tanong ko sa manager ko. "May ibang silang kinuha." "Sino naman?" "Si Elize." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Mostly ng project na gusto ko ay sa kaniya napupunta "May iba pa ba akong project?" Tanong ko. "Meron pa naman." "May schedule ba ako next week?" Tanong ko ulit. "Wait." Kinuha niya ang cellphone niya at pumindot doon. "Wala naman." Mabuti nalang at wala. "Good," nakangiting sabi ko. "Anong good dun? Alam mo bang biglang kumonti lahat ng projects mo? Sa isang linggo tatlong projects lang ang meron ka at minsan naman kahit isa wala," sermon niya sa'kin. "Aalis kasi akonext week and I promise pagbalik ko mag bo-boom na ulit ang popularity ko," sagot ko at ngumiti. "Paano ka naman nakakasigurado?" Tanong niya. "Magpapatulong ako sa kaibigan ko," excited na sabi ko. "Sinong kaibigan naman yan? Tsaka sigurado kabang matutulungan ka niyan?" "Oo naman." Tiningnan niya ako ng ilang segundo bago umiling. "Ikaw ang bahala." Sa isla ko nalang sasabihin ang problema ko kay Jayne. Sa ngayon dapat ko munang isipin ang high school reunion namin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD