_________________________________
Ziara POV
Nandito ako ngayon sa room. Tiningnan ko ang katabi kong upuan, wala pa si Perlie. Asan na kaya yung babaeng yun??
Tumingin ako sa likod. Wala pa din si Aze. Ano kaya ang nangyari kay Vhince??
“Ikaw lang ata mag-isa best friend!” nagulat naman ako sa biglaang pagsingit ni Franzie
Queen of palaging sumusulpot kaya ang itawag ko sa kaniya
“Asan pala ai Perlie, bakit wala pa siya??” aniya sabay upo sa upuan katabi kay Aze
Oo nga pala. Classmate na namin siya. Lumipat kasi siya sa section namin nung isang araw...
“Hindi ko din alam kung asan yung bruhang yun eh!” ani ko
Ilan sandali pa'y dumating si Aze. At tumabi sa upuan ni Franzie
“Aze, mabuti at nandito ka na!. Anong nangyari kay Vhince??” tanong ko habang papaupo pa lamang siya
“Si Vhince?? Bakit??” sulpot ni Franzie
“Pagkarating ko sa bar na sinabi niya. Ay pumasok agad ako. At agad ko siyang hinanap. Lasing!. Hindi ko alam kung bakit. Kaya inuwi ko na siya sa kanila. The End” pagkukuwento ni Aze
“Naku!! What happened to Vhince!!. Do you think, alam ni Perlie, kung bakit siya nagpakalasing??” bulalas ni Franzie
“May point ka Franz. Pero kailangang tanungin muna natin si Perlie” sambit ko
“Nandiyan na si maam!” ani Franzie kaya umayos na ako ng upo
“Good morning class”
“Good morning maam!” sagot ng mga students
“You have a new classmate. Mr. Aguilar you can come in”
‘Aguilar?? Pamilyar ah??’
Bumukas naman ang pinto at iniluwa don si Dexter??? Kasama niya si Perlie??..
Nagsitilian naman ang mga kaklase namin...
“Hi classmates, good morning. I am John Dexter Aguilar Jr.. Thats all. Thank you” aniya at nagbow pa
“Kwaaahhhh! Ang cute niya!!”
“Kuyang pogi!. Puwedeng akin ka na lang??”
“Ambisyosa mo naman!”
“Pogi nga siya. Pero, kay fafa Aze pa din ako”
At marami pang iba, ang narinig ko
“Quiet class!” Nagsitahimik naman ang lahat
“Ok Mr. Aguilar, you can seat beside sa upuan ng girlfriend mo”
Girlfriend??? Si Perlie???
“Ay, sayang may gf na pala siya”
“Sino kaya sa atin yun”
“Kay fafa Aze na lang ako, single pa”
“May Ziara na yun bakla”
Hindi ko na sila pinakinggan at itinuon ang atensyon sa dalawang palapit sa kinauupuan ko
_________________________________
~~Braze POV~~
‘Sino naman 'tong Dexter na toh??. Mukhang alam ni Ziara kung sino siya ah?!. Siya ba ang dahilan ng paglalasing ni Vhince kahapon??’
“Hi bes!” ani Perlie kay Ziara
Pero ngumiti lang ng pilit si Ziara sa kanila..
__~FAST FORWARD~_
~~
Nandito ako ngayon sa rooftop. Nagpapahangin lang. Iniisip ko pa din ngayon kung ano ang nangyari kay Vhince
Ilan sandali pa'y may palapit sa akin. Paglingon ko ay si Franzie pala. Ano naman ang ginagawa nito dito??. Nung una, ay hindi ko na talaga gusto ang pakikipagkaibigan neto kay Ziara
“Aze??” aniya habang papalapit sa akin
“Anong ginagawa mo dito Franzie??” cold kong saad
“Aze, gusto lang kitang makausap. Antagal ko nang gustong kausapin ka. Buti at nakahanap ako ng tyempo ngayon”
“Ano yung sasabihin mo. About what??” ani ko habang hindi pa din tumitingin sa kaniya
_________________________________
Nagsorry na sa akin kanina si Franzie at hindi na raw niys itutloy ang arrange marriage
Thanks god!
Nalaman na pala nina Mark at Blaire ang about kay Vhince kaya nagpasya kaming bisitahin siya dito
Masasabi kong mayaman din sila Vhince. Sa kagandahan at kalakihan pa ng bahay nila
_________________________________
~~VHINCE POV~~
Nandito ako mag-isa sa kuwarto, nakasandal sa headboard ng kama ko. Bumabalik pa din ang mga sakit na nangyari kahapon
__~FLASHBACK~__
Ang rupok-rupok mo Perlie, alam mo ba yun!!!!” bulyaw ko sa kaniya, sabay ang malakas na sampal niya
__~END OF FLASHBACK~__
Tears again, started falling down..
Ilan segundo din ay may kumatok sa pinto..
“Yaya!, di ba sabi ko naman sa inyo! Na huwag niyo po akong gagambalain!” sigaw ko para madinig niya
“Sorry po Sir!. May naghahanap po kasi sa inyo sa baba!. Mga kaibigan niyo po” aniya
“Sge, bababa na”
Tumayo na ako tsaka pinunasan muna ang natuyong luha ko
_________________________________
~~Ziara POV~~
“Ah, Tita. Gising na po ba siya??” tanong ni Blaire sa mama ni Vhince
“Ah, oo. Kanina lang. Pero ayaw niyang may kumausap sa kaniya” ani nung mama ni Vhince
Dumating namn yung kasambahay nila
“Excuse me, ma'am sir, bababa na po si Sir Vhince” aniya
“Thank goodness!, akala ko buong araw na siyang, magkukulong sa kuwarto niya”
Nakita nga naming pababa na ito..
“Vhince!!!”
“Tol!”
“Mom, puwede niyo ba kaming iwan muna??” cold niyang sambit
“Ah sge son. Kung yan ang gusto mo” ani mama niya at umalis
Hinintay muna ni Vhince na makalayo ang mommy niya..
“Anong ginagawa niyo dito??” aniya at madilim na aura ang ipinakita sa amin
Nagkatinginan naman kaming apat dahil sa inasta niya..
“Vhince, gusto ka lang naming kamustahin” saad ni Blaire
“Im fine!” cold niya pa ding sambit
“Vhince nakita namin si Perl-” hindi na naituloy ni Mark ang sasabihin niya ng magsalita si Vhince
“Dont ever say that name again!. Or else, hindi na kita ituturing na kaibigan”
Natigilan naman si Mark
“Vhince, ano palang nangyari. Nakita ka kasi ni Aze na nagpakalasing ka..” sambit ko
Pinatong muna niya ang kaniyang mga kamay sa tuhod niya at sumandal sa single sofa at ilang segundo pang nagsalita
“Akala ko nakita niyo na. Its viral on the social media. At tsaka, ayoko nang balikan. Tapos na yun lahat. Kaya please, kung mapanood niyo. Huwag niyo nang banggitin ang pangalan niya. Kung gusto niyo pang maging kaibigan ko kayo” aniya at tumayo
“Huwag kayong mag-alala. Papasok na ako bukas” huling sambit niya at iniwan kami dito
Nakita pa namin siyang paakyat sa hagdan nila..
“Grabe, ibang-iba na si Vhince” ani Aze
“Oo nga eh!. Parang hindi na cya yung Vhince na kaibigan natin” sambit naman ni Mark
“Guys!, yung video!. Kailangan natin mapanood yun” ani Blaire
”Tama ka jan Blaire!. Para malaman na din natin kung bakit ang cold niya at, ayaw na niyang marinig ang pangalan ni Perlie” suhestiyon ko
Nagkatinginan naman kaming apat..
___~END OF CHAPTER 30~__