____________________________________
—ZIARA POV–
Its Friday wala kaming pasok ngayon. Nabasa niyo naman kahapon diba??.Nandito ako sa kuwarto namimili ng damit na susuotin
Alam niyo ba kung saan ako pupunta???
Ang mokong na si Aze ay nagyayang magmall raw kami ngayon. Pumayag na lang ako, dahil wala naman akong gagawin dito sa bahay. Kung hindi naman ako papayag ay pipilitin lang ako nun
Ilan sandali pa'y bumaba na ako. Naka simpleng damit lang ako noh!?. Ganito lang din namn ako manuot. Hindi katulad sa ibang babae diyan na halos makita na nila ang tinatago nila
“Ate, saan ka pupunta??” Tanong ni Zhake na mukhang nag-aaral ata paglabas ko ng kuwarto
“May nagyaya lang, gagala raw kami. Pakisabi na lang kay mama. Btaw? Asan si mama??” balik kong tanong nung nakita kong wala si mama
“Nagpapahinga na. Pumasok naman si papa sa trabaho niya” aniya
Tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha
√Aze: nandito na ako sa labas √
Text ni Aze. Nagpaalam muna ako sa kapatid ko bago lumabas sa apartment na tinutuluyan namin
Paglabas ko ay kotse agad ni Aze ang nakita ko. At si Aze ay nakasandal sa kotse niya habang nilaro-laro ang susi
“Nandiyan ka na pala Ziara ko” aniya at ngumiti
My heart beat fast again. Ang gwapo niya kapag ngumiti. Ano bang pinagsasabi ko??. Erase...Erase...Erase
“Tabi nga diyan!. Sasakay na ako” ani ko at sumakay na sa kotse niya. Umikot naman siya at sumakay sa driver seat at pinaandar na
___~MALL~___
Walang umimik sa amin kanina ni Aze habang nasa biyahe kami. Hanggang makarating kami dito sa mall
Pagbaba namin ay inakbayan naman niya ako kaagad
“Alisin mo nga 'yang kamay mo!” reklamo ko at sabay alis sa kamay niya. Pero, binalik niya ulit
“Alisin mo!” reklamo ko ulit habang papasok kami sa mall
“Sige ka. Isa pa. Hahalikan talaga kita dito sa maraming tao”
“Kung kaya mo”
Nagulat na lang ako ng huminto siya. Kaya't napahinto na din ako
Anong gagawin niya???. Totohanin ba niya ang sinabi niya??
Lumapit naman ito sa akin. As in, sobrang lapit
“Ok sige na!. Hindi na!” singhal ko at lumayo naman siya na nakangisi
Gago talagang lalaking toh noh!!
Binalik namn niya yung kamay niya. Ang awkward lang kasi. Pero teka, saan ba kami mag-uuna neto???
“Uy Aze, saan ba talaga tayo pupunta neto??” Ani ko habang naglalakad kami
“Secret. Malalaman mo rin, pagdating natin” aniya at nagpatuloy na kami sa paglalakad
Hanggang sa huminto kami sa harap ng isang salon. Wait... Salon???
____________________________________
Braze POV
“Nandito na kami sa labas” ani ko sa katawag ko
[Sige po Sir. Excited na din ako] aniya kaya't binabaan ko na ito ng tawag
“Aze, anong ginagawa natin sa salon???”
“Bibili siguro ng damit para suotin mo” pamimilosopo ko kaya't inirapan niya lang ako
Ilan sandali pa'y dumating 'yung dalawang bakla
“Sir Aze!! Eto na ba siya??” excited na sambit nung isang bakla
“Oo siya ang sinasabi ko sa inyo. Make sure na matutuwa ako sa gagawin niyo sa kaniya”
“Sure na sure Sir! Di namn mahirap pagandahin ang girlfriend niyo, kasi maganda naman siya” sambit naman nung isa pang bakla
“Wait lang.....Girlfriend??. Hindi kami magjowa ah!!” Singit ni Ziara
“Basta!!. Bagay na bagay kayo ni Sir Aze oh!!. Diba bakla???” ani nung isa sabay tingin sa isa
“Yes na yes!” wika nung Bakla2 at nag-apir pa sila
“O siya sige na. Simulan niyo na ang nararapat niyong gawin” sambit ko
“Okay sir!" sabay sambit nung dalawa sabay hila nila kay Ziara
“Uy Aze!! Anong gagawin nila sa akin???” Ani Ziara kaya lumapit ako sa kaniya
“Huwag kang mag-alala Ziara ko. Hindi ka naman nila kakainin ng buhay. Diba???” Ani ko sabay tingin sa dalawang bakla ta's balik kay Ziara
“Yup!!" sambit naman nila at with kilig-kilig pa
Umalis na ako sa kanila. Tinawag man ako ni Ziara ngunit hindi ko pinansin
___~FAST FORWARD~___
Ziara POV
Magdadalawang oras na ata ako dito sa loob ng salon. Tiningnan ko yung orasan. 10:24 pa pala.
Ang dami-dami nilang ginawa sa akin. Hindi ko alam kung anong tawag sa mga yun. First time ko lang kasing magparlor. Gustuhin ko man pero, walang pera eh!. Tinitipid
“Wow! Ang ganda mo pa lalo”
“Sge. 1 2 3. Ayan!!” sambit nung isang bakla sabay ikot at nakita ko na ang sarili ko
Isa lang ang masasabi ko. W_O_W_. As in! Ang ganda kooo!!!. Light make up lang ang nilagay nila. Tapos bagsak na bagsak na ang buhok ko na hanggang dibdib ang haba
“Pak na pak!!. Lalong maiinlove nyan sayo si Sir Aze!!”
“Ang galing talaga natin! Bakla!!”
Yan na lang ang ipangalan ko. Hindi ko namn alam ang pangalan nila
“Hindi pa dyan nagtatapos ang lahat!. May isa pa kaming gagawin sa iyo!” sabi nung isa na ipinagtaka ko
“Ano??. Eh, sakto lang naman ito lahat”
____________________________________
Braze POV
Bumili lang ako ng mga gusto at kakailanganin kong bilhin. Nag-ikot-ikot na din ako dito sa loob ng mall. Kaya ngayon ay nandito ako nakaupo, napagod kasi ako sa paglilibot
Ilan sandali pa'y....
[Hello Sir Aze. Tapos na po kami sa lahat. Puwede ka na pong bumalik dito] excited na sabi niya
“Sige. Salamat sa lahat”
[You're always welcome po Basta para sa iyo]
Ibinaba ko na yung tawag at tumungo dun sa salon na pagmamay-ari ni Tita (kapatid ng Mama ni Anna)
Well, kilala ko yung dalawang bakla na yun dahil narin dun kami minsan naglalaro ni Anna nung mga bata pa kami. Memories bring back talaga
Pero, simula kahapon. Kapag naaalala ko yung mga alaala naming dalawa ay ngingiti na lang ako. Hindi parehas nung una na umiiyak ako
‘Talaga bang nakamove-on na ako??. Siya na ba ang nagpatibok ulit sa puso ko??’
Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa tapat nung salon. Pumasok na ako dito
Habang nagbabayad ako dito sa counter ay biglang....
“Hoy Aze!!” Boses ni Ziara na nangagaling sa likuran ko
Napanganga na lang ako sa kaniya. Inaamin kong mas lalo pa siyang gumanda. Bagay na bagay sa kaniya ang binili kong damit para sa kaniya
Heart beat fast....
‘At ang mga ngiti niya. Makakainlove!. Mahal ko na nga talaga siya. Noon pa’
“Sir Aze!. Ok lang ba kayo?? sukli niyo po”
Nabalik na lang ako sa realidad sa nagsalita. Yung casher pala.Dali-dali kong kinuha yung sukli
Lumapit naman yung dalawang bakla sa akin..
“Ano Sir Aze, magaling ba kami??”
“O-oo. Salamat” ani ko na hindi pa din iniiwas ang tingin kay Ziara na nakangiti sa akin ngayon
____________________________________
Ziara POV
Pagkatapos namin sa salon ay kumain na kami. Nagugutom na kasi talaga ako
Nandito kami ngayon sa isang kainan sa loob ng mall. At itong si Aze, kanina pa titig na titig sa akin
“Kanina ka pa Aze ha!. Bakit mo ba ako tinitigan??” ani ko at tsaka kumain
“Wala gusto ko lang”
“Sira ka talaga e noh!?” ani ko ulit at nagpatuloy na sa pagkain
“Aze, salamat pala ha. Salamat kasi, pinaganda mo ako. Bakit mo pala ako pinaganda??”
“Bayad ko sayo. Kahapon. At nandiyan ka palagi Ziara”
“Ano ka ba! Okay lang yun noh!!. Ang importante ay unti-unti ka nang nakamove-on sa kaniya” ani ko at ngumiti sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain
____________________________________
Braze POV
Habang tinitigan ko si Ziara na hindi ko alam kung bakit ay may naagaw ng atensyon ko
‘Si papa, may kalandiang ibang babae’
Unti-unting sumikip ang dibdib ko. Naikuyom ko na ang mga kamao ko. Gusto ko mn silang puntahan, pero. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon
‘Kaya pala, palagi kang wala sa bahay dad. Nakipaglandian ka pala sa kabit mo’ galit na saad ko sa isipan
____~END OF CHAPTER 16~____