LV
HINDI ko inakala na makakakita ako ng aktwal na ganun. Nakakabigla pero mas lamang ang nakaka-disappoint. Ah ewan kung saang parte ba ako na disappoint. Bakit nga kaya may mga babaeng basta na lang napayag ng ganun. Nakakahiya pa at natigilan ako kaya nga ng makabalik ako sa wisyo ay nagmadali na akong umalis.
“ My God! Grabe sila! Bakit sa ilog pa? Wala bang kubo? Ang lalaki ‘yun masyadong malikot!” Parang tanga na sabi ko habang natakbo si Tagay. Malayo na kami sa lugar pero ang eksena na ‘yun ay kasama ko pa yata hanggang pag-uwi ko. Ang mas nakakaloka pa at nakakahiya ay nakita pa yata ako ng lalaki, baka sabihin nun namboboso ako o naiinggit sa sèx trip nila ng jowa niya. Grabe din pala nga babae dito kahit saan na lang pwede na, magpapatira na. Mga hindi ata natatakot na baka pasukan ng insekto sa ilog ang pempem nila.
“ Tagay kilala mo ba ang lalaking balahurang ‘yun?!” Tanong ko sa kabayo na parang nakakaunawa naman dahil bahagyang bumagal ang takbo. Ilang ungol pa ng ginawa ng kabayo bilang pagsagot ata sa tanong ko sa kanya. Diyos ko po nasa probinsya ako diba, pero parang kuta ng nga porn star ang napuntahan ko. Mali hindi pala lahat pero ewan ko ba! Naiirita naman ako sobra sa nakita ko na ‘yun, kasi feeling ko guguluhin ako ng eksena na nakita ko, parang hindi ako patatahimikin, dahil sa mga nabuong mga tanong sa aking isip. Kaysa mag isip ng mag isip ay muli kong minanduhan ang kabayo para tumakbo na muli. Mas mabuti siguro na umuwi na lang muna ako sa mansyon at baka may makita na naman akong mali. Ganun na nga ang ginawa ko kaso wrong move pala ‘yun dahil si Donya Nene lang naman ang unang bumungad sa akin sa may pintuan matapos kong ipakisuyo na ibalik si Tagay sa kwadra. Ayaw ni Dad kasi na ako ang pupunta sa kwadra may mga kabayo daw kasi na mga nagiging bayolente kapag nakakakita ng ibang tao.
“ Nandito na pala ang anak sa pagkakasala! Masaya bang mabuhay bilang isang Rue?! Hindi ka señorita dito Lynette! Hindi kita tanggap bilang apo ko!” Maanghang agad ang naging bungad na mga tanong at salita sa akin ni Donya Nene. Mukhang kasalanan talaga para sa kanya ang maging Rue ako. Masakit pa rin naman sa akin kahit naman hindi totoo na bunga ako ng pagkakasala, alam ko na ang mga magulang ko ang tama noon sadyang manipulera lang ang Donya na ito. Isa sa mga dahilan ng mas ikinasasakit ng loob ko ay yung bakit ba parang nakakapandiri na maging Rue kami ng Mommy ko? Hindi ba kami tao sa mata ni Donya Nene. Mga alien ba kami? Isda, insekto o uri ng sakit? Imbis na magpatangay sa namumuong galit at sakit ay minabuti kong sumagot ng wasto sa matanda, ayaw niya man sa akin ay hindi maiaalis na may bahagi mula sa kanya na naisalin na sa akin dahil sa anak niya ang ama ko.
“ Magandang araw po Donya Nene. Sa totoo lang po, hindi masaya na maging isang Rue, lalo't alam ko naman po na ayaw niyo sa akin/ sa amin ng Mommy ko. Alam niyo po Donya Nene ang dahilan kung bakit nandito ako? Iyon ay para sa tatay ko. Sa tatay ko na ni minsan hindi ko na kasama sa buong pagkabata ko hanggang sa tumuntong na ako ng bente singko, kasi nga po ayaw niyo sa amin. Ayaw niyo kaming hayaan na maging pamilya. Honestly speaking Donya Nene, wala po akong habol o pakialam sa kahit katiting na yaman mula sa mga Rue. Wala po akong kukunin sa inyo ang tanging gusto ko lang naman ay magkaroon ng ama. Ama na kayo din ang nagdamot sa akin. Kung sa Lola naman po Donya Nene ay meron naman po ako at mahal na mahal niya ako ng sobra kaya wag po kayong mag alala, dahil hinding-hindi ko po ipipilit sa inyo ang tanggapin niyo ako bilang apo. Basta po hayaan niyo lang muna ako na mas makilala at makasama ang Daddy ko. Paumanhin po Donya Nene kung sumagot po ako, mauuna po ako Donya Nene.” Punong puno man ng galang ang paraan ng pagsagot ko kay Donya Nene sa mga oras ito sa loob ko naman ay gustong gusto ko siyang sabihan ng kung anu-anong mga salita na makakasakit din sana sa kanya. Pero hindi ko gagawin ‘yun, dahil hindi ako katulad niya. Hindi ko siya hahayaang sumaya dahil sa isiping nasasaktan niya ako sa mga ginagawa niya. Ganun pala no, kapag hindi ka lumaki sa taong nagsasabi ng mga masasakit na salita sa’yo ay hindi ganun kababaon ang pagtarak ng palaso. Solohin na lang ni Donya Nene ang pagiging kontrabida at wag na sanang mag recruite pa ng iba. Nasa may hagdan naman na ako ng biglang naalala ko na naman ang nakita ko kanina. Para bang may ibang ginigising ang eksenang ‘yun sa akin. Para bang nakikita ko na ako ang babae na kinakalantari ng lalaking yun.
“ Tumigil ka LV! Yuck… Ewww!” Tili ko ng makapasok na ako sa loob ng aking silid. Bakit ba naisip ko ‘yun? Para maalis sa utak ko ang mga kabaliwan ko ay nagmamadali akong pumasok sa loob ng banyo para maligo at mas mahimasmasan. Nagbabad pa ako ng halos isang oras sa loob ng banyo bago ako lumabas at nagbihis na rin ng simpleng pambahay na komportable ako. Maige pa nga siguro ay matulog na lang muna ako tutal halos siesta time na rin. Kung bakit ba naman sa dami ng inikot namin ni Tagay ay napunta pa kami sa parte na ‘yun. Hindi pa naman din ako nakain pero siguro mamaya lang ako kakain tutal dalawang pangyayari ang naman ang nagpawala ng gana ko. Sana paggising ko nakalimutan ko na ang Pokpòk na lalaking ‘yun at kalaswaan nila at sana pati ang Lola kong tiyahin ata ni satanas ay hindi ko na muna makaharap.
Naalimpungatan ako bigla ng marinig ko ang tuloy-tuloy na pagtunog ng cellphone ko. Pupungas-pungas ako ng bumangon para kunin ang cellphone ko sa bag ko na nasa sofa dito sa silid. Parang biglang nawala naman agad ang antok ko ng makita ko kung sino ba ang tumawag sa akin via video call. Si Mommy pala. Nakaraan lang ay sabi niya hindi muna siya tatawag sa akin para masolo muna ako ni Dad but here she is tumatawag na. Nagmamadali ko naman na pinindot ang answer button at ‘yun nga, agad na bumulaga ang Nanay ko at Lola ko na mga mistulang lalaban sa giyera.
“ Apo kong mahal! Bakit hindi ka kumakain d'yan binawalaan ka ba ng bampirang si Nene? Sabihin mo sa akin at susugurin ko ‘yan!” Bungad naman ng lola kong si Tisay. May mustra pa ito talaga sa sinabing susugod siya. Mahal na mahal talaga ako ng lola.
“ Mommy naman, awat na muna kausapin natin ng maayos si LV. Anak bakit ba hindi ka kumain? Alam mo bang hinihintay ka daw ng Daddy mo e, ayun hindi rin kumain panay daw katok sa pinto mo hindi ka naman daw na sagot. Papasukin ka naman daw sana ang kaso baka magalit ka—!”
“ Hinga Mommy ko, Lola okay po ako totoo po ‘yan. I love you po and I miss you. Ang totoo din po kasi ay nakatulog po ako ng mahimbing Mommy and Lola. Sorry talaga at nadamay pa pala sa fasting si Dad, I'll make it up with him po—!”
“ Kilala kita Lynette Vanna hindi ka babaon sa mahimbing na tulog kung hindi ka stress! Talagang yang bampirang Nene ‘yan, dapat talaga apo ko nag baon ka ng holy water ng maligtas ka sa babaeng ‘yun o kaya panguyain mo ng limang kilo g bawang!” Gigil na sabi na naman ng Lola ko. Totoo ‘yun kilala niya ako at alam niya ang dahilan ng bawat himbing na tulog ko. Ang patulog kasi para sa akin ay isang way ng pagtakas sa stress at pain. Sa pagtulog kasi tagumpay lagi si LV sa lahat ng laban.
“ Don't worry po Lola ko dahil kaya ko po ang Donya Nene! Isa pa she can never bit me lalo't wala siyang alam sa buhay ko kung paano ako lumaki at umabot sa edad na ito. Mom at Lola big girl na po ako kaya don't worry po. Kayang kaya ni LV ang laban! ” Puno ng assurance na sabi ko sa dalawang babae na naging gabay ko sa buhay ko. Ngumiti naman ng sabay ang dalawa na nauwi sa lambingan. Masaya na ulit ako at pwede na ulit lumaban. Sa kanila ako lagimg kumukuha ang lakas kung wala sila wala na ako.
“ Basta anak kapag hindi mo na kaya umuwi ka na ha, mauunawaan naman ‘yan ng Daddy mo at naniniwala ako na soon magsasama na tayong lahat ng masaya. Sige na anak magbihis ka na at kanina pa praning amg Daddy mo nakailang tawag nga sa amin ni Mommy.” Paalala na sabi sa akin ng aking Ina. Ako rin naman naniniwala na magiging okay din kaming pamilya soon. Lalo’t mas naninindigan na si Dad.
“ Okay po Mommy and Lola bye muna po!” Paalam ko sa dalawa na agad ding nawala sa screen ng phone ko. Mabilis naman na nagbihis na ako ng damit na maayos at bumaba na rin, nga lang nasa hagdan palang ako ay may narinig na akong nagsasagutan sa baba.
“ Ma, kahit naman sana respeto lang ibigay mo sa anak ko! Walang kasalanan si Lynette at kahit ng Ina niya wala rin kaya sana naman Ma kahit ngayon lang maging makatao ka naman tutal apo mo naman si Lynette!” Medyo mataas ang tono ng boses ni Dad ng sabihan iyon sa kanyang Ina waring sobrang nasaktan naman ang huli. Daming talent pala ng Lola ko.
“ Loreto! Ina mo ako at kabutihan mo lang ang gusto ko—!”
“ Ma! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Matanda na ako Ma, please leave Lynette, my daughter alone or else aalis kami dito at pipiliin kong lumayo sa'yo mabuo lang ang pamilya ko!” Lahat ng sinabi ni Dad mula ng putulin niya ang sinasabi ni Donya Nene ay masarap na humaplos sa puso ko. Ang Donya naman ay mabilis na tumalikod. Ito nga daw ang pambato nito lagi ang talikuran si Dad. Medyo matagal na akong nakatayo sa likuran ni Dad ng humarap ito sa akin.
“ I'm sorry anak, kung failed si Daddy to protect you from your grandmother. How ironic, right! Mauunawaan ko kung gusto mo ng umuwi wag mo lang ulit tatakutin si Daddy, kung bakit hindi ka kumakain at lumalabas ng silid!” Tila ba pagod na pagod ang aking ama ng sabihin ang mga salitang iyon kaya naman muli ay ako ang yumakap sa kanya.
“ I'll stay here Dad! Don't worry hindi ko na po gagawing mahimbing ang tulog ko! Babawi ako kasi pati pala po kayo nauwi sa fasting. Magluluto po ako ng merienda and don't be so bothered Dad hindi ako aalis, kasi napamahal na rin pp ako agad sa lugar na ito!” Sagot ko naman sa aking ama habang yakap pa namin ang isa't isa. Nang kumalas na kami sa yakap ay tsaka kami naglakad papunta sa kusina. Magpa-pakitang gilas muna ako sa aking ama. Mabuti na lang at tinuruan ako ni Mom at Lola Tisay ko.
SAMANTALA
Hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa may ilog. Ang eksaktong totoong nangyari na ako lang ang may alam. Buong maghapon akong naging okupado ng tungkol doon. Gusto ko ng sagot pero wala naman akong mapagtatanungan dahil si Jimmy wala din itong maayos na isasagot sa akin. Kung kay Lola naman ay wala rin akong aasahan at baka tuksuhin pa nga ako. Hanggang makauwi tuloy ako sa bahay ay wala ako sa sariling wisyo. Bakit ba siya ang nakita ko at bakit parang gustong-gusto na siya ang babaeng ginagalaw ko? Ginagayuma ba ako o totoo ang sumpa? Aba kahit naman liblib dito ay hindi na uso ang mga ganyan. Dapat malaman ko ang totoo.
“Kuya Gani, kuya kanina ka pa tulala! In love ka ba? Kaninong babae at ng maurasyunan na lumayas na para naman masingil ka ng kalokohan mo!” Sabi ni Ashley na labing pitong taong gulang panganay sa magkakapatid na iniwan ng anak ni Lola Lumeng.
“ Pinagsasabi mo? Ako inlove? Nakakain ba ‘yun?” Pilosopong sagot ko kay Ashley na ngumisi lang sa akin.
“ Ah… Hindi pa pala confirm kuya. Sige kapag hindi ka makatulog na sa gabi nasa stage 2 ka na at kapag naman nakikita mo siya kahit saan ka tumingin ay patay nasa stage 3 kana at kapag naman hinahanap-hanap mo, malala ka na at congrats pala isa kana sa mga baliw na umiibig!” Mga salitang binitawan muli ni Ashley na paulit-ulit na nagpe-play sa isip ko mula pa kanina, mga limang oras ang nakalipas. Nang sipatin ko ang orasan ay pasado ala una ng madaling araw.
“ Tàng ina! Hindi totoo ito, kathang isip ko lang!” Mura ko sabay talukbong ng kumot, pero halos dumating na ang alas tres ay gising pa rin ako. Panay ang paling ko para mahanap ang tamang pwesto pero wala pa rin.
“ Gani! In love ka nga ba? Paano? Sino? Sa kanya?!” Tanong ko sa sarili ko bago ako unti-unting tinamaan ng antok kung kailan ilang oras na lang ay simula na ulit ng bagong araw at trabaho. Mukhang mahihirapan ako gumalawa nito kung magiging ganito parati ang tulog ko.