CHAPTER 19

1317 Words
~~AFTER TWO WEEKS~~ ___________________________________ Ziara POV Makalipas ang dalawang linggo ay nanligaw nga sa akin si Aze. Nanligaw din si na Mark at Vhince kina Blaire at Perlie Walang nagawa si Perlie dahil ang kulit ni Vhince. Ang ganda noh!? Ligaw stage pa kaming lahat na magkaibigan. Sino kaya ang unang magjowa sa aming tatlo. I think of that.. At si Franzie??? Himala at hindi na kami inaaway. Pag nakikita kami, ay walang emosyon siyang pinapakita. Ano kayang pinaplano ng babaeng yun?? “Ziara, ano? Tara na?” Nabalik ako sa realidad dahil kay Aze. Lalakad pala kami ngayon, ansabi niya. Kakain sa restaurant “Sige, tara na!” Ani ko Pinagbuksan naman niya ako ng pinto. Nagpaka-gentleman. Umikot namn siya at umupo sa driver seat. Nagseat-belt muna ako at ganon rin siya. Tapos pinaandar na ang sasakyan at pinaharorot ito ___________________________________ ~~Blaire POV~~ Pagkatapos ng klase namin ay inayaya ako ni Mark na may pupuntahan raw kami. Kaya pumayag na ako Nandito kami ngayon sa gilid ng kalsada kung saan makikita mo ang magandang view. Napakaganda talaga!. Lalo na at malapit na lulubog ang araw Ang ganda niya at sinamahan pa ng malamig na hangin. Pabundok na kasi ito dito kaya malamig at gumagabi na rin “Maganda ba??” Nabaling ang atensyon ko kay Mark “Super!!. Salamat Mark” ani ko at niyakap siya Napansin ko ding marami-rami din ang mga taong nandito. Lalo na at mag couples pa. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya “Uhmm Mark??” ani koo at tumingin ng deritso sa mga mata niya “Yes my Blaire” Pag tinawag niya akong ganiyan. Kinikilig talaga aketch. Heheheh “Mark. Sinasagot na kita” “Ha??” “Sinasagot na kita. Oo na! Tayo na!” Ani ko pero hindi pa din nagbago ekpresyon sa mukha niya “Pakisabi nga ulit. Hindi ko nadinig eh!” Aniya. Lumapit pa siya medyo sa akin “Oo na!!. Tayo na!!. Mark Jay Velasquez!!” Sigaw ko kaya't ngumiti siya “Kanina ko pa nadinig eh. Hahahah” “Bahala ka nga!. Babawiin ko na lang ang sinabi ko” tatalikod na sana ako Pero nagulat na lang ako ng buhatin ako neto at inikot-ikot pa. Sabay sigaw'ng: “YEHHEEY!! OOOOHH!!” Sigaw niya na halos lahat ng tao ay nakatingin na sa amin “Ibaba mo'ko hoy!. Nahihilo na ako” ani ko at huminto naman siya at ibinaba ako “Salamat Blaire. Ako ata ang pinakamasayang tao sa mundo ngayon. Pinasaya mo ako” “Mas pinasaya mo ako Mark. Deserve mo. Salamat” pagkasabi ko nun ay niyakap niya ako ng sobrang higpit “I love you Mark” “Maniniwala lang ako kapag isigaw mo” aniya kaya't kumalas ako at binatukan siya “Kakahiya niyang ipapagawa mo. Andaming tao oh!” “Sge na!. Huwag mo na lang silang pansinin” aniya na nakapout pa “Pasalamat ka't mahal kita” sabi ko. Ngumiti naman siya Humarap na ako sa magandang view “MAHAL NA MAHAL KITA MARK JAY VELASQUEZ!. WALANG MAKAKAPAGPABAGO NUN” sigaw ko kaya't halos lahat ng tao ay tumingin sa gawi namin Wala akong pakialam! Eh, mahal namin ang isa't-isa eh! “MAHAL NA MAHAL NA MAHAL DIN KITA BLAIRE ROSE SUAREZ!!” sigaw din niya kaya't niyakap ko na lang ito Napatingin ako sa kalangitan, sunset na pala. Dali-dali naman akong kumalas kay Mark “Magpicture tayo Mark, dali!!” ani ko at kinuha ang cellphone ko At pumwesto na kaming dalawa. Si Mark ang naghawak ng camera “1 2 3 smile!!” aniya kaya't nagsmile kami “Sge ikaw naman ang kunan ko. Tapos ako na ang susunod” aniya Kaya't pumosing na ako dito. Pake mo?? Pagkatapos ko ay siya naman ang kinunan ko. Nagmala-model pa ito. Hahahah ___________________________________ ~~Vhince POV~~ Nandito kami ngayon ni Perlie sa milk tea shop nila “Salamat po Tita” ani ko at kinuha kay Tita ang milk tea “Salamat din iho” aniya at ngumiti. Ngitian ko din siya Bumalik