___________________________________
Ziara POV
Nandito na naman ako sa bahay nila Aze. Grabe, baka masanay na ako na palaging nandito. Si Aze kasi, pinilit niya ako. Tutulungan ko raw siya sa pag-aaral
At eto ngayon!. Nandito kaming dalawa sa library nila. Grabe may library pa talaga dito sa bahay nila noh?. Sana ol mayaman
Tiningnan ko si Aze, busy ito sa pag-aaral. Ang boring naman. Tapos na kasi akong mag-aral, kagabi pa. Si sir kasi eh!. May pa quiz-quiz pa
Tumayo na lang ako at kukuha ng ibang libro na mababasa para hindi naman maboringan ako noh!. Lumapit ako sa bookshelf
May nakita akong magandang libro dun sa may itaas. Naghagdan na lang ako dahil may hagdan akong nakita sa gilid. Di ko sinabing pandak ako noh?? Sadyang mataas lang talaga siya
Hindi ko pa man yun naabot ay biglang na out of balance ako. At, mahuhulog sana pero, sa iba ako nahulog
Nasalo ako ni Aze....
Nagkatitigan lang kami habang buhat-buhat niya ako ng pang bridal-style
?Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto, ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Sa'yo lang ang puso ko?
‘Putekk!! Ang gaganda ng mata niya!! Ang gwapo ni Aze. Pero MAS pag tinitigan mo. I love this man nga ba??’
Ng matauhan ako ay agad akong bumaba
“Salamat Aze” ani ko at nahihiyang tumingin sa kaniya
‘Ngayon ka pa balak mahiya Ziara???’
“Welcome” aniya kaya't nilagpasan ko na lang siya
Pero nahawakan niya ang kamay ko. At magkaharap na kami ngayon
“Ziara, meron akong gustong sabihin sa iyo” seryosong sambit niya
Hinawakan muna niya ang dalawang kamay ko bago nagsalita
“Ziara. Alam ko nung una, magkaaway pa tayo. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit ito ang nararamdaman ko. Ziara sana tanggapin mo. Gusto at Mahal kita”
Hindi ako makapagsalita. Ni isang salita sa bibig ko ay walang lumabas. Hindi ako makapaniwala
“Ziara Nicole Tuazon. Papayag ka ba na liligawan kita???”
Ilan segundo pa bago ako nakapagsalita..
“Oo! papayag ako Aze na sa ligaw stage pa tayo” sambit ko. Niyakap naman ako neto ng sobrang higpit
“Promise ko sa'yo. Gagawin ko lahat, makuha ko lang ang matamis mong oo”
“Nakakasiguro ka bang sasagutin kita??” Ani ko. Napahiwalay naman siya sa pagkakayakap sa akin
“E di, di na lang ako manligaw. Kung busteden mo lang ako. Sayang pinaghirapan ko”
Ang arte din neto noh!
“Ikaw naman! Hindi mabiro. Joke lang yun!” Ani ko kaya'y ngumiti siya
“O cya!. Mag-aral muna tayo!” ani ko at bumalik sa pagkakaupo
___________________________________
Kanina pa itong ngiti² si Aze hanggang sa matapos na kami mag-aral. At hanggang ngayon, nakangiti pa din siya habang nakaakbay sa akin. Kung makaasta siya ay parang sinagot ko na siya. Papunta kami ngayon sa kusina nila
Pagpasok namin sa kusina ay nandito pala si Blaire, mukhang nagbebake. Nagbake talaga
“Hi kuya, Hi Ara! Nandiyan pala kayo!” aniya sabay lagay sa oven nung binake niya
“Hi my little sis!” ani Aze at inalis na yung kamay na nasa balikat ko
“Hello Blaire!” sambit ko sabay upo sa upuan na nasa harap niya
“Wait.. Is that you Ara?? Ang laki ata ng pinagbago mo???” Gulat na gulat na tanong niya
“Grabe ka naman Blaire. Hindi naman masyado"
“Totoo Ziara ang sinabi ni Blaire” sulpot ni Aze na nagsasalin na ngayon ng tubig
“Wait..Napansin ko yatang kanina ka pa ngumiti-ngiti kuya. Is there something good happen to you??”
Ngunit ngitian lang siya ni Aze. Kaya iniba ko na din ang usapan
“Blaire, mukhang ansarap ng niluto mo ah!!?” Pag-iiba ko
“Talaga lang! Para sa akin yan eh!” Singit ni Mark at lumapit kay Aze na umiinom ngayon ng tubig
“Mukhang ansaya ng araw natin ngayon bro ah!” aniya paglapit niya kay Aze
“Nah!. Wala ka nang paki don. Its my life” sagot naman ni Aze tapos ay lumabas ng kusina pero sinundan ito ni Mark
“Grabe ka naman bro! Share lang naman eh!” dinig naming sambit ni Mark bago tuluyang makalabas. Napatawa na lang kami ni Blaire sa kanilang dalawa
“Ara??”. Nabaling ang atensyon ko kay Blaire
“Ano yun??”
“May nangyari ba sa inyo ni kuya, kaya't ngiti-ngiti cya??”
“Nangyari?? Wala!!. Pinayagan ko lang siyang manligaw!”
“Yun lang pala eh!. Akala ko sinagot na. Di bale, congrats Ziara” aniya na ipinagtataka ko
“Congrats?? Hindi pa nga kami!”
“Congrats dahil, nagawa mo. Nagawa mo ang, paibigin ulit si kuya. Nagmahal ulit siya. Alam ko Ara na ikaw na yung babaeng matagal ko nang hinahanap. Kaya salamat Ara, salamat”
“At sana. Alam ko na mas masasaya pa siya kapag sinagot mo na siya. Make him happy Ara. Para mas lalo na siyang makawala sa mundong pinanggalingan niya” makabuluhang sambit ni Blaire, pero naiintindihan ko naman
Hindi na ako nakapagsalita at ngitian lang siya ng pilit
___________________________________
Nandito kami ngayon lahat, kasama sina Vhince at Perlie. Dumating lang sila kanina lang. Palagi ngang nag-aaway ang dalawang toh!
“Aze!. Isang tugtug naman oh!” sambit ni Vhince
“Nah!. Huwag na!!”
“Sige na bro!. Isa lang din naman!” dagdag pa ni Mark
Wala siyang nagawa kundi sinunod sila. Kinuha muna niya yung gitara at umupo sa walang sandalan na upuan na nasa harap naming lahat at nagsimulang nagpatugtug
?Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you?
“Grabe ngayon ko lang ulit narinig si kuya na kumanta at naggitara” napatingin ako kay Blaire ng magsalita ito sa gilid ko
?Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you??
“Talaga??” ani ko habang kumakanta pa din si Aze
?Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be?
“Oo. Simula nung mamatay si Zillianna ay ayaw na raw siyang magpatugtog at maggitara pa” aniya kaya't tumango ako at pinakinggan na lang si Aze
?Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you?
?Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be?
?Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you?
?For I can't help falling in love with you?
Natapos na nga siya at pumalakpak naman kami lahat
“Ang galing-galing mo pa din kuya” manghang sambit ni Blaire
“Parang walang iniba ah!” bati naman ni Vhince
___________________________________
Hanggang sa nagkasiyahan na nga talaga sila. Nag-iinom na ang mga boys sama kami. Pero, konti lang ang ininom ko
“O siya tama na yan!. May klase pa tayong lahat bukas!” sambit ko sa kanilang lahat
“Oo nga tama na toh!. Baka malasing pa kayo masyado” ani Perlie
Buti na lang at nakinig sila sa amin
Pagkatapos nung kasiyahan namin ay umuwi na din kami. Ihahatid sana ako ni Aze pero sumabay na lang ako kay Perlie. Madadaanan lang din naman niya ang apartment na tinitirhan namin
____~END OF CHAPTER 18~____