Hampaslupa❗

1732 Words

ISAGANI NAKAUWI na ako at lahat-lahat sa bahay namin ilang oras na ang nakalipas pero parang damang dama ko pa rin sa mga bisig ko ang kalambutan ng katawan ng anak ni Sir Loreto na si LV. Iba na nga yata ito. Ibang iba na talaga ang pakiramdam ko, para kasing gusto ko na lang ulit maramdaman ang kalambutan ng katawan ni LV. Instant na adik yara ako sa babae. Kakaiba rin kasing pakiramdam ang hatid ng mahawakan ko sa bisig ko ang babae. Ang mukha niya na ubod ng ganda, amo pero palaban ay talagang agaw pansin at mas magpapa-angat sa kanya sa lahat. Masasabi ko na kakaiba nga amg isang LV sa lahat ng babaeng nakasalamuha ko, dahil sa dating at atake ng awra niya ay sobrang lakas na agad, pero sa akin sa totoo lang hindi ako nasisindak dahil masaya akong parang asar siya sa akin. Pangalan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD