Ineng❗

1122 Words

LV NAGUGULUHAN ako sa sarili ko, hindi ko akalain na may tinatago pala akong landi sa katawan ko. O baka naman totoo nga talaga na lahat ng tao ay may kanya-kanyang landi, at hinihintay lang ang tamang pagkakataon o tao na makakapareha para humarot ng todo. Sabi ko pa nga na hindi ako papayag na pasukin ni Gani ang buhay ko, pero ano itong ginagawa ko ngayon? Feeling ko kasi kapag pinigilan ko ang sarili ko ay makakalaban ko mismo ang innerself ko, dahil gustong-gusto na nitong mapaulot kay Gani. Tulad ngayon parang isang bata ako na sunod lang ng sunod sa aking ama, na panay din naman ang sulyap sa akin mayat maya. Sa bawat sulyap ni Gani sa akin ay pakiramdam ko ay may kung anong paulit-ulit na tumatama sa puso ko na mas nagbibigay ng tunay na kahulugan ng kung anong meron kami ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD