Continuation “ Ala hindi pala mapili si senorita!” Bati ng isa sa mga ginang na kumakain na rin katabi ang asawa niya. Pakiramdam ko tuloy ay ganun din ang estado namin ni Gani lalo’t panay ang estima ni Gani sa akin. Lagi niya akong inuuna bago siya. Para na rin kaming umaaktong mag asawa. Aba mas bumilis pa yata! “Opo ganito naman ang kinakain namin sa aming bahay, mahilig po kasi magluto si Mommy ko at Lola Tisay ko. Kain lang po tayo ng kain ang sarap ng mga hain na pagkain.” Maliksing sabi ko naman sa kanila na halatang inaabangan ang magiging tugon ko sa ginang. Mukhang okay naman ang sagot ko dahil halos sabay-sabay silang tumango lahat. Mula ng sagutin ko ang ginang ng ganun ay nagsimula muli ang ingay. Ingay na hindi masakit sa tenga kundi nakakahalina at mas nakakagana kumain.

