Change

1894 Words
Chapter 9 JULIE'S POV Sino nga bang mag-aakalang ng pangit na si Elize ay magbabago? "Tara na sa cafeteria, I'm so hungry na," sabi ni Rain pagkalabas ng teaccher namin. "Same, hinid pa ako nakakapag breakfast," sabi naman ni Matty. "Kaya pala iba na ang amoy ng hininga mo," Vince teased him. "Naamoy mo din yun," gatong ni Ariel. "Mga chaka kayo! Mabango ang hininga ko," inis na sabi nito at tumalikod samin. Kita kong inaamoy niya ang hininga niya. "Mukhang kailangan mo na nga ng food matty," sabi ni Jayne at kinuha ang bag niya. Naglabas siya ng candy at inabot kay Matty. "Here, mukhang kailangan na kailangan mo na. Mint yan so mawawala ang bad breath mo." Kinuha ni Matty ang candy na binigay ni Janyne. "Mga echosera hindi naman mabaho ang hininga ko," nakansimangot na sabi niya. "Matt don't talk. I think masusuka ako kapag naamoy ko pa ang hininga mo," I said while holding my nose. "Tara na sa cafeteria," sabi ni Jayne at nauna ng mag lakad palabas kaya mabilis kaming sumunod sa kaniya. "Wait, let's go sa cr." Lumiko si Jayne sa isang hallway kaya mabilis kaming sumunod sa kaniya. Pagkatapos umihi ni Jayne lumabas na kami. Habang naglalakad kami nakita namin si Elize na medyo malayo samin, kasama niya pa ang magulang niyang poor at mababaho "Sa tingin niyo saan sila nakatira?" Tanong ni Matty samin. "Maybe sa likod ng school?" Tumawa kaming lahat dahil sa sagot ni Jayne. "Yeah,right. Baka nga wala pa silang sariling bahay. Baka galing din sa school ang bahay nila," I said. "Nagbibigay na ba ng bahay ang school natin ngayon?" Tanong ni Rain. My gosh! Hindi ko talaga alam kung pano namin siya naging kaibigan. She's so bobo "Diba dito nagtra-trabaho ang parents niya?" Tanong ni Vince kay Rain. "Oo." Rain nodded. "Baka binigyan sila ng school ng bahay dahil naawa sa kanila," paliwanag ulit ni Vince sa kaniya. "Ahh okay." I roll my eyes. "Ano kaya kung sundan natin sila?" I suggested. "Ayoko nga. Mamaya sa squatters area pa sila nakatira. Kadiri kaya dun," sagot ni Cheska. "Ayaw niyo bang malaman kung saan siya nakatira?" I asked. "Panigurado namang kubo lang ang bahay nila," ani ni Vince. "That's a good idea Julie. Nag-iisip kadin pala minsan," nakangiting sabi ni Jayne sa'kin. Ngumiti nalang ako at hindi na sumagot. Igaya niya naman ako sa kaniya, saming pito siya ang pangalawang mahina ang utak. Panghuli kasi si Rain at siya ang susunod, kaya nga lagi siyang pinagagalitan ng magulang niya at laging kinukumpara kay Elize. Mahilig kasing tumulong sa mahirap ang magulang niya at dahil mahirap sila Elize ay naging ka-close sila ng parents ni Jayne at lagi siyang kino-compare kay Elize kaya nga mas lalong nagalit si Jayne kay Elize, eh. Hahaha, ang bobo niya kasi Sobrang magkaiba ang parents ko at sila Mrs. Rosales. Pinalaki ako ng magulang kong 'wag tumulong sa mahihirap dahil ita-take advantage ka lang nila at pagnanakawan. Mga gold diggers! "Susundan natin sila?" Tanong ni Vince kay Jayne. "Yes, may angal ba kayo?" Nakataas ang kilay niya ng mag tanong. "Paano kung mapahamak tayo?" Nag-aalalang tanong ni Vince. "Magsasama tayo ng bodyguards duh," ani ni Jayne. "After ca=lass susundan natin sila sa ngayon let's eat." Naglakad na ulit siya kaya sumunod nalang kami sa kaniya. After class patago naming sinundan sila Elize at ang mga magulang niya "Tricycle yung sasakyan nila," ani ni Vince habang nakatingin sa unahan. Nasa unahan kasi namin ang sasakyan nila Elize. "What are you expecting ba? Kotse ang sakay nila?" Sarkastikong sagot ni Jayne sa kaniya. Pumasok ang sasakyan nila Elize sa isang kanto. Medyo masikip ang daan kaya huminto ang sinasakyan namin "Ma'am baka po hindi na tayo makalabas kapag diniretso ko pa," ani ng driver ni Jayne. "Pano na?" Tanong ni Cheska. "Bumaba na tayo. Manong just wait for us." Nagulat kami sa sinabi ni Jayne. My gosh mukhang dangerous yung paligid tapos gusto niya talagang bumaba. Binuksan ng bodyguard niya ang pinto ng van at bumaba na si Jayne kaya bumaba narin kami "Ang baho dito," bulong ni Cheska habang nakatakip ang kamay sa ilong niya. "Wag na kayong maarte, bilisan na natin." Naunang mag lakad si Jayne kaya mabilis kaming sumunod sa kaniya. "Nasaan na sila?" Sabi ni Matty habang nakatingin sa paligid. Oo nga, bakit nawala ang sasakyan nila "I think r'to yung bahay nila Elize." Napalingon kami kay Rain ng mag salita siya. Tiningnan namin ang tinuturo niyang bahay "Yan ang sasakyan nila Elize," I said. "Let's ask someone nalang para sure. Cheska mag tanong ka," utos ni Jayne. "Ako talaga?" Tanong ni Cheska. "May iba pa bang cheska dito?' Mataray na tanong ni Jayne. "Fine." Lumapit siya sa dalawang babaeng nasa harap ng katabing bahay nila Elize. "Hello. Dito ba nakatira si Elize Antonio?" Tanong niya. "Ah, oo. Bakit?" Hindi sumagot si Cheska at tinalikuran ang babae "Aba't ang supladaa naman nito." "Hayaan mo nalang." Sabi ng dalawang pinagtanungan ni Cheska "Oo daw, diyan daw nakatira," sabi ni Cheska pagbalik niya samin. "Medyo maayos ang bahay nila," ani ni Rain habang nakatingin sa bahay nila Elize. "Anong ayos it's so liit kaya," ani ko. "Mukhang need na need na ng renovation," sabi ni Cheska. Sakto lang sa tatlong tao ang bahay nila Elize, I guess silang tatlo lang talaga ang nakatira diyan. Gawa naman sa bato at malinis ang labas ng bahay nila. May pintura din kahit papaano pero mukhang kailangan ng i-paint ulit. Super pangit ng pinto nila at sa tingin ko ay wala silang kisame Wala naman sila sa squatters area pero dikit dikit ang bahay at maliit lang ang space hindi katulad sa village namin na medyo malayo ng konti ang bawat bahay at may own space talaga kayo "Nakita na natin ang gusto nating makita. Tara na, ayoko ng magtagal dito," ani ni Jayne at naglakad na paalis kaya sumunod kami sa kanila. "Omygosh, maliligo talaga ako pag-uwi ko," sabi ko habang lumalayo sa mga taong nadadaanan namin. "Same, feeling ko I'm so dugyot na," maarteng sabi ni Vince. "Ang lagkit," ani naman ni Ariel. "Mukhang ngayon lang naka-kita ng totoong tao ang mga tao dito. Tingnan mo kung makatingin sila," sabi ni Matty habang nakatingin sa mga taong nadadaanan namin. "Be careful baka may snatcher diyan," sabi ko habang nakahawak ng mabuti sa bag ko. "Bilisan na nga natin," sabi ni Jayne at binilisan ang lakad. Pagdating namin sa sasakyan mabilis kaming pumasok sa loob ng sasakyan nila "Manong let's go na. " Utos ni Jayne sa driver niya. "Yes po, ma'am." Mabilis na pina-andar ng driver ang van at nag drive paalis sa lugar na yun. "Hindi ko kayang tumira sa ganiyang bahay," ani ni Cheska. "My gosh, hindi ko kayang tumira sa bahay nila Elize," sabi ni Cheska habang binibigyan ng alcohol si Jayne. "And yung environment, super baho!" Sabi sabay kuha ng pabango sa bag ko at nag spray sa sarili ko. "Feeling ko ang lagkit lagkit," sabi ni Matty habang binibigyan ng sanitizer si Vince. "Baka kung anong sakit pa ang dumapo satin dahil sa pag punta natin dun," sabi ni Ariel habang pinupunasan ng wipes ang katawan niya. "Iba nga ang amoy sa baranggay," sabi ni Rain habang inaamoy ang kaniyang sarili. "No wonder kaya naging ganun ang amoy ni Elize," sabi ni Jayne habang nilalagyan ng alcohol ang braso niya. Mayaman na siya at sikat sa buong mundo pero hindi ako makakapayag dun. Kung hindi masaya ang buhay ko hindi rin dapat masaya ang buhay ng pangit na yan. Hindi karma ang nangyayari sa'kin ngayon, it's just a test Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang pera para sa business niya kaya dapat kong alamin yun. Kukuha din ako ng proof na plastic surgery lang din ang buong physical appearance niya. Maghintay ka lang Elize, babagsak kadin katulad namin, babagsak ka ulit ***************************** MATTY'S POV Pag pasok ko sa loob ng sasakyan ko nag drive agad ako paalis dun. Habang pauwi ako nakita ko na madadaanan ko ang Mcdo kaya nag drive thru muna ako. Hindi naman kasi ako nabusog sa kinain namin dahil ang konti lang ng order ko. Hindi ko naman kasi pwedeng damihan ko ang order ko dahil alam kong aasarin lang ako ni Vince. Ang baklang yun, sobrang inggit na inggit talaga sa'kin dahil kahit medyo mataba ako ay mas naging close kami ng crush niya, na crush ko rin kaysa sa kaniya "Hi Mat!" Napatingin ako sa gilid ko ng may narinig akong tumawag sa maganda kong pangalan. Mabilis kong tinago ang hawak kong pagkain ng makita ko si Shan. Ang crush ko na crush din ni Vince. Alam ko namang inggit siya sa'kin, eh kaya nga lahat ng gusto ko gusto niya din. Akala ko si Julie lang ang inggitera samin pero siya din pala hahaha! "Ikaw pala Shan," mahinhing sabi ko. "Alam kong hindi tayo close pero kakapalan ko na yung mukha ko," nahihiyang sabi niya. "Sige go lang. 'Wag kang mahiya sa'kin. Ano ba yung gusto mong sabihin?" Tanong ko sa kaniya. "Gusto ko kasi sanang magpaturo sayo." Hinawakan niya ang likod ng batok niya. "Sure, tungkol ba saan?" Tanong niya sa'kin. "Tungkol sana sa math. Magaling ka ba sa math?" Tanong niya sa'kin. "Hindi naman sobra pero may alam ako," pa-humble na sagot ko. "Patingin nga." Umupo siya sa tabi ko at inabot sa'kin ang notebook na hawak niya. Binuklat ko ito sa page na tinuro niya. Mabuti nalang at medyo madali ang problem "Anong gagawin dito?" Tanong ko sa kaniya. "Magpapaturo sana ako sayo," nahihiya siyang ngumiti sa'kin at tumingin sa ibang lugar. "Sure," nakangiting sagot ko sa kaniya. Ilang minuto ko sa kaniyang tinuro kung pano sagutin ang problem. Fast learner naman siya kaya hindi ako nahirapan sa pagtuturo sa kaniya. "Thank you so much." Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. "Salamat talaga," nakangiting sabi niya bago tumakbo paalis. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatulala lang sa kina-uupuan ko pero bumalik lang ako sa realidad ng marinig kong may tumatawag sa'kin "Matty!" "Vince, ikaw pala," nakangiting sabi ko sa kaniya. "Bakit ka niyakap ni Shan?" Tanong niya sa'kin. "Cause he likes me," I teased him. "Wag mo nga akong lokohin." He roll her eyes. "Hindi naman kita niloloko. Kung ayaw mong maniwala sa sinasabi ko bahala ka na." Tinaas ko ang dalawang kamay ko at tumayo. "Paano ka niya magugustuhan e, sobrang taba mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong mataba! Chubby ako pero hindi ako mataba! "Chubby lang ako," sagot ko. "Chubby daw, nakikita mo ba ang sarili mo?" Mataray na tanong niya sa'kin. Bago pa ako makasagot narinig ko na ang boses ng iba pa naming mga kaibigan "Nandito lang pala kayong dalawa." "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Ariel samin. Sa-sagot na sana ako kaso naunahan ako ni Vince. "Nag fe-feeling kasi si Matty. May gusto daw sa kaniya si Shan," sabi ni Vince. "Diba may cush daw yun sa ka-klase niya. Naririnig ko kasi yung asaran nila," ani ni Julie. "Wag ka ng mangarap girl," sabi ni Cheska sa'kin. "Tara na nga. May ipapagawa pa ko kay Elize," ani ni Jayne at naglakad paalis. Sumunod agad kami sa kaniya pero hindi namin siya pinantayan dahil magagalit siya pag ganun. Tumingin ako kay Vince na nasa harapan ko. Inggit lang siya sa'kin, eh
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD