LV HINDI ko mapigilan ang pagluha ko dahil sa takot na nararamdaman ko simula pa kanina. Ngayon ay nasa Regional hospital kami ng Calaca. Dito namin isinugod si Donya Nene dahil hindi na talaga ito nagkamalay. Iba pa rin pala kapag kadugo mo ang nasa masamang lagay, na kahit hindi kayo in good term ay mamamatay ka rin talaga sa pag-aalala. Maganda naman ang pasilidad nila dito sa Regional hospital dahil kumpleto sila sa mga gamit. Kanina ng makita ko ang Donya Nene na putla at unresponsive na ay abot langit agad ang takot na lumukob sa katauhan ko, para bang sobra sobra ito na hindi ko kakayanin. Naisip ko paano kung kay Mommy o kina Lola Tisay ito nangyari bak mga mauna pa ako talaga sa kanila. That moment, ay Iyak na rin pala ako ng iyak dahil sa samu't saring mga bagay na mabilis na

