Continuation " One week lang Gani, kung hindi mo talaga kaya ay ayos lang. Alam kong mali naman na ang pakiusap ko pero gaya nga ng sinabi ko kanina sa'yo ay desperado na ako. Tungkol naman sa pastulan alam mo na naman diba ang gagawin mo doon, gaya lang ng dati ikaw ulit muna ang hahawak sa mga detalye at papel ng mga produkto na lalabas mula sa farm. Tutulungan ka naman ni LV. Just guide her. Sige na makakauwi ka na hijo at baka dilimin ka pa ng sobra. Mag ingat ka Gani.” Tuloy-tuloy na sabi nj Sir Loreto wala akong makitang ibang emosyon sa mukha niya tulad ng inis o galit dahil sa hindi ko agad na sagot at napagbigyan ang gusto niya. Kung ano siya sa akin lagi ay ganun pa rin ang huli. Kahanga-hanga talaga si Sir Loreto. Mabuti siyang tao. “ Sige po, mauuna na po ako. Bukas po maaga

