CHAPTER 31

1223 Words
_________________________________ Braze POV Habang kumakain kami ngayon ni Ziara. Ay nahagip sa mata ko si Blaire, tumatakbo ito sa kinaroroonan namin. Kasama niya si Mark Hingal na hingal pa itong huminto sa harapan namin. Habang hawak-hawak ang phone niya. Mabuti at kumuha ng tubig agad si Mark “Blaire, anong nangyari??. Bakit tumatakbo kayo??” napahinto pala sa pagkain si Ziara “Nakita ko na!. Yung vid!. Hinanap ko talaga toh kagabi. At napagdesisyonan kong, sabay-sabay nating panoorin!” aniya sabay tabi kay Ziara Tumabi namn sa akin si Mark.. “Asan na?? Dali!” Ipinakita naman ni Blaire yung phone niya kung saan nandoon ang video... Kitang-kita namin lahat. And i know na si Dexter.Mula simula, hanggang hahalikan na sana ni Dexter si Perlie ng dumating si Vhince at sinuntok ito. Napansin ko nga kahapon sa mukha ni Dexter, may pasa siya, kagagawan pala iyon ni Vhince Hanggang sa nagkasagutan na nga sinna Perlie at Vhince. At sa pagkasabi ng “Ang rupok, rupok mo!! Alam mo ba yun??”. Sinampal na siya ni Perlie Hanggang sa matapos yung vid.. “Oh my!! Kaya pala ganun na lang si Vhince” bulong ni Blaire ngunit nadinig ko “Nagpaubaya siya. Pinaubaya ni Vhince si Perlie kay Dexter. Dahil mahal niya ito. Kahit pa ikakasakit niya” sabi ni Ziara “Sabi din niya diba. Na, kakalimutan na niya si Perlie. At huwag na ding magpapakita pa si Perlie sa kaniya??” ani ko “Kaya pala, ganun sa umasta kahapon. Baka totohanin niya ang sinabi niya” wika ni Ziara “Pero feel ko, hindi niya magagawa yun. Simula bata, magkaibigan na kaming tatlo. Alam na alam ko na ang lahat. Mas lalo lang siyang masasaktan. Mas lalo lang niyang sinasaktan sarili niya” sambit naman ni Mark “Kaya, kailangan ni Vhince ang tulong natin. Kailangan natin siyang damayan. Kailangan niya ang mga kaibigan niya” ani ko “Pero, paano na si Perlie??. Kaibigan din naman natin siya??” sambit ni Blaire “Kasalanan lahat ito ni Dexter eh!. Maayos naman ang lahat. Bakit pa kasi bumalik pa yan dito” ani Ziara habang naka crossed arm “Teka, mag ex ba sina Perlie at Dexter??” taning ni Mark _________________________________ Ziara POV “Teka, mag ex ba aina Perlie at Dexter??” napatingin ako kay Mark. Ta's balik sa kawalan “Oo. Naging sila. Pero kailangan pumunta ni Dexter sa Singapore. Para mag-aral. Nandoon ako nung nag-promise si Dexter kay Perlie na pagbalik neto ay siya padin” “Months passed..hindi ko alam ang nangyari sa kanila. Pero sabi sa akin ni Perlie ay nagbago na raw si Dexter. Hanggang isang araw, nakita na lang ni Perlie si Dexter kasama yung bago niya. Nagulat nga siya dahil umuwi na pala si Dezter, pero hindi siya sinabihan, dahil siya ang girlfriend” “Yung araw din na iyon. Ay nagtext si Dexter kay Perlie na maghiwalay sila. Kaya tinawagan agad ako niya. Pagkarating ko sa bahay nila ay sobrang-iyak na iyak siya. Ako lang ang gusto niyang kausapin. Damang-dama ko ang sakit, kahit hindi ako ang nasaktan” “Araw-araw ko siyang binibisita. Araw-araw at gabi-gabi din siya umiiyak, sabi ng mama niya. Lumipas ang ilang buwan, unti-unti na siyang bumalik. Pero alam kong masakit pa din sa kaniya. Dahil kita ko yun sa dalawa niyang mata, kahit tinatago niya. Alam kong mahal na mahal pa din niya si Dexter” mahabang kuwento ko sa kanila “Kaya pala magkasama sila kahapon, mukhang nagkabalikan na talaga cla” sabi ni Aze “Naawa ako sa side ni Vhince” ani naman ni Mark “Me too” ____DAY 63 Perlie POV Katatapos ko lang magcr ng paglabas ko ay nakita ko si Ziara sa labas. Mukhang hinihintay niya ako.. “Perlie? Bes, puwede ba tayong mag-usap??” halo ang emosyon sa mukha niya, lungkot, alala at etc. “Sige Ziara” ani ko at lumabas na kami ng cr _________________________________ ~~Ziara POV~~ Nagulat na lang ako sa inasta ni Perlie. Firstime ko ring narinig na tawagin niya ako sa pangalan ko at hindi “bes”. Pero bahala na, atleast makakausap ko na siya “Perlie, nagkakabalikan na ba talaga kayo ni Dexter??” malungkot kong sambit “Yes Ziara, obvious ba??” at ngayon mas lalo akong nagulat dahil nagmamataray siya “Kasi bes. Ganon-ganon na lang ba yun??. Yung mga p*******t at panloloko niyang ginawa sayo, baka gawin niya muli” alala kong sambit “Hindi na. Mahal ko siya, at mahal niya rin ako. Sapat na yun, para pagkatiwalaan ko siya muli” “Pero paano si Vhince, Perlie!” hindi ko na mapigilang taasan cya ng boses Hindi siya nakasalita o nakasagot... “Sorry Ziara, I have to go. Baka hinahanap na ako ng boyfriend ko” aniya at umalis Tiningnan ko lang siyang papaalis na.. __ ~~CAFETERIA~~ Nandito kami sa cafeteria, mabuti at sumama si Vhince sa amin. Kami lang dalawa ni Blaire dito dahil ang tatlong kalalakihan na raw at mag-oorder Ilan sandali pa'y dumating na yung tatlo... “Para sa mylabs ko” ani Mark sabay bigay kay Blaire nung ipinaorder niya. Napangiti naman si Blaire. At tumabi na si Mark “Para sa Number 1 & only, reyna ng buhay ko. Ziara my queen” napangiti na lang ako sa kaniya at kinuha yung pinaorder ko “Salamat” ani ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis kay Aze na katabi ko na ngayon. Tsaka, kumain na Habang kumakain kami ay napatigil na lang ako dahil nahagilap sa mga mata ko sina Perlie at Dexter. Nagsusubuan pa ito. Medyo hindi kalayuan sa table namin Tiningnan ko si Vhince, nakatingin pala ito sa kanila. Nang nahuli niyang nakatingin ako sa kaniya ay umiwas din ito Kitang-kita ko sa dalawang mata niya na, namumuo na ang luha nito. Pero pinipigilan lang niya “Vhince bro, are you okay??” tanong ni Aze sa kaniya Napansin din pala nila.. “Maiiwan ko na kayo. Papasok na ako” aniya at umalis na Sinipa pa niya ang upuan niya para makadaan siya.. Nagkatinginan naman kaming apat.. (Fastforward) ~~BRAZE POV~~ “Ah sge Aze. Salamat sa paghatid. Mag-ingat ka sa pagdrive” ani Ziara “Salamat. Mag-iingat ka din Ziara ko” ani ko “Good night na lang” aniya at ngumiti sabay turo sa kotse ko na hudyat aalis na ako “Good night kiss muna” ani ko sabay lapit sa kaniya at sabay pamula ng pisngi niya “Bahala ka nga jan!” Aalis na sana siya ng hilahin ko siya at hinalikan. Na hindi ko din alam kung bakit siya humalik pabalik. Bahala na! Lumalim nang lumalim ang halik namin hanggang sa.. Humiwalay na si Ziara. “Sige na. Umuwi ka na. Sapat na yun” “Hindi sapat yun Ziara, kulang pa. Isa pa please!!” ani ko habang nagpapout pa. Binatukan naman niya ako “Aray naman!. Ziara ko!” ani ko habang sakit style pa “Umuwi ka na! Lalaki ka!” aniya kaya't unti-unti akong lumapit sa kotse ko na nakangisi Nahalikan ko naman kasi siya ulit eh!. Hehehehe! Pumasok na siya at pumasok na rin ako. Papaandarin ko na sana ang kotse ko ng may nahagilap sa mga mata ko ‘Si Daddy!’ __~END OF CHAPTER 31~___
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD