ISAGANI KINABUKASAN ay sabay na kami ni Jimmy na pumunta sa mansyon ng mga Rue. Doon lang din namin nalaman ni Jimmy ang nangyari sa Donya ng mansyon. Sinalubong kasi kami agad ng mga kasambahay doon at sinabing wala ang mga amo ng mansyon dahil sa emergency na nangyari. Kahit na masama ang Donya makibagay sa aming mga tauhan nila ay nag-aalala pa rin naman ako. Naisip ko kasi paano kung ang Lola ko ang malagay sa ganun na sitwasyon, lalagay siguro kaming kaawa-awa dahil mahirap lang kami at walang pera na maipapalpal agad. Isa ito sa mabigat na damdamin ko mula noon pa man. " Talaga bang sa Donya ka naawa o kay LV? Dahil ba sa alam mo na apektado siya!” Biglang tanong naman ng isang bahagi ng isip ko na mahilig mangastigo. Siguro nga ay isa na rin si LV at si Sir Loreto don lalo't hindi

