Chapter 8
JULIE'S POV
Pag-uwi ko sa bahay mabilis akong pumasok sa loob. Maganda ang bahay ko, malaki at puro ginto kaya balak kong imbitahin dito sila Jayne para mainggit sila. Alam ko naman kung anong nangyayari sa buhay niya at alam kong totoo ang rumors dahil hindi na nakakapagtakang bumagsak ang comapny nila ng siya ang humawak. Wala naman siyang alam sa mga ganung bagay, eh
"Saan ka na naman ba galing?" Napahinto ako sa pag-akyat ng marinig ko ang boses niya.
"D-diyan lang--" Napahinto ako ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko.
"Saan?" Pinanlakihan niya ako ng mata.
"N-nakipag kita lang ako sa mga ka-klase ko." Pinilit kong hindi ma-utal sa pag sagot ko.
"Mga kaibigan nga ba talaga?" Mas dumiin ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"M-masakit na a-ano ba." Pinipilit kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko.
"What are you doing?" Napahinto kami ng marinig namin ang maliit na boses ng anak ko.
5 years old palang ang anak ko at sa kasamaang palad ay hind mabuting asawa ang napangasawa ko or should I say ang pinili nilang asawa ko
"Nothing baby." Mabilis akong binitawan ni Frego. Pagdating talaga sa anak niya nawawala ang sungay niya. "Yaya! Bakit mo iniiwang mag-isa si Lex?"
Binuhat niya ang anak namin at ibinigay sa yaya nito. "Mamaya nalang baby." Ginulo niya ang buhok ni Lex at bago paalisin ang yaya nito.
"Mag-uusap tayo." Hinatak niya ako paakyat sa taas. Muntik na akong magkanda-dapa dapa dahil sa bilis ng paglalakad niya.
"Ano ba! Nasasaktan ako!" Sigaw ko sa kaniya.
"Talagang masasaktan ka sa'kin." Lumingon siya sa'kin at sinamaan ako ng tingin. "At pwede ba 'wag kang sumigaw kundi tatahiin ko yang bibig mo." Hinatak niya na naman ako kay wala na akong nagawa kundi murahin nalang siya sa isip ko.
Kahit anong gawin ko hindi talaga ako maka-alis sa pagkakahawak niya sa'kin
Hinatak niya ako papunta sa kwarto namin at tinulak sa kama. "Gumastos ka na naman ba?!" Sigaw niya sa'kin.
Tumayo ako at tumingin sa kaniya. Sawang-sawa na ako na lagi niya nalang akong ginaganito. "Hindi." Diretso akong tumingin sa mata niya.
"Anong hindi! Paano ko malalaman kung nagsa-sabi ka ng totoo! Julie naman! Bumabagsak na nga ang kumpanya natin puro shopping padin inaatupag mo!" Galit na sigaw niya sa'kin.
"Kung ayaw mong maniwala sa'kin bahala ka. At anong kumpanya natin? Baka kumpanya mo lang. Diba hindi naman talaga ako parte ng pamilyang t---" Napa-atras ako ng bigla niya akong sampalin ng malakas. Hinawakan ko ang kumi-kirot kong pisngi at tumingin sa kaniya.
Bago pa ako makapag salita tumunog ang cellphone niya. "Mag-uusap pa tayo mamaya, hindi pa tayo tapos." Tinuro niya ako bag kunin ang cellphone niya sa bulsa at lumabas ng kwarto.
Napa-upo ako sa sahig habang hawak ang pisngi ko. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Bakit ba sa'kin nangyayari to?
Pinunasan ko ang luha ko at tumayo. May small ref kasi dito sa kwarto namin. Kinuha ko ang ice bag at nilagay sa pisngi ko. Gusto ko na talagang umalis dito. Hindi na ako babalik sa impyernong bahay na to pagkatapos ng high school reunion namin
Pumunta ako sa harap ng vanity mirror ko at dinampi ang ice bag sa pisngi ko. Napatingin ako sa gilid ng vanity mirror ko at ang una ko agad na nakita ay ang magazine na mukha ni Elize ang nasa harapan. Binasa ko kasi ang magazine na yan kaninang umaga kaya nandito sa lamesa
Ibang-iba na talaga siya ngayon. Mayaman na siya at sikat sa buong mundo pero hindi ako makakapayag dun. Kung hindi masaya ang buhay ko hindi rin dapat masaya ang buhay ng pangit na yan. Hindi karma ang nangyayari sa'kin ngayon, it's just a test
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang pera para sa business niya kaya dapat kong alamin yun. Kukuha din ako ng proof na plastic surgery lang din ang buong physical appearance niya. Maghintay ka lang Elize, babagsak kadin katulad namin, babagsak ka ulit.