ISAGANI NAPA-TANGA na lang ako ng biglang tumakbo si Vanna papasok sa loob ng mansyon. Mas gusto ko talagang itawag sa babae ang Vanna. Parang napaka- espesyal kasi kung ‘yun ang itatawag ko sa kanya. Madalas ko na kasing marinig na ang tawag sa kanya ng halos lahat ay LV. Gusto ko na iiba ako sa kanila, Vanna kasi ay parang ang sarap bigkasin at pakinggan. Mukhang na sobrahan na talaga ang biro ni Sir Loreto sa anak niya kaya kumaripas na ng takbo. Ang cute ni Vanna mapikon. “ Ganda ba?” Tinig na pumukaw sa akin. Nakangiting mukha ni Sir Loreto namam ang na bungaran ko ng balingan ko siya ng tingin. Tila naman ba parang otomatiko akong napatango sa tanong ng lalaki sa akin na biglang tumawa ng malakas. “ Hahaha, I see! Grabe ang titig mo kay LV, hijo. Alam mo natutuwa talaga ako sa'yo

