LV DAHIL sa pagsugod ni Donya Nene sa aking silid ay parang bigla na lang binagsakan ako ng langit at lupa. Nakakapanghina ang mga ganitong atake na hindi ko naman kinasanayan. Iniisip ko rin kung ano nga ba ang kayang gawin ng Donya para masira ang buhay ng mga inosente at mga walang laban na tao sa kanya? Saan ba galing ang poot niya sa mga mas mababa sa kanya? Bakit ba parang sobra yata ang galit naman niya kay Gani? Hindi ko alam kung sadyang ganyan siya sa lahat o kay Gani lang? Bukod sa malandi si Gani ay wala namang ibang maipupula sa kanya. Hindi ko rin alam kung siya nga ba ang totoong malandi o nilalandi lang siya ng mga babae. Baka naman balance lang din or palitan. Sa mga mata ng Donya Nene ay malaya kong nakita ang matinding poot at sakit na hindi ko malaman kung saan nag-uga

