ISAGANI ITO na yata ang pinakamatagal na biyahe ko pauwi sa amin mula sa hacienda ng mga Rue. Sabi ko pa naman kanina ay hindi ako aabutin ng dilim na dilim sa daan pero inabot ako dilim at ambon. Para naman kasing nakikiayon pa sa akin si Tagay. Marahan itong tumakbo na hinayaan ko lang din dahil sa samu't saring iniisip ko. Medyo nahihiwagan na din kasi ako sa akto ni Vanna sa akin, bigla na lang kasi siyang bumait sa akin o baka sadyang. Ayokong mag isip ng ibang mga posibleng dahilan, siguro ay sadyang namana ni Vanna ang kababaang loob sa kanyang ama. Tama! Ganun nga lang ‘yun. “ Sadyang mabait lang silang mag ama hindi ba Tagay?” Tanong ko sa kabayo na umungol lang sa akin. Medyo nagiging sunod-sunod na ang patak ng tubig mula sa langit. Kanina naman ay madalang lang ito mukhang an

