CHAPTER 29

1209 Words
_________________________________ –Perlie POV– “Perlie??” Nilingon ko ang boses na nanggagaling sa likuran ko Siya nga!. Ang taong miss na miss at gusto kong yakapin. Si Dexter “De-Dexter??” nagsimula nang bumuo ang luha sa gilid ng mga mata ko “Perlie, ikaw nga!.” aniya at lumapit sa akin “Hindi ko akalain na magkikita tayo dito. Do you like books pa rin ha?!” aniya at tumango-tango pa ‘Ang laki ng pinagbago niya ah?’ “Sorry ha, i need to go na” ani ko at iniwan na yung libro At lumabas na ako. Pero napahinto ako dahil tinawag niya ako.. “Perlie!. Hindi mo ba ako na miss??. Dahil ikaw Perlie, miss na miss kita” Nagsimula nang nagsituluan ang mga luha ko..at nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit napahinto naman, dahil nagsalita siya ulit “Perlie naman!. Kausapin mo naman ako oh!. Alam kong mahal mo pa din ako, at Perlie!. Mahal pa din kita” Hinarap ko siya habang patuloy pa din sa pagtulo ang mga luha ko.... “Hindi kita namiss?? “Dex-ter, miss na miss na miss at 1,000 times miss kita . Na-miss ko yung mga yakap mo. Yung mga lambing mo” umiiyak kong saad “At ano yung sabi mo??. Na mahal mo pa din ako??. PUTA!!. Huwag mo na naman akong lokohin!!. Pagod na ako Dexter. Pagod na pagod. Pagod na ako umiyak. Pagod na ako masaktan” “At ang lakas din ng loob mo na magpakita sa akin noh??!!. Na parang wala lang sa'yo ang nangyari?? Na parang hindi mo'ko sinaktan?? Bakit, ano ba sa'yo ang salitang break-up?. Ito ay isang walang silbi na salita lang, na puwede nang kalimutan kinabukasan??. Hindi Dexter” “Ano nga ulit, yung sinabi mo??. Mahal pa din kita??. OO DEXTER!! MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA!. Pero ayoko na. Tama na Dexter” madamdamin, maluha at mahaba kong sambit Lumapit diya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.. “Sorry Perlie. Sorry. Di naman importante iyon, ang importante. Mahal pa din natin ang isa't-isa” aniya sabay punas sa luha ko At lumapit pa ng konti sa akin.... ‘Perlie, huwag kang marupok okay??. Perlie, galit ka sa kaniya. Tatandaan mo yan!’ Pero hindi eh!. Mahal ko pa din siya!’ _________________________________ ~~VHINCE POV~~ Hinahanap ko ngayon si Perlie. Asan na ba kasi yung babaeng yun Ng may nakita akong maraming tao doon sa harap ng bookstore ay pinuntahan ko kaagad ito Pagkarating ko dun ay sumingit ako para makaabot sa harap.. Nagulat ako sa nakita ko. Si Perlie, at Dexter?? Hahalikan na sana ni Dexter ai Perlie ko ng nagtamo ito ng isang suntok mula sa akin Walang ibang aangkin sa labi ni Perlie. Kundi ako LANG!! Nagulat naman si Perlie at mga tao dito.. Sinugod ko si Dexter at sinuntok ng sinuntok. Wala akong pakialam sa mga taong nandito Napahinto na lang ako sa kakasuntok ng pigilan ako ni Perlie.. “Vhince! Tama na!!” sigaw niya kaya't huminto ako Baka makakapatay ako ng tao ng wala sa oras.. “Tara na Per-” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng pinuntahan agad niya si Dexter Inalayan niya itong umupo.. “Dexter, okay ka lang??” Sa bawat katagang yun ay parang sinasaksak ang puso ko. “O-oo” “Vhince, bakit mo kasi siya sinuntok?? Wala namang ginagawa ng masama sayo yung tao!!” singhal niya sa akin “Perlie, nararapat lang sa kaniya Sa mga p*******t na ginawa niya sa'yo. At ngayon, mas concerned ka sa kaniya??” Tumayo siya at lumapit sa akin “Perlie!!. Alalahanin mo yung mga araw na umiyak ka, mag-isa, nasasaktan, dahil sa mga ginawa ng lalaking yan!. Aalahanin mo yun lahat!!. At ano ngayon?? Papatawarin mo yang hayop na yan na ganon na lang??. Tapos, magiging kayo ulit??. Alam mo ang tawag sa'yo marupok. Ang rupok-rupok mo Perlie, alam mo ba yun!!!!” bulyaw ko sa kaniya, sabay ang malakas na sampal niya “Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan. DAHIL HINDI MO ALAM ANG NARARAMDAMAN KO!!” umiiyak na siya “ALAM KO!! DAHIL NARARAMDAMAN KO YUN!, NGAYON!!. Ansakit-sakit Perlie. Ako yung nandito, kasama, nagmamahal sa'yo. Pero zi Dexter naman ang nasa isip at puso mo” nagsimula nang magsituluan ang mga luha ko “Vhi-nce” humihikbing sambit niya “Ok!!. Fine!! Suko na ako!. Kay Dexter ka naman masaya diba??. Your free. Ipapaubaya na kita. But promise me, huwag ka nang magpapakita sa akin pa. Kakalimutan na din kita” huling sambit ko at tumalikod na sa kaniya Kasunod nun ang pagbagsak ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan “Vhince!" Hindi ko na siyya pinansin. At nagpatuloy na sa paglalakad. Kahit masakit. Napakasakit. I think I made the right choice “I love you Perlie, goodbye. See you soon” bulong ko _________________________________ Nandito ako ngayon sa bar, umiinom. Tinawagan ko c Aze.. “Bro, puwede mo ba akong puntahan dito??” [Sge. Asan ka??] “Nandito sa ******” [Sge. Pero mga 10 minutes muna ako makakarating diyan] Pinatayan ko na aiya ng tawag... _________________________________ Braze POV Hindi ko alam kung bakit tumawag sa akin si Vhince. Pero base sa tono ng pananalita niya, ay mukhang lasing na ito “Oh, sino yun??” ani Ziara. Kararating lang niya. May kinuha kasi siya kanina “C Vhince. Kailangan niya ako” “Bakit raw??. Anong nangyari??” “Hindi ko alam” “O sige, puntahan mo na aiya. Ako na din ang magpapaalam kina mama” “Salamat” ani ko at ngitian siya Umalis na din.. Pero hindi pa man ako nakababa ay tinawag niya ako “Aze!!” Nilingon ko siya “Mag-iingat ka" aniya Tumango ako sa kaniya bilang tugon sabay ngiti. At bumaba na nga ako _________________________________ ~~VHINCE POV~~ Hinihintay ko ngayon ssyaze. Habang nakikinig sa kumakanta.. ?? Saan nagsimulang magbago ang lahat Kailan nung ako'y 'di na naging sapat Ba't di mo sinabi nung una pa lang Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal?? Tears started falling down. ‘Bakit ba kasi yan yung kanta eh!’ ??Saan nag kulang ang aking pagmamahal Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang?? “Ayan! Yan ang bagay sa'yo!.Ang pangit mo! Kapag umiyak ka!” pang-aasar ko pa “Sira!!" aniya sabay hampas sa akin. At, punas sa luha niya ??Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na Ako ang kasama, pero hanap mo siya?? ?? At kung masaya ka sa piling niya Hindi ko na pipilit pa Ang tanging hiling ko lang sakanya 'Wag kang paluhain At alagaan ka niya?? “Ok!!. Fine!! Suko na ako!. Kay Dexter ka naman masaya diba??. Your free. Ipapaubaya na kita. But promise me, huwag ka nang magpapakita sa akin pa. Kakalimutan na din kita” huling sambit ko at tumalikod na sa kaniya ?? At kita naman sa 'yong mga mata Kung bakit pinili mo siya Mahirap labanan ang tinadhana Pinapaubaya Pinapaubaya Pinapaubaya ko na sakanya?? Hindi ko na sya pinansin. At nagpatuloy na sa paglalakad. Kahit masakit. Napakasakit. I think I made the right choice “I love you Perlie, goodbye. See you soon”-bulong ko Napaiyak na naman ako... __~End of chapter 29~__
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD