ISAGANI MULA ng araw na buhatin ko at mag dait ang balat namin ni LV ay paulit-ulit ng ginulo ni LV at Sir Loreto ang utak ko. Makailang ulit na nga akong napapagalitan ni Lola Lumeng na naging tampulan ng katuwaan ng mga bata. Minsan ay napapatulala na lang daw ako ayon sa kanila tapos daw ay ngigiti sa kawalan. Sa una hindi ako naniniwala sa kanila pero later on, ay naniniwala na rin ako sa kanila dahil sa may picture at video na silang pruweba. Sa mga oras na ngingit ako ay ang eksena ng pag-akyat namin sa hagdan ng mansyon ang naaalala ko, lalo't yumakap sa leeg ko si LV. Sa trabaho naman ay minsan din akong natitigilan. Alam ko at aminado naman ako doon, pero wala naman akong nakukuha na pamumuna mula kay Jimmy. Baka nga wala naman talagang mali sa galaw ko o baka busy lang din si Ji

