_________________________________
Braze POV
Galit, inis. Kapag maalala ko nung isang araw
___~FLASHBACK~___
“Sige Bro!?. Dito muna kayo mag-oorder lang kami” sabi ni Mark at umalis na sila ni Blaire
Pagkawala ni Blaire ay nakita ko naman sa di kalayuan ang babaero kong ama. Kung bakit, kapag nandito kami ay nandito din sila
___~END OF FLASHBACK~___
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis at galit. Lalong-lalo na naiinis ako at nagagalit sa letseng Arranged marriage!!
Ilan sandali pa'y may kumatok..
“Son nandiyan ka ba??”
At ang letseng ama ko!!...
Tumayo ako at binuksan ang pinto
“Ano naman kailangan mo dad” walang gana kung sambit at umupo sa kama ko
“Kung tungkol naman yan sa Arranged Marriage. Ay umalis na kayo” cold kong sambit
“Son!. Lalago ang busines natin kapag magpapakasal ka kay Franzie!!”
“Balik-balik na lang ba tayo dad??!!. A.YO.KO. SI Ziara ang mahal ko at hindi si Franzie!!”
“Then!! Tapusin niyo na ang koneksiyon o kung ano pa mn kayo nyang Ziara na yan!!. Think son!. Para din sa iyo 'to kapag ikaw na ang nagmamanage sa company natin”
Napatayo na lang ako sa galit ..
“Bahala kayo dad!. Kung lugi mn ang kompanya pagdating ko?!!, Puwes!! I can do it by my own!. Hindi yung letseng arrange marriage na yan!!” bulyaw ko sa kaniya
“Please son and, wala ka na ding magagawa”
“Oo wala na akong magagawa!!. Pero maghahanap ako ng paraan. Para matigil lang yan!!” galit na sambit ko
“At isa pa dad, bakit niyo ba pinakikialaman ang buhay ko!!?. Hindi ko namn pinakialaman ang pambabae mo ah!!”
Nakita ko naman siyang nagulat sa sinabi ko..
“Hindi totoo yan!”
“Huwag kayong magdeny dad, kitang-kita sa dalawang mata ko. Hindi ako bulag. Ang sweet niyo nga nung nakaraang araw. Ano dad??!! Sasabihin mo ba kay mommy at Blaire o naghintay ka lang na malamn nila!!”diin at galit na sambit ko
Hindi siya makapagsalita sa sinabi ko. Nakayuko lang ito...
“Ano??!! Hindi kayo makapagsalita??. Dahil Ano??!. Totoo??. Kaya't ba palagi kayong wala dito sa bahay!!. Kasi, kasama mo yung babae mo!!. Tama??!”
“Huwag kang bastos sa harap ng ama mo!!”
“Bastos?? Ako??. Eh, totoo naman lahat eh!!”
Lumapit ako ng konti sa kaniya..
“Dad, ipatigil niyo yang arrange marriage na yan. Kung hindi, magsusumbong ako kila mommy” mahinang sambit ko sa kaniya
At umalis na sa silid ko...
_________________________________
Blaire POV
Nagsituluan na naman ang mga luha ko ng may naalala ako
___~FLASHBACK~___
Habang nagoorder kami ni Mark ay may nahagilap sa mata ko
‘Si Daddy yun ah!. Pero wait, sino yung kasama niya??. Hindi naman si mommy yan?!’
‘At ang mga hayop!! Ang sweet-sweet pa nila!!. Nagsusubuan pa ito!’
Tiningnan ko si kuya. Nakatingin din pala ito kila daddy. Alam kong galit na siya dahil nakakuyom ang mga kamao niya. Balik tingin ako kila daddy
“Babe, okay ka lang??”
Napatingin ako kay Mark...
“Okay lang ako babe” ani ko neto at ngumiti ng pilit
Binalik na niya ang kaniyang atensyon sa inorder namin
___~END OF FLASHBACK~__
Matagal ko nang nakita na magkasama si daddy with that woman. Hindi ko lang sinasabi kila kuya at mommy.Dahil akala ko, maghihiwalay din sila. Akala ko.Dahil mahal ni daddy si mommy
Pero, I was wrong. Hindi pala. Akala ko lang pala lahat ng yun. Narealize ko na din na, kaya hindi dito umuuwi si daddy dahil nasa kabet niya siya natutulog..
Nandito na ako sa harap ng kuwarto ni kuya dahil sasabihin ko na sa kaniya. Bubuksan ko na sana ito ng napatigil ako dahil dinig na dinig ko ang sigawan
“At isa pa dad, bakit niyo ba pinakikialaman ang buhay ko!!?. Hindi ko namn pinakialaman ang pambabae mo ah!!” dinig kong sigaw ni kuya
Si Daddy pala ang kausap niya...
‘Alam din pala niya. Hindi ko na pala sasabihin’
Idinikit ko pa ang tainga ko sa pinto, para madinig pa ang pinag-uusapan nila. And, narinig ko nga lahat.
‘Pero wait.. He just said Arrange Marriage???. O nagkamali lang ako ng pandinig’
Ng may nadinig ako sa loob ng mga yapak palapit sa pinto kaya agad akong nagtago dito sa may bulaklak
Si kuya. Pagalit pa niyang isinarado ang pinto
Sinundan ko ito, alam ko naman kung saan siya patungo eh!. Walang iba kundi sa rooftop. Doon naman kasi siya magtatambay o pumupunta kapag nagagalit o naiinis siya
___~ROOFTOP~___
“Uhm, kuya”
Tumingin naman siya sa akin. Tapos balik sa malayo
“Blaire, umalis ka dito” aniya
Nanatili pa din ako sa kintatayuan ko..
“Noong isang araw mo ba nalamn kuya??” ani ko. Tumingin naman ito sa akin
“Alam mo Blaire. Narinig mo lahat ng pinag-usapan namin kanina ni dad??”
“Hindi lahat kuya. Pero, oo. Alam ko. Matagal ko nang alam” ani ko sabay lapit at tabi sa kaniya
“Kailan mo pa nalaman??”
“Last year pa kuya”
“Bakit hindi mo sinabi sa amin, sa akin??”
“Kasi kuya, akala ko na maghihiwalay din sila. Akala ko, na. Hihiwalayan ni daddy. Gustuhin ko mang sabihin sa iyo kuya, pero ayaw mo 'kong kausapin eh!. Pag, pumupunta ako sa kuwarto mo, palagi mo lang akong pinapaalis”
“Sorry kung ganon”
Ilang segundong tumahimik.....
“Kuya??”
Hindi siya nagsalita....
“You think, it is the right time para sabihin kay mommy 'to??”
“No its not. Aantay tayo ng tamang panahon. At tsaka, kung mahal ni mommy si daddy ay tayo ang pipiliin niya” aniya
“Pero kuya. Ayokong masaktan si mommy, sa panahong malaman na niya”
Niyakap lang ako neto...
“Hindi mangyayari yan. Paghihiwalayin natin ang dalawa”
________
~~Ziara POV~~
“YOHOO!! Team Tuazon! Ang da best family ever!!” masayang sambit ko
Kakauwi pa pala namin..
“Ate, tingnan mo mukha mo dito oh!. HAHAHAHAHA” ani Zhake sabay tawa ng malakas
Tiningnan ko nga yung picture. Ang pangit ng pagkakakuha. Hahahah
“Eh ikaw! Ang pangit din oh!. WAWAHAHA” ani ko sabay tawa at pakita sa kaniya nung picture
“Uyss!! Tama na yan!! Baka magkakasakitan o mag-aasaran naman kayo niyan” sulpot ni mama
“Mas mabuti pang, magpahinga na kayo. Dahil alam kong napagod kayo. May klase pa kayo bukas” dagdag naman ni papa
“Opo ma! Pa!” sabay naming sambit ni Zhake at nagtungo sa kaniya-kaniya naming kuwarto
______DAY 44
“You can now take your recess class. Huwag niyo kalimutan assignments niyo ha?!!”anj Ma'am sabay ligpit ng mga gamit niya
“Yes maam!” sagot naman ng mga students at nagsilabasan na ang iba
Habang naglalakad ako ay may tumawag sa akin.
“Ziara??”
Tumingin ako sa likod ko si Blaire lang pala
“Blaire!!. Bakit??” ani ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad
“Gusto ko lang sabihin sa iyo na. Birthday na pala ni kuya next month” aniya
“Ah!. Okay” tipid kong sagot. Hindi ko naman alam ang isasagot ko
“Okay??!!. Wala ka bang gagawin??. Para masurpresa siya??. Or anything else?”
“Gustuhin ko mn. Pero wala akong pera eh!”
“Aysus! Yun lang naman pala!. Ako na ang bahala!”
“Huwag na!!”
“Sige na!. Walang tatanggi!” aniya at huminto pa talaga
“Sige na nga!!. Mangungulit ka naman pag umayaw ako” sabi ko na lang dito
‘Pero may naisip ako eh!. Na alam kong magpapasaya talaga sa kaniya’
Napapangiti na lang ako habang iniisip yun
___~END OF CHAPTER 22~___