ISAGANI MULA kahapon ay hindi ko na nakita muli si Jimmy, pero ngayong umaga habang papunta na sana ako sa trabaho ay natanaw ko si Jimmy na abot langit ang ngiti sa akin. Nasa hintayan namin siya. Himala nga yata at hinintay niya ako ngayon. Noong mga nakaraang araw kasi ay hindi na niya ako hinihintay siguro dahil huli na ako lagi. Puyat na puyat kasi ako lagi. Nang malapit na ako sa kanya ay tinawag na ako ni Jimmy. “ Good morning, pare! Tara na. Nag-almusal ka na ba? May baon ako kain tayo mamaya sa kubo!” Hyper na sabi ni Jimmy sa akin. Parang nag-dahilan lang ito. Hindi kaya na solve na ang problema niya? “ Sige ba pare. Welcome back din pala! May baon din naman ako pare. Hindi na nga rin kasi ako nakakain sa bahay dahil tanghali na naman ako nagising.” Sagot ko naman ng magpan

