Chubby

634 Words
Chapter 10 Pagkakuha ko ng order ko nag drive agad ako paalis dun at umuwi sa bahay namin. I still lived with my parents, sakto lang ang laki ng bahay namin at may dalawa kaming sasakyan. Isang kotse at yung isa ay jeep na sinasakyan ni tatay. May bakery shop din kami. Malaki ito dati at maganda ang takbo ng business namin dati pero this past few years unti-unting bumagsak ang negosyo namin dahil sa bagong pastry shop na itinayo ni Elize. Nag search kasi ako about sa shop at nalaman kong si Elize pala ang may-ari nun. Gusto ko sana siyang kausapin kanina pero hindi pwedeng malaman ng mga ka-klase ko ang status ng buhay ko ngayon Na-fired din ako sa trabaho ko last month at until now wala pa akong nahahanap na work "Oh, anak. Nandito ka na pala, may nahanap ka na bang trabaho?" Tanong ni mama sa'kin ng makasalubong niya ako sa pintuan. "Wala pa po," iling na sagot ko. Ang sabi ko kasi ay maghahanap ako ng trabaho ko ngayon. "Siya nga pala, ma." "Ano yun?" "Aalis ako next week. Magkakaroon kami ng high school reunion sa isang beach, don't worry kasi libre naman lahat." "Kung libre naman pala, sige." Tumango siya at pumasok sa loob ng bakery shop namin. Magkatabi lang kasi ang bahay namin at ang bakery shop. Pumasok na ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto ko. Nagpalit agad ako ng damit dahil ang init-init na ng suot ko at basang basa na ako sa pawis. Pagkatapos kong magpalit kinuha ko ang bag ko at tiningnan ang laman ng wallet ko Three thousand nalang ang perang nakita ko sa wallet ko. Bumuntong hininga ako at umupo sa harap ng lamesa ko. Binuksan ko ang laptop ko at dumiretso sa f******k. Mabuti nalang at nakapag-ipon ako ng pambili ng laptop bago mawalan ng trabaho. Kung hindi lang sana naging sagabal ang shop ni Elize baka mas dumami pa ang branch namin at mas naging kilala ang pamilya namin Speaking of Elize. Nairita ako ng makita ko ang isang advertisement sa f******k. May mukha ni Elize ang advertisement at tungkol iyon sa pastry shop niya. May pampagawa na siya ngayon ng kahit na anong business na gustuhin niya samantalang dati kahit pagkain ay wala siyang pera "Grave, sobrang gutom na ako," I said pouting. "Lagi ka namang gutom," side comment ni Jayne. Nagtawanan silang lahat kaya nainis ako pero hindi nalang ako nag salita "Mabuti na lang at kahit anong kinakain ko hindi parin ako tumataba," ani ni Julie. "Ako I follow strict diet," Rain said. Kapag talaga ako pumayat ipapamukha ko sa kanila ang ka-sexyhan ko "Guys, mauubos ang oras natin kung hindi pa tayo pupunta sa cafeteria ngayon," sabi ko sa kanila. "Tara na, mukhang gutom na gutom na ang baboy natin," pang-aasar sa'kin ni Ariel. "Yeah, mukhang he can't wait to eat na."Jayne laughed. "Tara na, baby." Napatingin kami kay Samuel ng lumapit siya kay Jayne. "Okay." Tumingkayad siya at hinalikan si Samuel sa labi. Mabili lang ito tsaka niya nilagay ang kamay niya sa braso ni Samuel. Pagdating namin sa academy umorder na kami at naupo sa usual spot namin dito sa school. Kilala si Jayne sa buong school dahil madalas magbigay ng gamit or pera ang parents niya. Kaya nga siguro kahit papa-ano ay nakakapasa siya Habang kumakain kami naka-amoy kami ng mabaho kaya mabilis naming tinakpan ang ilong namin "What's that smell?" Tanong ni Rain habang nakahawak sa ilong niya. "I think I'm gonna p**e," sabi ni Julie. "Ang baho my god!" Hysterical ni Cheska. Nilabas ni Julie ang pabango niya at nag spray sa paligid "I think I know where the smell came from," sabi ni Julie habang nakatingin sa iisang direksyon. Tumingin kami sa tinitingnan niya. Si Elize!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD