CHAPTER 21

1275 Words
_________________________________ Ziara POV Nandito kami ngayon magkakaibigan sa cafeteria. Pero kanina ko pa napapansin. May something weird sa dalawang nasa harap ko “Uy! Uy! Kayong dalawa” ani ko sabay turo kay Blaire at Mark “May something eh sa inyo!. Magsabi nga kayo sa amin ng totoo” dagdag ko Tumingin muna si Blaire kay Mark bago nagsalita.. “Eh kasi guys…” nahihiya pang sambit ni Blaire “Ano??” “Ka.. Kami na kasi ni Mark. Sinagot ko na siya!!” ang kaninang nahihiya ay ngayon ay happyng-happy pa “Luhh!! Kailan??” sambit ni Vhince “Uy gaga!. Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin ha?” sabi naman ni Perlie “Palagi kasi kayong busy” sagot ni Mark sa tanong nila “Aze, wala ka lang bang magiging reaksiyon diyan” tanong ko sabay na din tingin sa kaniya Pagtingin ko dito ay nakayuko lang ito na animo'y ang lalim ng iniisip...Kanina ko pa din ito napapansin eh “Uy bro!” untag ni Mark sa kaniya Buti na lang at natauhan na “Ha?? Ano yun??” “Out of the world ka siguro bro. Hahahaha” sabat ni Vhince at tumawa pa Buti na lang at pinalo ni Perlie... “Kuya, kung okay lang sa iyo. Sinagot ko na si Mark” sabi ni Blaire “Ok lang. Desisyon mo naman yan” ani Aze Hinawakan ko ang kamay neto.. “Aze, okay ka lang??. Ang lalim ata ng iniisip mo” sabi ko dito “Okay lang ako. Tsaka, huwag niyo/mo na akong aalahanin” aniya “Okay” ani ko at binitawan ko na ang kamay ko “Blaire, bakit pala ang aga mong sinagot c Mark?” tanong ni Perlie sa dalawa “Dahil, di naman panliligaw ang patagalin. Ang patagalin niyo yung relasyon niyo” ________DAY 40 ~~Mark POV~~ “Grabe, ang boring namn!” sabi ni baby Blaire. Heheheh “Guys! May naisip ako!. What if, gala tayo sa mall?” sulpot ni Vhince “Sge-sge. Game ako diyan!. Para naman makapag-relax tayo” sabat naman ni Perlie “Paano yung klase natin mamaya??” Napatingin ako kay Ziara at tumawa na lang ng mahina “Ziarako este Ziara. Huwag muna yung proproblemahin. May bukas pa naman eh!” sabi ni Aze sa kaniya “Oo nga Ziara. At guys, ako na ang bahala paano tayo makalabas sa eskuwelahang ito” sambit ko sabay ngisi “Yan talaga ang gusto ko sa'yo bro!” ani Vhince at nag-apir kami _________________________________ (~MALL~) Ziara POV “At sa wakas! Makapagrelax din tayo!” “Enjoyin na natin to!!” Una naming pinuntahan ay sa timezone. By partners kaming nilaro ang bawat malalaruan. Minsan ay, nagpapataasan kami ng score at yung matatalo ay siyang manglibre mamaya. Hahahah Para kaming mga batang first time na nakapaglaro. The best ang araw na ito!. Napakasaya!. Ang saya-saya ko!!. Naming lahat! _________________________________ ~~SOMEONE'S POV~~ “Sigi!! Magpapakasaya lang kayo!. Dahil sa susunod na araw ay luhaan ka naman Ziara Nicole Tuazon. Hahahah” ani ko at nagdevil laugh _________________________________ ~~VHINCE POV~~ “HAHAHAHAAH” sabay naming tawanan “So ano na guys??. Manglibre na kayo Blaire at Mark. Hahaha” sambit ni Aze “Sge tara na. Nagugutom na rin kasi ako” ani Blaire “Puwede rin naman, ako na lang kainin mo babe” ani Mark at kumagat sa ibabang labi niya Pero inirapan lang ito ni Blaire Napatawa na lang kami sa kanila Habang papunta na kami ay biglang.. “Guys, cr muna ako ha?" sambit ni Perlie “Sige. Ingat ka” “Samahan na kita” sabat ko naman “Huwag na. Kaya ko naman” ani Perlie at umalis na Habang medyo nakalayo- layo na siya ay sinundan ko ito. Hindi na ako nagpaalam sa iba Sinundan ko ito ng sinundan hanggang sa makapasok siya sa cr. Syempre, nandito lang ako sa labas noh!! _________________________________ Perlie POV Hay! Salamat! At tapos na ako umihi Habang pabalik na ako sa kanila ay sa di kalayuan ay may nakita akong pamilyar na lalaki na may kasamang magandang babae “Dexter” mahinang sambit ko Nagtago ako para di makita nila. Ang saya-saya nilang magkasama. Mukhang nagdedate ata sila Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Tinakpan ko na lang ang bibig ko para hindi mapansin ng iba na humihikbi ako Hindi ko alam pero naglakad na lang ako papunta sa kinaroroonan nila. Pinunasan ko muna ang luha ko Habang papunta ako sa kinaroroonan nila ay may biglang humila sa akin at dinala ako sa lugar na wala medyong tao Pagharap ko dito ay nagulat na lang ako dahil si Vhince ito. Bakit niya ako sinusundan “Perlie, huwag kang mag iskandalo. Hindi ito ang tamang panahon. Teka, sino ba sila?? Ka ano-ano mo sila??” Sumandal ako at doon na nagsibagsakan ang mga luha ko “Yung lalaki ay si Dexter. Hindi ko namn alam kung ano ang pangalan nung babaeng kasama niya. Si Dexter ay ang ex ko. Ex na mahal na mahal ko pa. Siya din yung nasa picture na nakita mo” umiiyak na sambit ko _________________________________ ~~VHINCE POV~~ “2 year ago na yung, simula nung umalis siya. Kami pa nun. Nagpromise siya sa akin na ako pa din ang mahal niya pag-uwi niya galing Singapore” “Naniwala naman ako sa kaniya. Palagi kaming nagvivideo call araw-araw, tawagan, text, chat at kahit ano pa. Months passed nagbago siya. Parang hindi na siya yung Dexter na kilala ko, na mahal ko. Kapag tumatawag ako sa kaniya ay, palagi na lang siyang busy” humihikbing sambit niya “Sabi ng mga kakilala namin na nandoon sa Singapore. Ay may ibang babae na raw siya. At ako naman ay hindi naniwala. Mahal ko siya, kaya dpat na pagkatiwalaan ko siya. Dahil, kung mahal niya ako ay hindi niya ako magawang palitan” Umupo ako sa tabi neto.... “Hanggang isang araw. Last year yun. Nakita ko siyang kasama ang babaeng yun. TANGINA!, hindi mn lang ako sinabihan na uuwi na siya!!. Ako yung girlfriend eh!!. Dapat sinabihan niya ako!!” Walang tigil ang pag-agos ng luha niya.. “Noong una ko silang nakita. Ay, hindi na ako lumapit. Masaya naman siya sa iba eh!, guguluhin ko pa ba??. Nung araw din na iyon ay nagtext siya sa akin na magbreak na kami. Nagmokmok lang ako at umiyak at dinama ang sakit. Tanging si Ziara lang yung naging sandalan ko” “Kaya kanina, gusto kong lumapit sa kanila. Hindi para mag iskandalo. Para magtanong kay Dexter. Kung, bakit niya ako iniwan??. Bakit niya ako nagawang palitan??. Kulang pa ba ako??” humihikbing sambit niya Hinarap ko siya sa akin at pinunasan ang kanina pa niyang dumadaloy na luha “Its not the right time pa ha?? Promise ko sa iyo. Kapag nakita natin si Dexter ulit. Ay tatanungin na natin siya. Okay??”ani ko habang nakahawak sa pisngi niya “Sorry Vhince ha?? Sorry kung hindi kita magawang mahalin. Hanggang ngayon kasi, mahal na mahal ko pa din siya. Sorry Vhince. Sorry” aniya niyakap ko na lang ito ‘Ang sakit-sakit mn para sa akin. Na hanggang ngayon ay mahal pa niya ang ex niya. Dont worry Perlie, tutulungan kita. Tutulungan kitang mag moved-on at magmahal ulit’ Hinalikan ko ito sa ulo niya at kumalas na ako “Tara na?? Iuwi na kita" ani ko sabay hawak sa kamay niya “Paano sila??” “Ako na ang bahala” sambit ko at ngumiti ng pilit Tumayo na kaming dalawa at naglakad na ___~END OF CHAPTER 21~___
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD