LV PARA na akong nasisiraan ng ulo sa pagiging aligaga ko, dahil sa tanghali na ako nagising. Nag-alarm pa naman ako ng 5 am pero ang hindi tumunog. 6:30 am na kaya naman taranta na ako pagkilos para maligo at makapag-bihis na rin agad. Ang sabi pa naman ni Dad sa akin lately na ang pagtupad daw sa tamang oras ng paggawa o usapan ay ang basehan ng pagiging disiplinado ng isang tao. “ Hanep ka talaga LV! Sarap ng tulog no! Ganda kasi ng panaginip.” Sermon ko sa sarili ko habang nagbibihis na, 5 minutes lang ata akong naligo. Nag-shampoo, sabon ng katawan at toothbrush lang ako. Wala ng hilod-hilod. Tumawag ba naman kasi kagabi si Dad sa akin, para mag bilin ng mga dapat kong gawin. Tama naman siya dapat ay may gawin din ako sa hacienda tutal ay pang alis boredom din naman iyon sa akin.

