Papunta na ako sa school ni Felicity para sunduin ito.
Medyo natagalan din ako sa flower shop dahil ayaw ko naman na iwan nalang basta ang aming kliyente lalo na at napakabait nila sa amin.Halos wala silang reklamo sa lahat ng pinakita namin sa kanila na sample ng mga bulaklak para sa reception ng kasal at sa simbahan.
Mabilis naman ako na nakarating sa school ni Felicity at nag-aabang na ito kasama si Leni sa may waiting shed,tinawagan ko kasi kanina si Leni na puntahan ito para kahit malate ako ng sundo ay hindi ako mag-alala ng sobra kay Felicity.
Nang makapagpark ako ay agad na silang lumapit sa akin, sinalubong naman ako ng yakap ng aking anak.
"Mommy!" Sabi pa nito ng may ngiti sa kanyang mga labi.
"Naging good girl ba ang little girl namin ni Daddy or baka naman may bad ka na ginawa!?" Pabirong sabi ko pa dito.
"Nothing!"Mom,may ipapakita nga po ako sayo,"wika pa nito sa akin sabay kuha ng bungkos papel sa kanyang bag.
"Na perfect ko po ang exam namin Mommy!' Masayang turan nito sa akin sabay abot ng.test paper niya sa akin.
"Matutuwa si Daddy nito at syempre si Mommy ay proud na proud sayo anak,halika na muna kayo ng makauwi na tayo,dahil ipagluluto kita ng paborito mo anak."Pag-aya ko sa kanila.
Habang pauwi kami ay tumawag na din ako sa aking asawa para sabihin dito na umuwi ng maaga
Hanggang sa makauwi kami sa mansion ay agad ko na pinark sa aming garahe ang kotse at pagdating sa loob ng mansion ay pumasok muna ako sa kwarto namin mag-asawa para magbihid ng damit si Felicity ay ganoon din at tinulungan naman ito ni Leni.
Pagkatapos ko na magbihis ay bumaba naman ako sa kusina para magready na ng aking lulutuin na special na fried chicken na ako mismo ang nakaisip ng marinate nito na ginawa ko para kay Felicity dahil sa baby pa lamang ito ay nahihilig na talaga ito sa pagkain ng manok kaya naman naisipan ko na din umisip ng recipe na nagustuhan naman nito.
Pagkatapos ko na maiready ang mga kailangan ko ay nag-umpisa na ako na magluto para pagdating ng asawa ko ay nakaready na ang dinner namin.
Halos patapos na ako ng aking marinig ang kotse na nagpapark sa aming garahe.
Agad ko na tinapos ang aking ginagawa para salubungin ito sa sala.
Pagpunta ko sa sala ay eksaktong pagpasok naman nito na kasama pala ang ate Monica ko.
Lumapit ako sa kanila at agad na bumeso naman ako sa aking kapatid bago ko nilang si Zachary para humalik dito na madalas ko naman na ginagawa sa tuwing umuuwi ito kahit saan pa man ito galing.
"Ate Monica,hindi ko alam na sasama ka pala ngayon.'" Tanong ko kay ate Monica dahil wala naman nabanggit sa akin si Zachary na sasama sa kanya si Ate.
"May good news daw kasi ang pamangkin ko kaya naman gusto aking gusto din naman na malaman kung ano ito at ng mabati ko din si Felicity." Sagot sa akin ni ate Monica.
"Oo meron nga Ate,ang aking akala kasi ay baka busy kaya naman hindi ko na sinabi pa sayo," paliwanag ko pa dito dahil baka magtampo pa ito na hindi ko man lang siya nasabihan.
"Okay lang Candice, narinig ko naman ang usapan niyo kanina ni Zach sa cellphone kaya sa kanya na lamang ako nagtanong kung ano ba ang new achievement ng aking pamangkin na hindi din naman niya nasagot dahil nga hindi mo din naman sinabi." Mataray na pagkakasabi nito sa akin.
"Pasensya na ate Monica,halika na lamang kayo Hon, Ate Monica sa dining area nakapagluto naman na ako para sa dinner natin." Wika ko sa kanila pero bago pa kami lumakad papunta sa dining ay bigla ko na narinig na sumisigaw si Felicity na papunta sa amin.
"Mommmmmmmmmyyy!" Daddddyyyyy!" Sigaw nito habang pababa ng hagdan at nakasunod naman dito si Leni,gumawa pa kasi din ito ng assignment niya at si Leni na din ang tumulong dito dahil nga may ginagawa ako kanina.
Nang makalapit ito sa amin ay agad na itong yumakap sa Daddy niya na agad naman itong kinarga na para bang sanggol pa din ito,ganito silang mag-ama.
Malambing na bata kasi ang aming anak kaya naman ganito na lamang siya kung ituring namin na mag-asawa dahil nga sa nag-iisa pa lamang ito ay nasusunod ang lahat ng gusto nito,pero nagbibigay pa din kami ng limitasyon dito.
"Hey!"Sweetie ang sabi ni Mommy ay may good news ka daw kay Daddy!?" Sabi dito ng aking asawa na halata sa kanyang mga labi ang excitement para sa anak namin.
"Yes!" Daddy here po!" Sabay pakita nito sa daddy niya ng limang test paper na pawang lahat ay na perfect nito,bukod kasi sa malambing,maganda ay may angking talino din ito na namana niya sa kanyang Daddy na talaga naman na hakot medalya noong panahon na nag-aaral pa lamang ito.
"Wow!" Naman sweetie,daddy really really proud of you?" Wika pa dito ng daddy niya na halata din dito na masaya ito para sa simpleng mga achievement ng aming anak.
"What!" Ito lang pala ang goodn news na sinasabi niyo,kinancel mo pa ang meeting mo with Mr.Akaze!''
Sabi ni ate Monica na tila ba hindi nasisiyahan sa ipinakita ng aking anak.
"Ano ka ba Monica,mas importante sa akin ang mag-ina ko kaysa sa mga potential na investor na iyan na kung aayaw sila ay wala na din naman akong magagawa!" Inis na turan dito ng aking asawa na tila hindi nagustuhan ang sinabi ni ate Monica na maging ako man ay nagulat sa naging reaksyon nito.
"I'm sorry Zach!'Nanghihinayang lang din kasi at syempre para din naman iyon sa kompanya at sa pamilya mo na pamilya ko din." Hinging paumanhin dito ni ate Monica at tumingin naman ito kay Felicity na tila maiiyak na dahil siguro naintindahan din nito ang sinabi ni Ate.
"I'm sorry also Felicity, Tita Monica really proud of you!' Congratulations!" at sana dumami pa ang mga achievement mo!" Nakangiting wika dito ni ate Monica na hindi naman nito sinagot bagkos ay isinuksok nito ang kanyang mukha sa dibdib ng daddy niya.
"Siguro ay tama na siguro ito,tayo na sa dining area dahil lalamig na ang aking mga niluto para sa atin." Muling pag-aya ko sa kanila.
Pumunta na nga kami sa dining at tinulungan naman ako ni Leni na maghain.
Tila kasi nainis din ito sa tinuran kanina ni Monica tungkol sa test paper ng kanyang alaga kaya pansin ko ang mga titig nito sa aking kapatid na hindi ko din naman masisi dahil kung ikukumpara ko ang bonding nito at ng aking anak ay mas mapagkakamalan pa ito na Tita ni Felicity kaysa sa ate Monica ko.
"Leni,alam ko na hindi ka din natuwa sa tinuran ng aking kapatid kanina,at sana ay h'wag na natin itong palakihin pa dahil mahirap naman na sa tuwing nandito si ate Monica ay may lihim ka na galit sa kanya,pagpasensyahan mo na lamang ang pagiging maldita niya dahil mabait naman iyon," paliwanag ko kay Leni na tila ba hindi makapaniwala na hihingi ako sa kanya ng dispensa para sa nagawa ng aking kapatid kanina.
"Candice,hindi ko maintindihan kung paano kayo naging magkapatid ni ma'am Monica dahil grabe sobrang layo ng ugali niyo sa isat isa,kung siya ay demonyita ikaw naman ay tila anghel sa kabaitan na kung tutuusin ay iisa lamang din naman ang inyong Ama at sa pagkakakilala ko sa inyong Ama ay napakabuti din nitong tao kaya naman malabo na sa Ama niyo siya nagmana malamang ay sa aking tingin baka sa kanyang Ina siya ng gaspang ng pag-uugali, pasensya na din po Candice pero gusto ko lamang sabihin ang aking nais sabihin dahil ba sa tono ng pananalita niya kanina ay tila wala siyang ka amor amor sa alaga ko."' Paliwanag sa akin ni Leni habang nagsasandok ito ng sinigang na aking niluto din kanina
Ako naman ay inaayos sa isang lalagyan ang fried chicken na aking niluto din.
"Naiintindihan ko naman kung bakit ganyan ka kung magsalita kay ate Monica,kaya h'wag ka mag-alala Leni dahil hindi naman ako galit sayo pero sana ay bigyan mo din ng chance si ate Monica para ipakita ang good side na alam ko din naman na mayroon pa din.
"Opo,wala din naman po kaming magagawa dahil para sa amin ay amo pa din namin dahil kapatid mo.siya Candice,kaya lamang ay.hwag na h'wag niya na kakantiin ang aking alaga dahil baka masagot ko talaga siya!?" Seryosong pagkakasabi nito sa akin na talaga naman na para kay Felicity ay kakayanin nito lahat na ikinangiti ko na lamang ng palihim dahil bihira lamang na makaluha ng kasama sa bahay na may malasakit talaga sa pinagsisilbihan nito kaya pasalamat na din ako na nandiyan si para da aking anak na handa itong ipagtanggol.
"Tayo na nga Leni at baka gutom na ang Sir Zachary mo," Sabi ko pa dito at sumunod naman ito dala ang mainit na sabaw na umuusok pa,sana lamang ay magustuhan ito ni ate Monica.