____________________________________
Braze POV
Nandito kami ngayon, ng mga loko kong kaibigan sa rooftop. Dito talaga ang tambayan namin eh!
“Uy bro!, tingnan mo 'to!” Ani Vhince at ipinakita sa akin ang video
Tungkol sa performance namin ni Ziara kahapon. Tsk!. At talaga pang may kumuha ng video
“Ang sikat niyo na bro oh!!. Talaga bang kayo na ni Ziara???” dagdag naman ni Mark
Hindi ko na siya sinagot, at tumahimik na lang. Nonsense things!
“Bat di ka sumagot bro!. Totoo ba?? Tama nga ako eh!, may magpapatibok ulit sa puso mo"
Hindi ko na sila pinakinggan at umalis na. Iniwan ko na sila don. Pero, sumunod pa din sa akin
“Bro, pupunta ka ba kay Ziara??? Sama ako, baka kasama niya my love ko eh!, si Perlie” ani Vhince sabay akbay sa akin
“Ako din bro, Baka kasama niya din kapatid mo, my bebe Blaire”
“Bahala nga kayo” ani ko at nagpatuloy sa paglalakad
____________________________________
Ziara POV
Nandito kami ni Perlie at Blaire sa cafeteria, kumakain. Ilan sandali pa'y dumating sina Aze, kasama yung mga kaibigan niya. Mark at Vhince ata yung pangalan
“Hey guys!!” sambit nung Vhince sabay tabi kay Perlie at inakbayan pa ito
“Kumusta ka My loves” dagdag niya. Pero hindi ito pinansin ni Perlie
Kumuha naman ng upuan sina Aze at Mark. At nasa left side ko si Aze, nasa right side naman ni Blaire si Mark
“Ano na bes, tambalang ZiarAze ang sikat na ngayon sa school” pangunguna ngayon ni Perlie
“Enemy goes to love talaga” sabat naman ni Mark
“ZiarAze?? Tsk! Ang panget” saad ni Aze
“Isa pa, hindi naman kami ni Aze. Ano ba kayo!. Diba Aze??” Ani ko sabay tingin kay Aze, ta's balik sa kanila
“Hindi pa kayo ni kuya??” saad ni Blaire kaya tumango ako sa kaniya
“Anong hindi!. Eh, ano yung kissing scene niyo kahapon??” singit naman ni Vhince
“Don't tell me na, parte yun ng plano niyo sa performance. Hindi talaga ako maniniwala”
Wala ni isa sa amin ni Aze ang nagsalita. Buti na lang at nakaisip ako ng paraan para makaiwas
“Wait sa ha, bibili muna ako ng water bottle” pagdadahilan ko para makaiwas. May sinabi pa sila ngunit hindi ko ito pinansin
“Ako na Ziara” tumingin ako kay Aze ng hawakan niya ang kamay ko
“Its okay. Kaya ko naman” ani ko at nilagpasan na sila
Nakadalawang hakbang na ako para bibili sana ng may nakabangga ako at yung iinom niya ay natapon lahat sa uniform ko. Parang sinadya talaga eh!!
“Ooppss!!. Sorry”
Tatayo na sana si Aze pati na si Perlie ng pigilan ko ito at sabay sabing:
“Kaya ko na ito. Ako na ang bahala” bumalik naman sila sa pagkakaupo at tumingin ako kay Franzie
“Sorry I didn't see you. Or, ikaw tong hindi tumitingin sa daan. Puro ka kasi landi. Ay!, nagkamali pala ako. Lampa pala. Hahahah” aniya at tumawa din ang mga alipores niya
Tatayo sana ulit si Aze pero pinigilan ko ito
“Oh! Babe!. Nandiyan ka pala. Kasama mo pala itong ms. Mang-aagaw na ito” aniya sabay ngisi ng nakakaloko
“Kung maka-babe ka, parang ikaw ang GIRLFRIEND NI AZE” ani ko at diniin pa ang salitang yan
“Bakit?? Hindi ba?? BOYFRIEND ko naman talaga siya. Ang assumera mo naman. Wala namang kayo" sabi niya pa
“Franzie Franzie Franzie. Siguraduhin mo munang BOYFRIEND MO SIYA. At anong sabi mo??? Ako, assumera???. O baka ikaw!??. Tingnan na lang natin” ani ko with halong pang-aasar tone
“Mahal, Aze. Halika nga dito” ani ko at lumapit naman si Aze sa akin
Pagkalapit niya ay pinulupot ko kaagad ang aking kamay sa bewang niya
“Mahal, kilala mo ba ang babaeng yan??” Ani ko sabay tingin kay Franzie ta's balik kay Aze na nakatitig pa pala siya sa akin
“Girlfriend mo ba siya??? Mahal mo ba siya???” Dagdag ko
Nagulat na lang ako ng bigla akong hinalikan ni Aze. Smack nga lang. Nagulat naman si Franzie, pati mga kaibigan namin at mga studyante dito sa loob ng cafeteria sa ginawa ni Aze
“Nope. Ikaw lang ang girlfriend ko, my princess. Ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba pa” aniya at ngumiti sa akin
“Ang sweet-sweet mo naman. Kaya nga mahal kita eh!. I love you Aze” ani ko with paglalambing tone
“I love you too, Ziara” sagot naman niya
My heart. Bumilis ulit ang t***k niya
Hinarap ko si Franzie at ngumisi ng nakakaloko
“See!. Franzie. Ikaw ang assumera sa ating dalawa. Dahil totoo namang, AKO TALAGA ANG MAHAL NI AZE. Kaya ikaw???. Bye Franzie ”ani ko at ngumisi ng nakakaloko
Napatawa nalang ako sa mukha ni Franzie. Sasabog na ata siya sa sobrang galit. Hahahah. Kaya wala siyang nagawa kundi umalis. Pero bago mn siya makalakad ay nagsalita ulit ako
“Tatalikod ka na. Hindi pa nga ako tapos magsalita” ani ko humarap naman siya
“May gagawin pa ako” dagdag ko
Lumapit ako kay Perlie at kinuha yung iniinom niyang juice at binuhos kay Franzie. Nagulat naman ang lahat sa ginawa ko
“Ayan ha? Para fair na tayo. Puwede ka nang umalis” ani ko. Umalis naman sila
*FAST FORWARD*
Nandito na kami ngayon ni Aze sa rooftop
“Grabe, ang ginawa mo kay Franzie kanina ah!. Pinahiya mo siya” aniya
“Bagay lang sa kaniya yun. Teka, bakit mo'ko hinalikan kanina??”
“Sorry nadala lang ako. May naalala lang kasi akong babae parehong-pareho kayo” aniya sabay tingin sa malayo
“Si Zilliana ba???” ani ko, tumango naman siya
Ilan segundong tumahimik
“Uhhmm Aze??” Tumingin naman siya sa akin
“Yes??”
“Sino ba talaga si Zilliana sa buhay mo??. Bakit umiyak ka nung kinanta natin ang Ikaw at Ako??”
Tumingin muna siya sa malayo, at nagsalita
____________________________________
Braze POV
Ayaw ko mang ikuwento kay Ziara si Zilliana sa buhay ko. Pero sinabi ko na sa kaniya
“She's my girl, este fiance pala. At yung kantang yun ay palagi yung kinakanta ni Anna sa akin. Napaiyak ako nung kumanta ka, kasi. Naalala ko siya. Parehong-pareho kayo Ziara” tumulo ang isang butil ng luha ko kaya agad ko itong pinunasan
“Ah!. Asan na pala siya ngayon??”
Tumingin naman ako sa kalangitan
“Kapiling na ni Lord”
“Luhh!! Sorry”
“It's okay, hindi mo naman kasalanan kung bakit siya namatay” ani ko sabay patong ng mga kamay ko sa tuhod ko
“Ano pala nangyari?? Anong kinamatay niya. Okay lang din kung ayaw mong magkuwento” aniya
“Ikukuwento ko na sa iyo” ani ko
___~END OF CHAPTER 13~___