ISAGANI MAAGA akong pumulas ngayong araw para sa unang araw ko sa pastulan. Laganap pa nga ang dilim sa paligid na dulot ng pagsapit ng gabi pero bumangon na ako agad. Kagabi kasi matapos tumigil ng ulan ay dumating naman si Kuya Bale dito sa bahay namin para sa importante na pinapasabi ni Sir Loreto para sa akin. Pinapasabi ng huli na kailangan kong agahan ang pagpunta sa mansyon para bago pumunta ng pastulan sa farm para makasabay ko si Vanna papunta doon. Mukhang talagang pinipilit ni Sir Loreto na magkalapit kami ni Vanna at para rin mas maging malapit si Vanna sa lugar ng pinagmulan ng angkan nila. Sa totoo lang wala namang kaso sa akin kung paglapitin niya kaming dalawa dahil na sa akin pa rin naman ang huling desisyon kung papayag ako sa hiling ni Sir Loreto sa akin. Nang lumabas n

