CHAPTER 17

1286 Words
___________________________________ –Aze POV– Napapatawa na lang ako habang pinagmamasdan-masdan ang pictures namin kahapon ni Ziara. Sobrang ganda nga niya Hanggang sa bumaba ng hagdan si mom... “Bye mga anak!! Mag-ingat kayo dito palagi ha!?” aniya at humalik sa pisngi namin ni Blaire “Mom, hanggang kailan po kayo busy sa work niyo” malungkot na sambit ni kapatid at kumapit sa bewang ni mommy “Sorry anak kung palagi akong busy. I hope na you understand. Promise, babawi ako sa inyo ng kuya mo” Tumayo ako at lumapit sa kanila “Uhm ma??” nakita ko namang tumingin siya sa akin “Yes my son” “May sasabihin sana ako sa inyo” Hindi ko alam kung eto na ba yung tamang panahon para sabihin sa kanila. Yung nakita ko kahapon “Kasi ma-” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bumaba ng hagdan ang walanghiya kung ama “Ano yung sasabihin mo anak??” Ani mommy, lumapit naman si papa sa kaniya “Wala po ma. Sa susunod na lang po” sabi ko na lang “O sige Mauna na kami ng daddy niyo ha??” “Bye sweetheart” ani daddy at humalik sa pisngi ni Blaire Hahalikan niya sana ako sa pisngi. Pero umiwas ako at hinalikan si mommy sa pisngi. Alam kong nagtataka siya. Bahala siya sa buhay niya. Tapos ay umalis na din sila Sa kanilang dalawa ay mas bet ko si mommy. Kahit pagod na pagod na siya ay nagawa pa niyang kamustahin kami minsan. Si daddy naman ay minsan hindi dito sa bahay natutulog. Alam kong pupunta siya sa babae niya Bumalik na ako sa pagkakaupo... “Hi bro!!” Pamilyar na boses. Walang iba kundi si Mark. Hinarap ko ito ___________________________________ Mark POV “Mark!. Napadaan ka??” ani Aze at tumingin sa akin Mabuti na lang at iba na ang pakikitungo neto sa akin. Minsan kasi magagalit siya kapag nandito ako. Mabuti na lang ngayon “Nope. Bumisita talaga ak-” di ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ko si Blaire “Hi Blaire!. Nandiyan ka pala” ani ko at umupo sa tabi niya “Hello Mark. Buti bumisita ka dito” aniya “Ikaw naman talaga ang pinunta ko dito. Good morning my beautiful Blaire” ani ko at kumindat sa kaniya tapos ay umakbay Hala!! Namumula na siya!!. Ang cute niya! “Ikew nemen. Nambola pa” papabebe pa niya. Ang cute talaga niya “Maglalandian lang ba kayo diyan??” Singit ni Aze “Inggit ka lang! Maghanap ka din ng kalandian mo!!” Napatawa na lang ako sa kanila.. Magkapatid nga talaga “Tsk! Kahit maghalikan pa kayo diyan! Wala akong pakialam!!” Ani Aze “Ok lang ba bro!? Puwede ko na bang halikan ang kapatid mo??” tanong ko sa kaniya “Bahala kayo sa buhay niyo!!” ani aze at umakyat na sa itaas “Bitter ka lang!!” Sigaw ni Blaire sa kuya niya. Ngunit hindi ito pinansin Humarap muli ako kay Blaire.. “So… Puwede ba??” Nakangising tanong ko “Bawal pa!!” Aniya sabay hampas ng unan sa akin “Sge na!. Isa lang!” Ani ko ngunit inirapan niya lang ako ___________________________________ Perlie POV Saktong paglabas ng kuwarto ko ay may nagdoorbell. Kaya pinuntahan ko na ito. Hindi kalakihan ang bahay namin, sakto lang siya Kapitan ng barko si papa kaya paminsan-minsan lang siya umuuwi. Si mama namn ay nagmamanage ng maliit na tindahan namin sa milk tea shop. Soon, ako na ang magmamanage nun Pagbukas ko ng gate ay nagtaka na lang ako dahil si Vhince ang nakita ko. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking toh dito? “Hi! My beautiful Perlie” aniya naka ngisi Inaamin kong gwapo siya. Pero, may saltik ata ito sa utak eh! “Anong ginagawa mo dito, Vhince” walang emosyong sambit ko habang naka crossed-arm “Bisitahin ko lang ang future asawa ko” aniya at ngumisi ulit “Paano mo pala nalamn ang bahay namin??” tanong ko ulit “Matagal ko namang alam ang bahay niyo eh!” Magsasalita pa sana ako ng biglang sumulpot si mommy sa likod ko “Anak, papasukin mo siya” aniya kaya wala akong nagawa kundi pinapasok ang mokong ____~SA LOOB NG BAHAY~____ Nakataas kilay lang akong tumingin kay Vhince habang naka crossed-arm pa din. Kanina pa kasi ako tinititigan neto Hindi ko alam. Pero umiinit ang dugo ko kapag nakikita ko ang lalaking ito. Pashneia!! “Wala bang ni isa sa inyo ang umimik diyan!?” ani mommy na kagagaling lang sa kusina At ito namang mokong nagpresinteng kinuha ang dinadala ni mommy na meryenda. Tapos ay tumabi sa akin si mommy “So Vhince ikaw yung batang kaaway dati ng anak ko, diba?” pagsisimula ni Mommy “Opo, ako po yun” Kaya pala umiinit ang dugo ko kapag makikita ko siya. Siya pala ang mortal enemy ko nung bata pa kami. Kaya pala sinabi niya kanina na matagal na niyang alam ang bahay namin “So, kumusta na ang mga magulang mo?” “Ok lang naman po sila” “You can call me Tita, or puwede lang din namn kung mommy na” “Ma!!” suway ko kay mama. Sumobra na kasi “Ok po, Tita na lang po” (Tsk! Feeling close!) ___________________________________ Vhince POV “Uhm, Tita??” ani ko na kaagad Nakuha ko ang atensyon niya “Yes Vhince?” Tiningnan ko muna si Perlie, nakikinig lang ito sa pinag-uusapan namin “Sa inyo na lang po ako hihingi ng permisyo. Ayaw kasi ng anak niyo” “Sige. Ano ba yun??” aniya na parang excited “Can I court your daughter??” “WHAT!!” sigaw ni Perlie sabay tayo pa. Pinaupo ito ni Tita “Yes iho. Payag na payag ako” nakangiting sambit ni Tita Alam ko namang papayag agad si Tita eh!. Botong-boto kaya siya sa akin “Mommy!! Bakit pumayag kayo??. Hindi nga ako magpapaligaw sa lalaking yan!” “Ano ka ba anak. Tatanggi kapa ang gwapo-gwapo na nga nung nanligaw sa'yo oh!. Pa ayaw-ayaw ka pa diyan!. Samantalang ako noong kabataan ko pa, ang papangit ng nanligaw sa akin. Syempre!. Except ang daddy mo!” “Bahala nga po kayo diyan!!” saad ni Perlie at pumasok sa silid niya “Pagpapasensyahan muna yun ha??. Kukumbinsihin ko yun!. Alam mo namang botong-boto ako sayong bata ka, diba??” “Maraming salamat po talaga, Tita” “Walang anuman yun, iho. Basta ikaw!” See! Botong-boto sa akin si Tita noh!! Matagal na kasi namin silang kakilala. Nung bata pa ako ay dito ako nakatira sa village na ito. Naging magkaibigan rin sina Tito, Tita nila Mama at Papa Pero kami ni Perlie ay magkaaway. Inaasar ko nga siya palagi noon. Kaya ayaw niya sa akin. Pero, its just a joke lang yun lahat Hanggang sa lumipat na nga kami ng bagong tirahan. Sobrang lungkot ko nun kasi, hindi ko na makikita si Perlie. Hindi ko na siya maaasar. Hahahah Kaya nangako ako sa sarili ko. Na babalik ako dito. Hahanapin ko siya. Para may maasar ulit. Joke! Si Perlie ang first love ko, tumibok ang puso ko nung una ko siyang nakita. Nakakatawa noh??. Kaya hindi ko sinabi sa kaniya kasi masyado pa kaming mga bata Kaya nga inaasar ko siya kasi, nagpapansin lang ako sa kaniya. Hahahah. Kaya ngayon, handa na akong aminin sa kaniya ang totoong nararamdan ko Handa na akong ligawan at mahalin siya ulit ng buong puso ko. Pinapangako ko Perlie, hindi ko na hahayaan na magkalayo pa tayong dalawa _____~END OF CHAPTER 17 ~____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD