LV WALA akong magawa ng pauwi kami ni Dad sa mansyon ng biglang magsabi ito sa akin at pakisuyuan niya ako na puntahan ko si Gani sa bahay nila, once makapag-pahinga kami ng konti. Alam ko naman na ang bahay ni na Gani dahil naituro na ito sa akin ni Dad nang nakaraan na napadaan kami doon. Simple lang ang bahay nila pero mukhang masaya naman sila doon lalo’t may mga kasamang mga bata. Hindi ko lang alam kung mga kapatid ba ni Gani ang mga batang ‘yun. Tanging tango na lang din naman ang nagawa ko na isagot kay Dad dahil ayaw ko ng dagdagan pa ang pagod niya at isipin. Nang makauwi kami sa mansyon ay nagkanya-kanya muna kami ni Dad ng pasok sa silid namin. Naglinis ako ng katawan ko tapos umidlip muna ako para naman mabawi ang puyat ko. Nagising naman ako bandang alas dos na ng hapon kaya

