Pagkaalis nila Zachary at ate Monica ay inasikaso ko naman si Felicity para sa pagpasok niya sa school.
Nang makaligo at makapagready na kami ay sumakay na din kami sa aking kotse dahil pagkatapos ko siyang ihatid ay pupunta naman ako sa flower shop para tulungan si Stephanie dahil may big client pala kami na kailangan asikasuhin bagama't alam ko naman na kaya iyon ng aking kaibigan ay gusto ko pa din na personal na makilala ang aming mga magiging kliyente.
Nang makarating sa school ni Felicity ay agad ako na bumaba para ipagbukas ito ng pintuan ng kotse.
"Sweetie,be a good girl okay!" Di ba sabi ni Mommy always be good to your classmate at laging sumunod kay teacher!"Bilin ko kay Felicity ng nakangiti dahil tuwing akong iiwan ito sa school ay lagi ko na pinapa alala dito na kailangan maging mabuti palagi sa ibang tao at laging sundin ang kanyang teacher.
"Yes!" Mom don't worry po magbebehave lamang ako habang wala ka po at laging susundin si teacher."'Sagot naman nito sa akin ng may paggalang na tinuruan ko din kasi ito na laging gumamit ng mga salitang may paggalang lalo na kapag nakakatanda sa kanya ang kanyang makakausap o kahit kaedad niya pa ay dapat lagi na may paggalang kung magsalita siya.
Inihatid ko na nga ito sa kanyang classroom at ng makapasok na ito ay saka naman ako bumalik sa aking kotse para pumunta na nga sa flower shop,dahil naghihintay na sa akin doon ang bestfriend ko.
Kumaway pa sa akin si Felicity at kinaway ko din sabay flying kiss dito na kunwari ay sinalo naman nito, napakalambing na bata.
.
Habang nagmamaneho ay pinatugtug ko ang aking radyo at saktong ang kantang paborito ko ang pinapatugtog ng DJ sa radyo.
Hanggang sa makarating na nga ako sa flower shop bumaba na ako sa aking kotse at pagpasok ko pa lamang ay sinalubong agad ako ng aking bestfriend na naging sandalan ko sa lahat ng bagay.
Kung tutuusin ay mas mapagkakamalan mo pa kami nito na magkapatid dahil na din sa closeness namin na halos noong college days nga namin nito ay mas madalas ko pa itong kasama kaysa sa aking ate Monica na wala din naman pakialam sa akin ng mga panahon na iyon.
Lately na lamang kami nito nakakapagusap mula ng maging secretary ito ni Zachary na halos every weekends kapag wala itong pasok ay nasa mansion namin ito at madalas din ito doon kapag may mga importanteng mga papeles na kailangan pirmahan ng aking asawa katulad na lamang ng dala nito kanina.
“‘Hey!” Kamusta ang second honeymoon ninyo ni Zach at kamusta din ang pamamasyal niyo na buong pamilya!?” Bungad na tanong agad sa akin ni Stephanie na halata sa tinig nito ang excitement dahil sa mga itinatanong nito sa akin.
‘“Okay naman Steph,masaya ang naging bakasyon namin at magaganda din ang mga bandang aming pinuntahan na nagustuhan din ni Felicity.”
Kung hindi nga lang kailangan pa si Zachary sa kompanya ay hindi pa sana kami uuwi kaya lamang ay kailangan na siya Lalo pa ngayon na dumami pa ang mga gustong mag invest sa kompanya!” Sagot ko kay Steph.
“So magkakaroon na ba ulit ako ng inaanak Bestie?” Siguro naman ay habang nasa vacation kayo ay nagkaroon na din kayo ng pagkakataon na sulitin ang bawat oras ni Zach!?” Muling tanong sa akin nito.
“Oo naman atsaka sinulit talaga namin ang vacation na iyon dahil matatagalan pa ulit bago maulit iyon,dahi sa dami ng kailangan asikasuhin ni Zachary sa kompanya.”
Sagot ko kay Steph na alam ko na masaya para sa akin.
“Mabuti naman kung ganoon Bestie,ngayon ang hihintayin na lamang natin ay ang paglilihi mong muli.” Biro pa sa akin ni Steph na bigla kung nahampas na ikinatawa na lamang nito.
“Ikaw talaga Best,pero hoping ako na sana nga ay may nabuo para naman mabigyan ko na din ng anak muli si Zachary at syempre si Felicity ay gusto na din talaga ng kapatid,naalala mo ba nung last na birthday celebration niya ang hiniling niya sa amin ng Daddy niya ay baby brother.” Nakangiting wika ko pa sa aking bestfriend habang inaalala ang araw na iyon.
“Oo nga pala,napakabait naman kasi talaga ng batang iyon manang mana sayo Best,buti na lamang at hindi nagmana doon sa stepsister mo na hanggang ngayon ay hindi ko pa din gusto!?” Nakanguso na sabi pa sa akin ni Steph habang binibigkas ang pangalan ni ate Monica.
Hindi talaga kasi sila magkasundo nito na kahit anong aking gawin mula pa noon para makapagbonding sila at magkapalagayan ng loob ay laging nauuwi sa away ang lahat.
Nagsimula ito ng agawin ni ate Monica ang boyfriend ni Steph noong college days namin, mainit ang ulo nila sa isa't-isa ng aking ate Monica na hinayaan ko na lamang dahil sa tuwing pinagsasama ko sila ay palagi lamang din naman silang nagbabangayan.
“Kung bakit hindi kayo magkasundo ni ate Monica,Best mabait naman din iyon,sana naman ay kahit para sa akin na lamang ay magkabati na kayo.”
“Alam mo ang ginawa sa akin ng Ate Monica mo!” Alam mo naman na mula ng agawin niya sa akin ang gagong ex boyfriend ko na iyon na sobrang landi ay hindi na talaga kami nagkasundo ng ate Monica mo Best!” Sagot sa akin ni Steph na tila maluluha na naman ng maalala ang gagong ex niya na naging dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan ni ate.
“By the way tama na nga ang mga iyan,” anong oras ba darating ang kliyente natin Best!?” Pag-iiba ko ng usapan namin para madivert na dito ang isip ng bestfriend ko at hindi niya na maisip ang ex boyfriend niya.
“10:00 a.m ang binigay nila sa akin na exact time ng pagpunta nila dito Best,and naayos ko na din naman ang mga bulaklak na nirequest nila at nagpakuha na din ako ng mga sample para kanilang makita na ito.”’ Sagot sa akin ni Steph.
“Mabuti naman kung ganoon at salamat Best,kasi nandiyan ka para tulungan ako dito kung wala ka siguro ay mahihirapan talaga ako na patakbuhin ang negosyong ito.” Sabi ko pa kay Steph na agad na naman na yumakap sa akin.
“Naku!” Nagdrama na naman ang bestfriend ko,alam mo naman na para na kitang kapatid di ba at alam ko din na matagal munang pangarap na magkaroon ng sariling flower shop na binigay naman sayo ni Zachary.”
“Napakaswerte mo Best sa asawa mo sana lamang ay walang magbago sa pagsasama ninyo ay hanggang sa inyong pagtanda ay sana kayo pa din ang magkasama,dahil alam ko naman na mula ng ikasal ka kay Zach ay labis ang saya mo noon lalo pa ng dumating sa buhay niyo ang aking inaanak na si Felicity na lalong nagpasaya sayo.” Wika pa sa akin ng aking bestfriend na ramdam ko na masaya talaga ito sa naging takbo ng marriage life ko.
“Ikaw Best, kaylangan mo balak na sagutin ang isa sa mga manliligaw mo?”Matagal na din naman mula ng maghiwalay kayo ng ex boyfriend mo atsaka panahon na din naman para sumaya kang muli.”,Tanong ko dito ng nakangiti naawa lang din kasi ako dito mula kasi ng lokohin ito ng ex niya ay hindi na din ito nagkaroon pang muli ng kasintahan kahit pa nga napakadaming kalalakihan na nagnanais na maging kasintahan ito ay tila ba manhid na ang kanyang kaibigan.
“Hay!” Naku Best,sa ngayon ay hindi ko na muna iniisip ang mga bagay na iyan dahil kung darating man ang lalaking muling magpapatibok ng aking puso ay gusto ko din naman na tuluyan na akong naghilom mula sa masakit na nakaraan ko.” Sabi nito sa akin na sinang-ayunan ko na lamang dahil nirerespeto ko din naman ang lahat ng desisyon nito.
“Nandito lamang ako palagi Best at lagi mo sana na tatandaan na kahit ano pa man ang maging desisyon mo ay lagi lamang akong nakasuporta!”
“Salamat Best,kaya nga hindi ako natatakot na hindi makapag asawa dahil nandiyan ka naman pati ni Felicity at ng aking pamilya na laging nakasuporta sa akin.’”Nakangiti na sabi pa nito sa akin.
Hanggang sa naubos na ang oras namin sa napakaraming kwentuhan at natigil lamang kami ng dumating na ang aming hinihintay na kliyente.
“Good morning Ma'am and Sir!” Bati naman agad dito.
“Good morning din sa inyo!”pasensya na din kung medyo na late kami dahil medyo traffic.” Paghingi pa ng paumanhin nito sa amin dahil almost 11:00 a.m na sila dumating sa aming flower shop.
“Okay lang po iyon,by the way ako nga pala ang owner ng Candice flower shop at aking bestfriend naman ay co-owner ng flower shop na ito.”
“I'm Candice Salazar Zamora,and ito naman po ang best friend at kami na din ang personal na mag-aasikaso sa inyo soon to be Mr, Mrs Cullen!” Pagpapakilala ko sa kanila sabay abot ng aking kamay ganoon din si Steph na tila na startruck na dahil ang aming kliyente ay walang iba kundi ang sikat na lead rapper ng MAHARLIKA na si Aidan Sho Cullen at kasama din nito ang fiancee na kayganda din na si Miss Bea na isa din sa mga tinitingala na modelo ng bansa ngayon.
Siniko ko si Steph dahil baka mamaya ay magselos si Miss.Bea dahil sa tingin ng bestfriend ko sa kanyang fiancee.
Bumitaw naman ito ng makuha ang aking nais sabihin sa kanya.
“I'm sorry Miss.Bea!” Napakagwapo naman po kasi ng mapapangasawa mo pero don't worry po dahil wala naman akong balak na agawin siya.” Hinging paumanhin ni Steph na ikinangiti ko na lamang maging ng mga kliyente namin dahil talagang naka peace sign pa ito na tila bata.
“Sanay naman na ako Miss Steph na madalas ay ganyan ang mga tao kapag nakikita sila lalo na siguro kapag nakita mo silang lima na magkakasama.” Sabi pa ni Miss Bea na tila balewala lamang dito ang pagtitig ni Steph sa fiancee, sobrang laki siguro ng tiwala nito kay Mr Cullen kaya naman ganito ang gestures nito na nakakatuwa dahil bihira lamang ang babaeng kagaya namin na maiintindihan ang sitwasyon ng mga asawa namin dahil kahit naman din ako ay aminado na marami din ang mga babaeng umaaligid sa aking asawa na madalas ay binabalewala ko lang din.Dahil hindi din naman sila pinapansin ng aking asawa.
“Wow!” Ang swerte mo naman po pala Mr.Cullen sa magiging soon to be wife mo kaya naman pala ayaw munang pakawalan dahil bukod sa ubod ng ganda ay napakabait at understanding pa.” Papuri pa dito ni Steph na totoo naman.
“Oo naman swerte talaga ako sa aking asawa dahil tama kayo na napakabait at understanding nito bunos na lamang na may napakaganda din ito na mukha kaya naman masaya talaga ako ng tanggapin niya ang alok ko na kasal sa kanya.” Sabi ni Mr Cullen na nakatingin lang kay Miss Bea habang binibigkas ang mga katagang kanyang sinabi,kitang kita talaga sa kanilang mga kilos na mahal na mahal nila ang isat isa.
"Tayo na po siguro para makita niyo na din ang mga sample ng bulaklak para sa inyong magiging kasal."Pag-aya ko sa kanila.