na ako kay Perlie habang dala yung dalawang milk tea. Paglapit ko sa kaniya ay may tinitingnan itong picture sa cellphone niya, kaya dumaan ako sa likod niya para makita ko kung sino man yung nasa picture Pagtingin ko dun sa picture ay isang lalaki. Gwapong lalaki. Pero mas gwapo pa din ako noh??. Umupo na ako, sa harap niya “Siya ba yung dahilan, kung bakit ayaw mong magpaligaw sa akin??” ani ko. Dali-dali naman niyang tinago ang phone niya “Hindi. Huwag mo na lang yun isipin” aniya at kinuha ang isang milk tea sa akin “Sino ba ang lalaking yun??. Puwede ko ba siyang makilala??” Hindi siya makapagsalita. Na para bang, iniisip pa niya ang sasabihin niya Ilan sandali pa'y may tumawag sa dala niyang tablet. Sinagot naman niya ito agad [Hi my princess!] “Hi daddy!! Buti at napatawag po kayo! Hindi po ba kayo busy diyan??” [Hindi naman. Magpapahinga na nga ako] Napagdesisyonan kong lumapit sa kanila para mangamusta naman kay Tito “Hi Tito!. Naaalala niyo po ba ako??" Ilan segundo pa siya bago nagsalita... [Wait...Nagkakamali ata ako. Ikaw ba yan Vhince??] “Opo Tito, ako po ito” [Grabe, ang laki mo na!. Ang binata mo na!. Natatandaan ko pa nun, nung umalis kayo ay ang liit-liit mo pa] “5 years old pa lang ako nun. Hahahah” [Nililigawan mo ba anak ko??] "Dad!!" suway ni Perlie Napatawa na lang ako.. “Opo. Pero itong anak niyo eh!” [Huwag naman ganun our princess. . O siya!, asan pala mommy mo. Gusto ko siyang makausap] “Sige po daddy. Teka lang po” Kumaway muna ako kay Tito bago sila umalis at pinuntahan si Tita Pagkaalis nila ay naiwan pala ni Perlie ang phone niya. Kaya agad ko itong kinuha. Buti na lang at walang password Tiningnan ko kaagad yung gallery. And I see. Yung picture ng lalaki na tinitingnan ni Perlie kanina. At tsaka, andaming pictures niya ‘Sino ba talaga ang lalaking 'to?? Ka ano-ano siya ni Perlie??’ ___________________________________ ~~Ziara POV~~ Habang nag-oorder si Aze at naiwan naman akong mag-isa dito. At parang may mali eh!. Yung feeling btaw na may nakamasid sa akin?? Amin?? Pagtingin ko dun sa labas dahil makikita ko lang ito dahil glass ay may nakita akong isang tao na nakajacket at cap. Hindi ko alam kung babae ba siya o lalaki dahil sa suot niya at madilim pa sa parte niya Para siyang may tinitingnan. Minamasdan. Binabantayan. Ewan!. Nang nakita niyang nakatingin ako sa kaniya ay agad itong nagtago sa malaking puno “Weird!” bulong ko "Ziara?? Okay ka lang ba??" Nabaling ang atensyon ko kay Aze. Kadadating lang pala niya. Mukhang tapos na siya mag-order "Ah, oo. Naaliw lang ako sa labas" ani ko at umupo na siya sa harap ko ___________________________________ ~~Blaire POV~~ Katatapos ko lang I post ang mga pictures namin ni Mark kanina. Sa f*******:, i********: at nag-update na ako sa Twitter. Tatlo talagang apps noh??!!. Para malaman sa lahat na may boyfriend na ako. At wala nang aagaw pa kay My Mark, dahil akin lang siya. Chaaarr! At ito ngayon, tulog na tulog. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha Ilan segundo din akong tinitigan siya ng... "Tapos ka na bang titigan ang gwapo kong mukha??" Nagulat na lang ako ng magsalita siya.. "Gising ka??" "Kanina pa. Hahahah" aniya at tumawa pa "Bahala ka nga lalaki ka!!" Tatayo na sana ako pero nahila niya ako at magkatabi na kami sa maliit na sofa "Dito ka lang. Tabi tayo" "Hoy! Mahuhulog ako!!" "Matagal naman talaga akong nahulog sa'yo" Umaaay!! Kinilig ako dun ha!!! Wala akong nagawa. Niyakap ako nito ng mahigpit para hindi ako mahulog Waaaahhhhh!!!. Ang swweet ng jowwwaa koooo!!. Ang ggggwwaappo paaaa. Whaaaaaahhh!!. Maghanap din kayo ng jowa niyo. Hahahah ____~END OF CHAPTER 19~____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD