Chapter 1
Masigabong palakpakan, ng marinig ang pangalan ni Lyn Tan as Salutatorian sa pagtatapos nila ng ika-6 na baitang, sa mababang paaralan sa kanilang lalawigan nang Mindanao.
Hindi lahat ng pangkaraniwang mag - aaral na nagsisipagtapos sa araw na iyon, ay kagalakan ang nararamdaman.
"Sana'y naririto ang mga magulang ko para sa pagsasabit ng aking medalya"
nangingilid ang mga luha at patagong humihikbi si Lyn habang sinabitan sya medalya ng kanyang Lolo Jesus. Si Lolo Jesus pala ay ang ama ng kanyang ama na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang seaman.
Ngunit sa araw na iyon ay masaya parin siya dahil hindi siya pinabayaan ng kaniyang lolo.
Bagamat nagagalak sya sa pagdalo ng kanyang lolo ay kulang parin ang kasiyahang nadarama sa puso ni Lyn.
"Uy, dyan pala si Lance" Pabirong kantiyaw ng isa sa kanyang mga kaklase.
"Sinusundan ka habang nagtatanim ka ng mga puno ng gmelina sa likod ng paaralan".
Si Lance pala ay kaklase ni Lyn simula ng nasa ikatlong baitang pa lamang sila elementarya.
Galing si Lyn noon sa Cotabato ng lumipat sya sa poder ng kanyang Lolo Jesus sa kadahilanang mangingibang bansa na ang knayang ama ng mga sandaling iyon.
"Lance bat ka pala naririto at laging nakasunod sa akin?" Pabirong tanong ni Lyn nang makantyawan ng kanyang kaklase na babae kani kanina lang... habang nagtatanim ng punong kahoy sa likod-aralan.
Napangiti lang si Lance, ngunit bakas sa mukha nya ang hiya ng nagtanong si Lyn sakanya.
May pagka patpatin ang pangangatawan ni Lance noon. Siguro'y nagbibinata pa lamang si Lance ng mga pananhong iyon...
2 years nga pala ang agwat ng tanda nila Lance at Lyn.
"Lyn".Mahinang tawag ni Lance. Nung lumingon si Lyn ay inaabot na ni Lance ang mga punla ng mga puno na itatanim nila sa likod-paaralan para sa isang proyekto tungkol sa clean and green.
Bagamat bale-wala lang kay Lyn ang pagsunod - sunod ni Lance. kasi wala naman yun mailsya para sa kanya. Ang tanging alam nya lang ay gentleman lang talaga itong si Lance at palakaibigan
"Akin na ung punla" pautos na sabi ni Lyn kay Lance nang may halong biro,
Agad naman ibinigay ni Lance ang punla na para bagang natutuwa pa sa pag-utos ng dalaga sakanya, at pinagtulungan na nilang itinanim ang punla ng gmelina.
Lingid sa kaalaman ni Lyn na may itinatagong pagkabighani ang binata sakanya.
Si Lance pala ay may matagal nang may pagtingin sa dalaga kahit nung nasa elementarya palang sila. Ngayon ay nasa highschool na sila, ganun parin ang naramdaman nito para sa dalaga.
Kababalik lang pala ni Lyn galing sa ibang paaralan, ngayon ay transferee sya sa kanilang lugar.
Bagamat dati pa siyang kilala ni Lance sapagkat taga - roon ang lolo ni Lyn at kilalang - kilala ang pamilya nila sa kanilang lugar.
"Patulong naman". Ang sabi ni Lyn kay Lance habang binabakuran nila ng pinagputol-putol na kawayan ang punla ng kahoy na itinanim. At nang matapos ay dililigan na nila ang mga ito.
"Salamat Lance banggit ni Lyn sa binata na parang kapatid o kaibigan lang ang turing nito sakanya.
" Parang may nahahalata ako" pasimpleng kantiyaw ni Helen, isa sa kaklaseng babae ni Lyn sa high school
"Ano yun" patanong ni Lyn kay Helen,
"Hmm kunwari kapa di mo ba nahahalata?" tugon ni Helen na kanina pa
kinikilig habang nakamasid sa kanilang dalawa.
Si Lance ay nasa Second Year at si Lyn naman ay nasa Junior High school. Hindi sila magakaklase sapagkat huminto nang isang taon si Lance.
Naging malapit si Lance kay Lyn, pero ang buong akala ni Lyn ay mabait lang talaga ang binata sa kanya. Walang duda...
Sa harapan ng paaralan ay may pinagawa na naman ang kanilang bawat guro na tanggalin ang mga damo at taniman ng mga bulaklak para magmukahang kaaya-aya ang kanilang paaralan.
"Lyn abutin mo". Sambit ni Lance sa dalaga, na pilit inaabot ang bulaklak na itatanim sa hardin ng paaralan.
At inabot naman ito ng dalaga na sa mga panahong iyon ay hindi parin ramadam ni Lyn ang ginagawa ng lalaki para sa kanya.
Si Lance ay isang miyembro ng katekista sa kanilang simbahan kayat hindi nabigyan ng malisya ni Lyn ang pagtulong ng binata sakanya. Masiyahin kasi itong si Lance at higit sa lahat mahilig magpatawa. Komedyante sya sa paaralan lalong - lalo sa mga kaibigan at kakilala.
Mahilig din si Lance tumugtog ng gitara.Nung mga panahong iyon may iba kasing tinitibok ang puso ni Lyn. Isa iyon sa mga kaklase nya na baguhan din sa kanilang paaralan. Ang pamilya ni Lyn at Lance ang matagal na sa lugar na iyon kayat kilala na nila ang isat isa.
Kung lilibutin nila ang kanilang lugar ay halos kilala nila lahat ng nakatira dito.Mapa barrio man o bundok.
"Si Lance oh, dumaan" sambit ng tiyahin ni Lyn. Halos magkasing edad sila ni Lyn sapagkat isang taon lang ang kanilang agwat. Ang kanyang tiyahin ang malimit na tumutukso sa kanya nung sila ay bata pa.
"Bakit ba?" naiiritang sagot ni Lyn sa naka aasar na mukha ng kanyang tiyahin.,lingid pala sa kaalaman ni Lyn ay lagi siya nitong tinatanong ng binata sa kanyang tiyahin. Kaya halos nakaka-asar ang pangungutya nito sakanya dahil sa may lihim itong alam tungkol kay Lance.
Naikuwento kasi minsan ng kanyang tiyahin na kinukumusta sya ng binata sa kanya.
Parang may halong hiya at pamumula ang mukha ni Lyn ng maikuwento ng kanyang tiyahin ang tungkol kay Lance.
Pi Lance ang laging kasa-kasama sa mga proyekto ng simbahan kaya laging naroroon sya sa bahay ng lolo ni Lyn sapagkat ang Lolo ni Lyn ay isang pari sa kanilang lugar.
Pasimpleng sinisilip ng binata ang dalaga habang napapadaan siya dito, at kunwaring may importanteng dahilan yung pagpunta nya sa bahay ng Lolo ni Lyn.
Nung malaman na ni Lyn sa kanya ni Lance ay parang nag-iba ang nararamdaman ng dalaga para dito.
Na para bang kumakabog ang kaniyang puso habang napapadaan lang ito sa bahay nila, at pinagmamasdan nya din ito habang ito'y papalayo.
Mayroong hindi maipahiwatig na siyang nararamdaman para sa binata, subalit hindi nya mawari, may iba na kasi siyang tinitibok ng kaniyang puso at hindi ito ang binata na kani-kanina lang ay mabilis ang t***k ng kanyang puso ng mapaadan lamang ito.
Ang bahay pala nina Lyn yun ang daanan papuntang simbahan. Lahat ng tao napapadaan doon ay kitang - kita mula sa loob ng tindahan ng kanyang lola.
Minsan pasilip-silip ito sa dingding na animoy may inaasahang mapadaan itong si Lyn. Pero nung mga sandaling iyon iba ang kanyang gustong makita, ang tinitibok ng kanyang puso na kaklase at hindi iyon si Lance.
Araw ng linggo, napagkasunduan ng simbahan na maghanap ng bagong miyembro ng katekista sa bawat paaralan, at isa na si Lyn sa napakiusapan ni Lance para maging miyembro ng katekista.
Bagamat nagdadalawang isip pa siya rito ay pilit naman nya pinapanatag ang kanyang loob sapagkat nariyan naman si Lance para umalalay dito.