~~♣SATURDAY♣~~
___________________________________
~~Braze POV~~
Tiningnan ko muna si Ziara na tulog na tulog. Medyo mahaba kasi ang binyahe namin. Kaya ayan, nakatulog.
Pupuntahan namin ngayon ang puntod ni Zillianna. Medyo malayo kasi siya nilibing sa lugar namin. Dito rin kasi sina Tito at Tita (mama at papa ni Zillianna) nakatira.
Inihinto ko na ang kotse dahil nandito na kami sa sementeryo kung saan nakalibing si Zillianna. Umikot ako at binuksan ang kabilang pintuan
“Ziara, gising na, gising. Nandito na tayo” mahinang sambit ko sabay gising kay Ziara
Ilan sandali pa'y minulat na niya ang kaniyang dalawang mata...
“Aze??”
“Baba na. Nandito na tayo” ani ko at inalayan ko siyang bumaba
Pagkababa niya ay kinuha ko ang bulaklak at mga pagkain sa likod ng kotse, tapos bumalik ako kay Ziara
“Tara na!” Ani ko Tumango naman siya
Umuna na akong maglakad at sumunod naman siya. Hanggang sa, nandito na kami sa harap ng puntod ni Zillianna
“siya pala ang pinunta natin. Mabuti naman” ani Ziara habang nilalapag ko ang bulaklak at mga pagkain
“Oo. Matagal-tagal na din kasi akong hindi nakabisita sa kaniya” ani ko habang inihahanig ang picnic blanket. Tapos umupo na kami
“Hi Zillianna!” aniya sabay tingin at kaway sa puntod
“Sa wakas at nakita na kita. Sa picture nga lang. Di bale na. Salamat ha?? Salamat kasi, hindi mo pinabayaan si Aze. Nakuwento na niya pala sa akin ang lahat ng pinagsamahan niyo. Pinagsamahang masaya Alam mo bang, mahal na mahal ka niya???” madamdaming sambit niya
“Oo mahal kita Anna. Pero, dati yun. Mahal naman kita ngayon eh!. Pero, tinupad ko lang yung huling bilin mo sa akin. Ang magmahal. At maghanap ng babaeng makakapagpasaya sa akin” tumulo na ang isang butil ng luha ko
Nakatingin lang ako kay Ziara at nakatingin din siya sa akin
“Nahanap ko na siya. Ang babaeng ayaw ko nang mawala sa buhay ko. Ang babaeng nagpatibok ulit sa puso ko. Salamat Anna, Salamat sa lahat-lahat” madamdaming sambit ko
“Paano kung nandito ka pa Anna noh??. Buhay ka pa hanggang ngayon??. Ano kayang mangyayari sa inyong dalawa ni Aze??”
“Ikakasal na sana kami. Wala tayo dito ngayon, Ziara. Wala ka sa harap ng puntod niya ngayon” sagot ko naman sa kaniya
“Hindi mo'ko nakilala Aze. Hindi natin nakilala ang isa't-isa. Masaya sana ang buhay mo ngayon kasama siya”
“Noon hindi ko pa alam kung bakit namatay ko Zillianna. Pero ngayon alam ko na kung bakit. Para pagtagpuin tayong dalawa” sambit ko
Ilan segundong tumahimik...
“Aze???” isang pamilyar na boses ang nanggagaling sa likuran namin
Nilingon ko ito..
“Ikaw nga!!”
Si Tita Clara (mommy ni Anna) agad niya akong niyakap. Kumalas din siya
“Anong ginagawa niyo dito Tita??” Ani ko sabay upo niya
“Ah! Tita si Ziara pala. Ziara, si Tita Clara, mommy ni Zillianna” dagdag ko
“Good afternoon po Tita Clara. Nice meeting you po” ani Ziara at nagshakehands sila
“Good afternoon din Ziara, ang ganda mo”
“Salamat po” aniya at nagbitaw na sila ng kamay
“Tita, bibisitahin niyo po ba sina Anna??”
“Ah oo!. Ito na ang huling araw na makakabisita ako sa kaniya. Pupunta kasi kami ng France eh!”
“Ganun po ba. Sila Tito po?? At mga kapatid niya?. Sana sinama niyo na rin sila dito ngayon”
“Nakabisita na kasi sila kahapon. Ako na lang ang hindi. At tsaka, bukas na kami aalis” wika ni Tita Clara
“Huwag po kayong mag-alala. Palagi po naming bibisitahin dito si Zillianna ” sulpot ni Ziara
“Kilala mo anak ko??” takang tanong ni Tita sa kaniya
“Opo. Kinikuwento po siya sa akin ni Aze”
"Talaga??"
"Opo. Sayang nga po noh!??. Sana, kung buhay pa s-" di na naituloy ni Ziara ang sasabihin niya ng magsalita si Tita
"Let just forget the past iha. Na kahit kailan ay alaala na lang ang lahat talaga. Years na din naming natanggap" aniya kaya't napangiti ako
“Tama po kayo. Forget the past and magsimula ulit ng bago” dagdag ko
“At alam ko din na, may nagpatibok ulit niyan Aze” ani Tita sabay turo sa puso ko
At tumingin siya kay Ziara, sabay ngisi at balik tingin sa akin
“Tita, kayo naman po eh!”
“Tanggap ko na magmahal ka ulit Aze. Hindi talaga natin maiiwasan na Hindi magmahal. Pero tanggap ko lang, kung si Ziara ang mamahalin mo” aniya sabay hawak sa kamay ko
“Salamat sa suporta Tita” ani ko at ngumiti
“So, ibig sabihin. Tama ako??. Talaga??. I'm so happy for the both of you” ani Tita na parang teenager
“Tita Clara, hindi pa po kami” singit ni Ziara
“Ah basta!. Dadating din yun sa punto na yun!. Tsaka!. Huwag niyo akong kakalimutan kapag ikakasal na kayo ha!!. Kunin niyo akong ninang!!”
‘luh?!! Grabe c Tita??!!’
Ang dami pa naming pinagkuwentuhan. Iba-iba na lang. Hanggang sa, sumapit ang dilim at napagdesisyonan naming umuwi na
___________________________________
~~(DAY 39: SUNDAY: GABI)~~
Braze POV
Hindi kami magkasama ni Ziara buong araw ngayon kasi nag-family bonding sila. Namiss ko na nga siya eh!. Heheheh
Nandito pala ako sa garden, nagpapahangin lang. Wala kasi akong magawa. Ilan sandali pa'y napagdesisyonan kong pumasok na sa loob
Pagpasok ko sa loob ay sumalubong sa akin ang babaero kong ama
“Son! Kailangan nating mag-usap” aniya
Kaya't walang gana akong umupo sa sofa na nandito sa sala
“About dad?” Cold kong sambit
Umupo muna siya sa harap ko..
“About sa kasal mo”
Nagulat ako sa sinabi niya..
“WHAT!!!??. Anong kasal??” napakawala pa ako sa pagsasandal tapos ay napatayo pa
“Arranged marriage pala” aniya na ikinagalit ko tuloy
“ARRANGED MARRIAGE!!!??”gulat na gulat na tanong ko
“Yes son!. At ang babaeng papakasalan mo ay ang anak nila Mr. & Mrs. Buenavista. Si Franzie Buenavista”
Lalo pa akong nagulat sa sinabi niya
“WHAT!! SI FRANZIE!!?? Ni hindi ko nga mahal ang malanding babaeng yun!!”
‘Damn that girl!!. Heto ba ang plano niya???’
“Its good for our business son. Para sa business natin to!”
“BUSINESS, BUSINESS, BUSINESS. WALA AKONG PAKIALAM!!” Diin at galit na sambit ko
“Son, wala ka nang magagawa”
“Bakit?? Pinirmahan ko na ba yan??”
“Yes son!. Pumirma ka na”
“f**k!!”
May bigla na lang akong naalala..
__~FLASHBACK~__
Habang naglalakad ako sa hallway ay lumapit naman ang malanding babae to
“Hi my Aze!”
Huminto ako at hinarap siya..
“Ano naman Franzie!. Puwede bang, layuan mo na ako??”
“Lalayuan lang kita kung pirmahan mo ito” aniya sabay pakita sa akin kung ano man yun
“Promise. Lalayuan na kita. Hindi na ako magpapakita sa'yo. Hinding-hindi ko na kayo guguluhin ni Ziara” aniya
Dali-dali ko itong pinirmahan without reading kung para san yun
___~END OF FLASHBACK~___
Napasabunot na lang ako sa aking buhok nung maalala ko yun
“Gago ka Aze!!. Kasalanan mo ito!!” Galit na saad ko sa aking sarili at sinabunot ang aking buhok
“Ano son??”
“Hinding-hindi ako papayag dad!. May mahal na akong iba! At hindi si Franzie yun!!" Galit na ani ko at iniwan siya
____~END OF FLASHBACK~___