CHAPTER 28

1263 Words
~()~ _________________________________ Braze POV Its Sunday. This is the day.. “Lord, sana. Magiging maayos na ang pamilya ko. Magiging okay din ang pag-uusap namin ni Tito Welton” bulong ko at nagsign of the crus na at umupo Tapos na pala si Ziara. Nagsimba kasi kami ngayon. Diba ang bait ko din??. Joke lang!. Nandito tayo sa simbahan Kinakabahan ako ngayon na parang ewan. Napatingin ako kay Ziara dahil bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko “Aze, okay ka lang??” aniya sabay bitaw “Ah, oo” ani ko ___~FASTFORWARD~___ Natapos na ang misa. Palabas na kami ngayon ni Ziara sa simbahan “Ah Ziara?? Bakit wala pala ang mga magulang mo?? At si Zhake??” ani ko habang papalabas kami “Tapos na silang magsimba kanina. Salamat nga't pala dahil sinamahan mo ako” aniya “You're very welcome. Para sa iyo Ziarako” ani ko habang pinagbubuksan cya ng pinto Hindi aiya sumagot at sumakay na... _________________________________ Nandito na kami ngayon ni Ziara sa labas. Hanggang ngayon, kinakabahan pa din ako “Aze, hindi mo naman kailangang bumili ng lahat ng ito” aniya. Napatingin ako sa kaniya Nasa likuran pala siyaa ng sasakyan..lumapit ito sa akin.. “Okay ka lang ba?? Kanina pa kita napapansin na hindi okay ah?” nasa tono ng boses niya ang pag-alala “Puwede ko namang sabihin kay papa na sa susunod na lang. Kung hindi ka okay ngayon” dagdag niya “Hindi..hindi..okay lang ako. Lakasan ko na lang ang loob ko” “Hindi ka naman kakainin ni papa. Kakausapin ka lang niya” aniya “Paano kung ang pag-uusapan namin ay about sa atin?!. About sa panliligaw ko sa'yo. Paano kung hindi siya papayag??” Ngumiti lang siya sa akin, sabay sabing.. “Kung ganon man. Wala tayong magagawa” aniya sabay ngisi at naglakad pabalik sa likod ng kotse “Ziara naman!!” sigaw ko Ngumisi ito sabay tingin sa akin.. “Hali ka na nga!. Kunin na natin toh!. Bakit bumili ka pa kasi. Hindi naman kailangan” Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya... ___ Malapit na... Dug..dug..dug.. Binuksan na ni Ziara ang pintuan nila Pagpasok namin ay iniwan ko muna yung sapatos ko malapit sa pinto. Ganon din si Ziara “Mabuti at nandito na kayo” bungad ni Tito Welton sa amin Tiningnan ko si Tito Welton. Ang lalim ng tingin nito sa akin. Grabe naman siya oh!. Parang hindi ang assistant ni dad “Ah mga anak, akin na yang dala niyo” sambit ni Tita Klea Luhh!!? Anak raw??. Mabuti pa si Tita Klea, mabuti pa. Heheheh. Joke lang Binigay na namin kay Tita Klea at Zhake yung mga dinala namin at nagtungo sila sa kusina “Mano po pa” ani Ziara sabay lapit at nagmano sa papa niya Habang ang papa naman niya ay hindi inaalis ang tingin sa akin... “Magandang umaga po. Mano po” ani ko sabay mano sa kaniya My ghood! Para niya akong kainin sa tingin niya! “Aze, upo ka muna” ani Ziara kaya't umupo ako at sila din _________________________________ “Aze, kilala na kita. Nanligaw ka sa anak ko??” sabi ni Tito Welton sa akin “Ah! Opo” ‘Ganyan lang Aze! Be confident! Huwag kang mahiya sa harap ng pamilya ng mapapangasawa mo. Pake mo?? Advance ako mag-isip eh’ “Alam ng anak ko, na kapag may manligaw sa kaniya, ay dadaan muna sa akin. Hindi ba niya naikuwento sayo??. Alam mo din bang, ang dami nang nanligaw kay Ziara. Pero lahat ng yun??. Tsk!. Ni isa, walang naging nobyo niya. Bagsak agad pagdating sa akin. Talo sa pagsubok ko" malamig na sambit ni Tito Welton “Pa!, huwag mo namang takutin si Aze!. Hindi naman po totoo ang mga pinagsasabi niyo” ani Ziara na nasa tabi ko lang “Huwag kang makialam dito anak. Mas mabuti pang, doon ka muna!” ani Tito. Sinunod naman niya Pagkaalis ni Ziara ay dumating si Tita Klea at tumabi sa asawa niya.. “Inuulit ko sayo Aze, kailangan mo munang dumaan sa pagsubok ko” “Papayag po ako. Kahit ano pa man yan. Basta, para mapatunayan ko sa inyo kung gaano ko kamahal ang anak niyo” ani ko Nagtinginan naman silang mag-asawa.. “Kung magtatagumpay ka diyan. Ay, sayong-sayo na ang anak namin. Iyong-iyo na aiya. Puwede mo nang gawin kahit ano, ang gusto mo. Basta huwag mong kakalimutan na may mga magulang at kapatid pa din siyaya” “Teka-teja Welton. Ano bang mga pinagsasabi mo??” ani Titaa at hinampas pa ang asawa niya “Pasensya ka na Aze ha?” “Okay lang po” “Ano po ba yung pagsubok niyo??” dagdag ko “Layuan mo ang anak ko. For 2 months” Nagulat naman ako sa sinabi niya... “Po??” “Welton!. Ano ka ba??!!. Bakit may pagsubok ka pa. Hindi naman ikaw yung nililigawan!” “Magulang ako. May karapatan akong magdesisyon” sambit ni Tito “Magulang din naman ako ni Ziara ah!!. May karapatan din ako!” sumabat ni Tita “Pero po, hindi ko magawang layuan ang anak niyo!. Hinding-hindi ko magagawa kay Ziara yan!” “Pa?? Ano pong sinabi niyo kay Aze?? Layuan niya ako??” Singit ni Ziara Inilagay muna niya ang dinala niya sa harap namin.. At tumabi sa akin.. Napayuko na lang ako... Ilan sandali pa'y nagulat na lang ako ng biglang tumawa si Tito Welton.. “BWAHAHHAHAHHAA” tawa niya kaya't hinampas ito ni Tita Klea “Sabi ko nga ba eh! Nagbibiro ka lang!” “Papa naman oh!” ani Ziara “Hahahaha. Kanina ko pa talagang gustong tumawa. Hahahah” tawa pa ni Tito kaya't hinampas ulit ito ni Tita Klea “Aray!. Hindi naman kayo mabiro!” “Walang nakakatawa dad sa mga sinabi niyo kay Aze. Aze, pagpasensyahan mo na si papa” ani Ziara sabay tingin sa akin Ngitian ko na lang siya... Umayos ng upo si Tito Welton.. “Aze, papayag na akong manligaw ka sa anak ko. Pero, ligaw muna ha??. Pag-aaral pa din ang uunahin niyo” “Sge po. Salamat” ani koko at ngitian siya “Ako Aze?. Kahit wala ng ligaw-ligaw. Okay lang sa akin na magiging kayo na ng anak ko. Okay lang din, na papakasalan mo siya bukas na bukas. Tapos, gagawa din kaagad kayo ng baby ha? Para may apo na kaagad ako!” Nalaglag na lang ang panga ko sa sinabi ni Tita Klea “Ma!. Minsan iniisip ko, mga magulang ko talaga kayo?? May sira kaya ata kayo sa utak!. At isa pa, ako naman ang magdesisyon, kung kailan ko sasagutin si Aze diba??” “Pero anak, huwag mo namang patagalin" “Oo nga po eh!. Sana” sabi ko sa kanila ___~FASTFORWARD~ “Pagpasensyahan mo talaga c papa kanina ha?!”- Ziara. Nandito pala kami sa rooftop “Okay lang. Talaga bang, mapagbiro yung papa mo?”-ako “Ah oo. Ganun talga c papa. At yung mga cnabi niya sayo kanina?!. Hindi totoo lahat ng yun”-Ziara “Ah. Okay” _____ ~~Perlie POV~~ Nandito ako ngayon sa mall sa may mga libro. Anong gagawin??. Syempre, bibili ng libro. Para naman may libangan ako paminsan-minsan Kasama ko pala c Vhince, nag cr lang cya. Kaya bumili muna ako ng libro. Malapit lang din naman ito sa cr Habang namimili ako ng libro ay may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.. “Perlie??” __~END OF CHAPTER 28~___
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD