LV MAAGA akong nagising ngayon umaga dahil medyo kumikirot ang paa ko. Medyo minalas ako kahapon at namili nga ang tapak ko kaya hayun na sprained ang paa ko. May dumating naman agad na doktor kahapon para matingann ang paa ako. Ayon naman sa doktor ay hindi naman daw ganun kalala ang sprained ko ang kaso ay dadaan daw talaga ang kirot at pamamaga nito ng mga ilang araw. Kahapon din matapos akong tingnan ng doktor ay sinabi ko agad kay Dad na wag na munang sabihin kay Mommy ang nangyari sa akin. Sabi ko na ako na lang magsasabi kapag okay na ang paa ko baka kasi sumugod sila bigla dito. Pero loyal talaga ang Ama ko sa aking Ina, kagabi ay tumawag na ito at kulang na lang ay tumagos na ito sa cellphone, actually silang dalawa ni Lola Tisay ang ganun ang reaksyon kaya naman mas naramdaman k

