Habang kumakain kami ay wala naman na akong narinig na kahit na ano mula kay ate Monica, tahimik na lamang ito na kumakain.
Habang ang aking mag-ama naman ay panay naman ang kwentuhan na sinasabayan ko na din.
“Daddy! Tingnan mo po itong fried chicken na luto ni Mommy napakasarap po talaga at kahit ang chicken sa jollibee ay hindi mapapantayan ang lasa nito.” Sabi ng aking anak sa kanyang Daddy na sinabayan din naman nito ang ginagawang pambobola sa akin ng anak namin.
“Oo naman sweetie,wala naman niluto ang Mommy mo na hindi masarap,lahat ay talaga naman na mapapa unli rice ka sa sarap ng bawat niluluto ng Mommy mo.” Nakangiting sagot naman dito ng daddy niya sabay sulyap nila parehas sa akin.
“Hay!” Naku kayo talagang dalawa binola niyo na naman ako,mag-ama nga talaga kayo parehas bolero at bolera.” Pabirong sabi ko sa kanila na ikinatawa na lamang nilang at hanggang matapos kami na kumain ay panay lamang ang kulitan namin.
“Guy's!” Uuwi na ako,tapos na din naman akong kumain!” Paalam sa amin ni ate Monica na nakatayo na ngayon at kinukuha na ang kanyang shoulder bag,hindi na din namin kasi napansin na tapos na pala itong kumain.
“Sigurado ka ba Ate na uuwi ka na?” Pwede ka naman makijoin sa kwentuhan namin.” Sabi ko pa dito ngunit tila wala talaga ito sa mood.
“No!” I'm sorry Candice pero may kailangan pa din kasi ako na ayusin para sa mga susunod na schedule ni Zachary at ayaw ko naman na mapahiya sa inyong mag-asawa kung papalpak ako sa aking trabaho kaya naman uuwi na talaga,siguro next time na lamang ako makikipagbonding ulit sa inyo kapag hindi na ako ganoon kabusy!” Paghingi nito ng paumanhin sa amin na naiintindihan ko din naman dahil sa halos isang taon nitong pagiging sekretarya ng aking asawa ay nakita na din namin kung gaano ito kagaling sa kanyang trabaho.
“Sige ate Monica ikaw ang bahala!” Pagsang-ayon ko sa kagustuhan nito.
“Bye!” Zach,magkita na lamang tayo bukas sa opisina,bye Felicity and again sorry sa sinabi ni Tita kanina medyo pagod lang kasi ako!” Muling paghingi nito ng tawad sa aking anak na niyakap pa ni Ate.
Inihatid naman namin ito hanggang sa kotse na maghahatid sa kanyang condo,si Mang Hener na Ang maghahatid dito.
Kumaway pa ito sa amin hanggang sa mawala sa aming paningin ang kotse na lulan ito.
"Tayo na sa loob Hon,"pag-aya sa akin ni Zachary na karga ang aming anak na tila ba tuko na nakakapit sa Daddy niya.
"Umakyat na nga kami sa itaas at tulad ng dati ay sa kwarto muna kami ni Felicity para patulugin muna ito bago kami lilipat sa kwarto namin mag-asawa.
"Daddy pwede ba na ikaw naman ang magbasa ng story sa akin ngayon!" Pakiusap ni Felicity sa Daddy niya na wala naman magagawa kundi sundin ito.
"Sure! Baby si Daddy ang magbabasa ng books sayo ngayon.
"Pwede na siguro muna na pumunta ako sa kwarto namin ni daddy, sweetie, magshoshower pa kasi kasi si Mommy!" Nakangiting paalam ko sa kanilang dalawa na natawa naman ako sa reaksyon ng asawa ko na pataas- baba ang kilay na tila ba may pinapahiwatig sa akin na naiintindihan ko naman.
"Hon,basahin mo na yan ng makatulog na ang baby natin." Wika ko sa aking asawa na ngingiti-ngiti naman.
"Sige Hon,ako na ang bahala dito susunod na lamang ako kapag nakatulog na ang baby damulag na ito." Sabi ni Zachary sabay kiliti nito kay Felicity at napuno ng tawanan nila ang kwarto na hinayaan ko na lamang.
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kwarto namin mag-asawa.
Pagkatapos ko na magshower ay pinatuyo ko muna ang aking buhok gamit ang blower na siyang dinatnan ng aking asawa na ginagawa ko.
"Tulog na ba si Felicity!?" Tanong ko dito habang palapit ito sa akin ngayon.
"Yes nakadalawang story bago nakatulog." Sagot nito sa akin sabay kuha ng hawak ko na blower at ito na ang nagpatuloy ng pagbloblower nito.
"Kumusta ang araw mo hon, kumusta ang flower shop?" Tanong naman nito sa akin.
"Okay naman hon, actually may big client kami kanina na talaga naman na big dahil mga kilalang personalidad sa lipunan ngayon ang mga ito." Sagot ko dito ng may ngiti sa aking labi.
"Ganoon ba hon,so ibig sabihin lang niyan ay marami ang nagrerecommend ng flower shop mo Hon na mga naging client mo na din."Sabi pa nito sa akin na itinigil na ang pagbloblower ng aking buhok na medyo tuyo na din naman.
"Alam mo hon,sobrang proud ako sayo dahil tingnan mo naman parang kailan lang ng simulan mo ang business mo na yan at regalo ko pa nga sayo na unti unti mo ng napapalago ng wala ang connection ko talagang kayo lang ni Steph ang naghahandle ng flower shop, at soon ay ang expansion niyo naman ang aasikasuhin mo na ngayon pa lang ay maiintindihan ko na agad kung magiging busy ka doon." Wika sa akin ng asawa ko habang hinaplos nito ang aking mukha ang aking asawa na napaka supportive sa lahat ng aking ginagawa na ni minsan ay hindi ito kumontra sa mga desisyon ko lalo na sa pamilya namin,hawak ko din lahat ng bank account namin at lahat ng pumapasok at lumalabas na pera ay alam ko lahat at kinokonsulta muna nito sa akin,na aking ipinagpapasalamat.
“Salamat din hon,dahil sayo ay natutupad ko na ang mga pangarap ko lalo na ang flower shop na noon pa man ay pangarap ko na talaga na magkaroon kaya lang ay abala din ako noon sa pagtulong kila Mom at Dad sa negosyo namin kaya after ng graduation namin noon sa college ay itinuro ko ang aking sarili sa family business namin, I love you Hon,walang lalaki ang kayang magbigay ng saya na naibibigay mo sa akin,kaya nga pinagpapasalamat ko na muntik muna akong mabangga noon kaya nagkakilala tayo at hindi muna ako tinigilan hanggang sa sagutin at ikasal tayo at dumating sa buhay natin si Felicity.” Mahabang litanya ko dito na punong puno ng pagmamahal dahil napaka swerte ko talaga na ako ang babaeng pinakasalan at minahal nito sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa kanya na mapansin niya noon ay tila ba wala itong pakialam at ako lng ang tanging babae din na ipinakilala nito sa Lola at Lolo niya na nagpalaki na din sa kanya dahil maagang kinuha ang mga magulang niya ni Lord dahil ang daddy niya ay namatay sa isang plane crashed noon at ang Mommy niya ay hindi kinaya ang depression kaya naman ilang buwan pa lamang pagkamay ng daddy niya ay ang mom niya naman ang nawala sa kanya,napakabata pa daw noon ni Zachary ng mawala ang kanyang magulang sa edad na walong taon ay tanging Lolo at lola na lamang nito ang nakakasama niya at naging maayos naman ang pagpapalaki sa kanya.Hanggang sa ipasa na sa kanya ng Lolo niya ang pamamahala sa kompanya na tanging siya lamang din ang magmamana dahil nag-iisang anak ito.
“Mahal na mahal din kita Hon,ikaw ang bumuo sa akin at simula ng dumating ka ay lalong naging makulay ang buhay ko lalo na ng ibigay mo sa akin si Felicity na dinala mo ng siyam na buwan sa sinapupunan mo na halos nagpahirap sayo ng ilang buwan dahil sa kakaibang paglilihi mo nakarating na nga ako ng ibat ibang probinsya dahil sa mga hinahanap mo na kakaibang pagkain na doon lamang matatagpuan,” natatawang kwento pa nito sa akin na inalala ko din ang mga panahon na iyon na pinaghanap ko ito ng isang uri ng seashell na tanging sa Siargao lang matatagpuan na pag-uwi nito galing doon ay pinagluto ko pa,nagtawanan na lamang kami ng maalala namin iyon.
Hinawi nito ang aking buhok na tumatabing sa aking mukha at pinagdikit ang aming mga noo sabay halik sa aking noo pababa sa aking labi na aking tinugon naman ng buong puso,naglalaban ang aming mga dila na nagpaungol sa akin,dahil sa sensation na dulot nito sa akin na nagpapatindi ng aking nararamdaman na init na tanging ito lamang ang nakakapagbigay sa akin.
Hanggang sa habang hinahalikan ako nito ay unti unti na din nitong natanggal ang aking manipis na damit pantulog,inihiga ako nito ng dahan-dahan sa aming kama at pinagmasdan muna nito ang aking hubad na katawan dahil kapag matutulog na ay hindi na din naman ako nagsusuot ng mga taong underwear dahil naka ilang punit na underwear na ako dahil kapag ginaganahan ito ay tila ba wala itong pakialam kung masira pa ang aking underwear kaya napagdesisyunan ko ng h'wag na Lang magsuot nito kapag kami lang naman ang magkasama na mag-asawa.
“Napakaganda pa din hon,parang hindi ka naman nanganak sa katawan mo na ito na aking kinababaliwan na alam mo ba minsan sa opisina ay iniisip ko ito at pinanabikan oras-oras at tanging sayo ko lamang ito nararamdaman Hon,walang ibang babae ang kayang makapagbigay ng ganitong pakiramdam sa akin tanging ikaw lamang.” Malambing na turan nito sa akin bago muling sinakop ang aking mga labi na aking tinugon muli.