Ariel

724 Words
CHAPTER 11 "Saan pa nga ba manggagaling ang amoy," sabi ko habang nakatingin kay Elize na kumakain mag-isa. "Let's go," sabi ni Jayne at tumayo. "Kailangan ba nating lumapit? Ang baho talaga, eh," nakasimangot na sabi ni Rain. "You can stay here para uminit ang dugo ni Jayne sayo," sabi ni Julie sa kaniya at tumayo narin. Sumimangot siya lalo bago tumayo. Naglakad kami papunta sa lamesa ni Elize "Gosh! Wha'ts that smell," sabi ni Jayne habang nakalagay ang panyo niya sa ilong niya. "Hey, nerdy. Sayo ba galing ang amoy?" Tanong ni Samuel sa kaniya. "Ano ba yang kinakain mo? Tae?" Nang-aasar na tanong ni Jeff. He's Samuel's bestfriend kaya kung nasaan si Samuel lagi ring nandun si Jeff. "W-wala namang mabaho?" Tanong niya habang inaammoy ang pagkain niya. "What's that?" Tinuro ni Ariel ang itim na something na nasa maliit na mangkok. "I think that's bagoong," sabi ni Vince habang nakatingin sa pagkain ni Elize. "Ah, oo. Bagoong nga to, gusto niyo ba?" Nilapit niya samin ang mangkok. Napa-atras ako dahil sa amoy nito. Dun nga galing ang amoy! "Ilayo mo nga samin yan!" Sigaw ni Cheska at tinabig ang kamay niyang may hawak na mangkok. Nalaglag ito sa sahig at tumapon ang bagoong "Hindi naman sobrang mahal ng food dito sa cafeteria bakit hindi mo subukang bumili," ani ni Ariel sa kaniya. "Or wala ka lang pambili?" Nang-uuyam na tanong ni Jayne. Nagtawanan kami dahil sa sinabi niya "Pati ba naman pagkain wala kang pambili," ani ni Joseph. "Ano pa ba kasing aasahan natin kay nerdy," Vince said. "Truelalu, mas mahirap pa ata siya sa daga, eh," I said. "Pwede ba Elize, kung mabaho ang pagkain mo 'wag ka ng kumain dito sa cafeteria. Nakakawalang gana," Jayne said. "Sumabay ka nalang kumain sa mga magulang mo tutal yun yung ka-level mo," sabi ni Cheska at inirapan si Elize. Nakayukong kinuha ni Elize ang mga pagkain niya at tumayo. Nang dumaan sa gilid namin si Eize ay pinatid siya ni Jayne kaya nahulog ang lunch box niya at tumapon sa sahig ang mga pagkain niya "Opps, sinasadya ko yun," nakangising sabi ni Jayne habang nakatingin kay Elize na parang iiyak na naman. "Ipalinis mo nalang sa mama mo tutal she's janitor naman here," Jayne laughed then walk away. Tinawanan rin namin siya bago bumalik sa table namin "Eww," sabi ko at iniwasang maapakan ang pagkain niya. Baka magkaroon ng germs ang sapatos ko. Nag scroll nalang ako para hindi masira ng tuluyan ang buong araw ko. What if makipag tulungan ako kila Jayne? Para masira namin ang image ni Selene. Gustong-gusto ko ng bumalik sa dati ang buhay ko. Dati nakakain at nabibili ko lahat ng gusto ko pero ngayon laging nasa isip ko ang pagtitipid at pag-iipon ****************************************** ARIEL'S POV Mabilis akong sumakay sa sasakyan ng kaibigan ko nang makita ko ito "Saan ka na pupunta?" Nakasimangot na tanong niya sa'kin. "Sa bahay. Thank you for picking me up," nakangiting sabi ko sa kaniya. "Tsk, ano pa bang magagawa ko? Ang tamad mo naman kasing mag drive," She muttered. "Binibigyan din kita ng trabaho pero ayaw mo." She shook her head. "May trabaho naman ako," sagot ko sa kaniya. "Trabaho? Raket lang naman yun." "Trabaho parin yun," I answered. "Ewan ko sayo. Bahala ka na nga sa buhay mo." Kibit balikat na sagot niya. Medyo malapit lang ang bahay namin sa restaurant na kinainan namin kaya mabilis niya akong naihatid. Mabuti nalang at hindi traffic, gusto ko pa naman ng matulog "Salamat ulit." Kumaway ako sa kaniya bago pumasok sa loob ng bahay namin.. Nasa pinto palang ako pero naririnig ko na ang sigawan ng parents ko. Mabuti nalang at medyo malayo kami sa ibang mga bahay kung hindi ay baka pinagkakaguluhan na kami at pinag-uusapan "May binili ka na naman?!" "Kailangan ko yun." "KAILANGAN PARA SAAN?! WALA KA NA TALAGANG IBANG GINAWA KUNDI DUMAGDAG SA PROBLEMA!" Pagbukas ko ng pinto bumungad agad sa'kin ang mga magulang kong walang ibang ginawa kundi mag-away "Bakit kasi hindi mo nagawan ng paraan?! Alam mo ba kung ano ang mga sinasabi nila satin?!" "Yan parin talaga ang nasa isip mo?! Ang sasabihin ng iba?! Malapit na tayong walang makain yan parin ang iniisip mo!" Simula ng mag umpisang bumagsak ang business ni daddy ay wala na silang ginawa kundi magsisihan at mag-away nalang lagi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD