Palikero❗

1763 Words
ISAGANI HIRAP na hirap ako bumangon talaga kahit pa nga paulit-ulit na akong ginigising ni Lola Lumeng. Nagsimula siya bandang alasais imedya hanggang umabot na ng bandang mag aala siete ng umaga. Paanong nga bang hindi ako mahihirapan na bumangon e, halos tatlong oras lang ang nakuha kong tulog. Tapos sa pagtulog ko may mga asungot pa rin kaya hindi ko matawag na maayos na tulog ang nagawa ko, para lang din kasi akong gising malala ay parang naka-face to face ko pa ang babae. Nakailang pa balik-balik nga si Lola sa loob ng maliit kong silid para gisingin akong muli pero parang ayaw pang makisama ng katawan at isip ko sa isa't isa. Sa huling pasok nga ni Lola ay halata na ang inis niya sa akin dahil may pagbabanta na sa tono niya. Sa tingin ko isang balik pa niya ay tatalakan na ako at babatukan ng babaeng nagpalaki sa akin. Nag-inat-inat muna ako habang nakahiga pa bago bumilang ng lima sabay bangon. Damang-dama ko ang pag-ingot ng paningin ko, dahil sa kakulangan nga ng tulog ko sa nagdaan na gabi. Unti-unti nmana na akong tumayo at kumilos na rin palabas bago pa ako mabalikan dito ng Lola sa silid. May kabagalab ang lakad ko papunta sa maliit naming kusina na naroon din naman ang aming hapag. Pihadong sa mga oras na ito ay naroon na ang lahat sa hapag, gusto pa naman ng Lola Lumeng na sabay-sabay kaming kumakain sa umaga at sa hapunan. Kaligayahan na daw niyang makita ang mga mahal niya na sama-sama na kumakain kahit salat sa masasarap na pagkain, kaya naman kahit simple lang para sa ibang tao ang ganito ay wala akong pakialam. Basta masaya ang Lola Lumeng gagawin ko kahit ano, kaya nga tuwing sahod ko at pinapatikim ko sila ng ibang pagkain lalo na ang mga bata, ayaw kong kuntyain o matahin sila ng iba. Ayaw ko rin an maging kahinaan nila ang simpleng mga bagay na ipansisilo ng ibang tao sa kanila. Hanggang kaya ko, ng Kuya Gani nila gagawin ko ang ikabubuti nila. Hindi ito pagtanaw ng utang na loob kundi para sa akin isa itong gawain na tunay na nakakapagbigay ligaya sa akin bilang tao at kabahagi ng pamilya nila. Nang marating ko na ang kusina ay nakaupo na ang lahat da kani-kanilang pwesto pero wala ni isa sa kanila ang kumakain o nagsimula ng kumain. Medyo tinamaan naman agad ako ng guilt sa parte na ‘yun. Hindi sila nagsimula kumain hangga't wala ako o kulang kami sa hapag. Ganito dumisiplina ang Lola sa amin pagdating sa grasya mula sa taas. “ Ayun! Ayos na. Sa wakas naman nandito na ang si Kuya Gani naming ubod ng pagi. Makakain na rin, kanina pa kasi gutom ang mga alaga kong buwaya sa tiyan!” Tila ba kinikiliti si Tonio ng sabihin ang mga salitang iyon sabay himas sa tiyan niya. Masimod kasi ito sa kain. Sa lahat ng mga batang kasama namin ito ang unang kakain pero huling matatapos kaya ubod ng lusog e, kaya rin hindi pwedeng wala kaming stock na maraming pagkain kahit na simpleng instant na mga noodle or can goods. “ Oo nga buti na lang. Bakit nga ba late ka Kuya Gani nagising?!” Inusenteng tugon at tanong naman ni Nicole sa akin. Napakagandang bata nito at ubod din mg inosente sa edad na siyam na taong gulang. Napatitig naman ako bata at sa totoo lang ay hindi ko alam ang isasagot ko sa kanyang tanong. “ Ay sus inlababo nga kasi talaga yang si Kuya Gani. Sino nga kaya ang malas na babae ang nakabihag ng puso ng fùckboy ng Calaca?” Singit naman ni Ashley agad. Mabiro at close ko ito pero minsan walang preno ang bibig mana sa kanilang Ina. Sa katabilan ng bunganga ay napapahamak lagi sa Lola Lumeng, pero mahal ko ito lahat sila ay parang mga tunay ko ng kadugo. “ Ate ano po ang fùckboy?!” Takang tanong naman ni Nicole sa Ate nilang si Ashley. Tila noon lang naiisip ni Ashley ang mga pinagsasabi niya kaya natigilan ito. Gusto kong matawa sa itsura niya, lalo't panay din ang lingon niya sa paligid. Siguro ay sinisilip kung nasa malapit na ba ang Lola namin. “ Ano ka ngayon? Kutatera ka kasi, naturingan kang babae e, ubod daldal mo at balahura. Kung sa bagay nga naman ay dalawa nga pala ang bibig niyo!” Sopla naman ni Asher sa kakambal niyang si Ashley. Laging aso't pusa ang dalawa pero wag mong kakanain ang isa dahil dalawa ang makakalaban mo. Isa pa rin ‘yun sa turo ng lola. Walang iwanan at walang magpapaapi lalo't nasa tama ang pinaglalaban. “ Tama na ‘yan! Kayong matatanda mag ingat nga kayo sa mga sinasabi niyo. Tandaan niyo may mga bata mas kayong kapatid pa! At ikaw naman Gani maupo kana. Hindi ba at bilin ko na wag paghihintayin ang grasya! Bakit ba parang ang hirap mong pabangunin? Masama ba ang damdam mo? Wag ka na lang pumasok.” Putol naman ni Lola Lumeng sa kumosyon na nagaganap sa pagitan namnin. At pati nga ako ay na dali na rin ng sermon. Ang kagandahan kay Lola ay maalapa siya sa aming lahat. Laging kami ang iniisip. Galing pala ang Lola Lumeng sa likod ng bahay siguro ay inihanda niya na ang ililigo ng mga bata. Ganito kaalaga ang Lola namin sa amin, kaya nga sobra-sobra namin ito mahal. “ Lola Nay, inlababo nga si Kuya—!” “ Asheng! Tumigil ka na sa inlababo na ‘yan at sumang-al ka na lang ng pagkain baka mahuli pa kayo sa pasok niyo.Wag niyong sayangin ang pagpapakahirap ng Kuya Gani niyo at ang scholarships na binigay sa inyo ni Loreto. Isa ay napaka- imposibleng ma-inlove ang isang ‘yan. Nuknukan ba naman ng palikero. Baka akala mo Gani ay wala akong alam. Sinasabi ko lang sa'yo na baka kakaganyan mo ay biglang dumating ang karma mo. Ikaw rin apo ayaw kong dumating amg panahon na mahal na mahal mo ang babae tapos hindi naman masuklian ang mga binibigau mo. Sana nga wag ganun ang mangyari. Hala sige na kain at ikaw naman umupo ka Gani at may pasok ka pa, kaya mo ba? Kayong mga bata kain ng kain ng may pumasok sa isip niyo at ng may magandang kinabukasan para sa inyo!” Muling pinutol na naman ni Lola ang sainsabi ni Ashley at dahil doon ay na dali na naman ako. May alam pala ang Lola pero na nahimik lang ito. Alam ko na hindi ako kukunsintihin nito kung sakaling may maghabol at alam niyang kasalanan ko, pero mas alam ko na sa lahat ng tao sa mundo ito ang nakakaunawa sa akin ng sobra at makakatanggap kung ano at sino ako. Alam ko rin na kapakanan ko lang ang gusto niyang maisaayos. Mabilis na natapos ang mga kasama namin na kumain dahil nga may mga pasok din ang mga ito sa eskwela. kami na lang pala ni Lalo ang naiwan sa hapag. Nakakapagtaka nga lang din at tapos agad si Tonio kumain siguro ay dahil minadali ng mga kapatid. Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa ni Lola na kalaunan ay binasag na rin ni Lola Lumeng. “ Ilang araw palang Gani, pero mukhang iba na ‘yan. Pasensya ka na apo sa unang mga sinabi ko sa’yo. Iba na nga naman ang gulong ngayon ng panahon. Noon kasi sa mata ng mga tao hindi pwedeng magmahal ng mahirap ang mayaman at vise versa. Pero ngayon malaya na o pwede na lalo't nagsisikap naman ang mahirap. Basta Gani gawin mo lang ang tama at susuportahan kita. Ipagtatanggol kita apo sa lahat, hanggang kaya ko. Maniwala ka alam ko kung anong pinagdadaanan mo at masaya ako na may matutunan ka sa mga susunod na mga araw!” Napatango na lang ako sa sinabi ni Lola sa akin. Tuloy sa akto ko na yun ay parang inamin ko na rin sa kanya na totoo ang hinala niya sa akin. Masyado kasi akong na dala sa mga sinabi niya sa akin kaya napatago na ako. Napansin ko naman na wala na rin pala si Lola sa pwesto niya at naiwan na pala akong mag isa. Likom na rin ang mga kinainan namai siguro ay inimis na ni Lola at ngayon ay nililigpitan na sa likod bahay. Hindi ko man lang namalayan. Naroon din naman kasi sa likod bahay ang aming pinakalababo. Nang kunin ko ang baso ko ng kape na naiwan pa ay wala na akong makapang init, dahil malamig pa ito sa bangkay. Napa-angat tuloy ang tingin ko sa wall clock at doon ako natauhan na 20 minutes na lang pala at alas otso na ng umaga kaya naman mabilis na akong kumilos pa tayo papunta sa gawi ng silid ko. Pinadong limang minuto na naman lang ang magiging ligo ko nito. Nagmamadali akong kumaha ng damit sa aking damitan at tsaka mabilis na pumasok sa banyo. Wala na akong naririnig na mga ingay kaya sigurado akong wala na nga ang mga bata. Matapos kong maligo ay nagbihis na rin ako agad. At dahil nasa likod nga ang banyo ay sa may kusina ako dumaan naroon naman na si Lola at nakahanda na rin ang baon ko. “ Mag ingat ka Gani, basta alamin mo muna ang tunay na damdamin mo. Kung tamang sumugal ka ay itodo mo na!” Tila ba makahulugang wika muli ni Lola sa akin. Hindi ako sumagot pero nagmano ako dito sabay dampot ng baon ko. “ Kaawaan at gabayan ka sana ng Diyos Gani!” Huling mga salitang narinig ko sa Lola Lumeng bago ako mabilis na tumakbo papunta sa ulingan. Hindi naman mahigpit si Sir Loreto pero ayaw kong maging abuso sa kabaitan niya sa amin at isa pa ay tulong na rin ito para magising ako. Imbis kasi magising ako dahil nakaligo na ako ay parang mas na relax ang katawan ko at gusto na lang magpahinga at matulog. Saglit lang ay narating ko ang lugar ng trabaho namin. Halos pawisan na ako ng dumating sa kubo mabuti na lang lagi akong may extra na mga damit na dala pamalit. “ Late ka yata ngayon Pare, wag mo sabihin hindi ka pa move on kay Meanne!” Bungad kausap ni Jimmy sa akin. Imbis na pansinin ko ito ay mas nag_madali na akong sumilip sa mga uling, mas mabuting abalahin ko ang sarili ko ng mawala ang antok ko kaysa kausapin si Jimmy na naniniwala na si Meanne ang dahilan ng mga naganap sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD