FITS 6

1952 Words
CHARLOTTE POV "Was it necessary?" tanong sa akin ni Mikay na ngayon ay narito sa cottage ko. Hindi ko na kailangang magtanong kung ano ang tinutukoy nito dahil alam kong ang nangyari sa pagitan namin ni Hiro ang tinutukoy niya. "He started it," saad ko at saka nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit na dala ko. I know, that reason is very immature. Alam ko rin na hindi ko na siya dapat pinatulan pa just because I was triggered by his question. Ngayon ay mas halata na ang kabitteran ko sa lahat ng nangyari, paniguradong alam na rin ni Hiro na hanggang ngayon ay apektado pa rin ako sa mga nangyari sa aming dalawa. But no matter how hard I try, pakiramdam ko ay nakakainis ang lahat ng lumalabas sa bibig nito. Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga kasabay ng palihim na mapait na pagngiti ko. I guess, it's a wrong decision to go here in Palawan. Bumabalik lang sa akin ang pait ng kahapon, ng mga ala-ala ng pangako ni Hiro sa akin at ng mga pangarap namin na sa isang iglap lang ay biglang nawala. Kung nalaman ko lang nang mas maaga, baka tinabla ko na muna si Annaisha kesa ganito na nagugulo ang loob ko. "Sana ako rin kaya kong maging okay, 'no?" I said out of nowhere. Nang tignan ko si Mikay ay bakas sa mga mata nito ang awa kaya agad din akong nag-iwas ng tingin. "Ngayon ko mas narerealize kung gaano ako kapathetic kasi hindi ko kayang maging okay, hindi ako makamove on. Iyong mga aklat na isinulat ko, may impluwensiya niya, while he's here, fine and nakamove on na." "Hey, hindi ka naman pathetic just because you can't forget something that you held on for so long, Cha," ani Mikay. "Nagmahal ka lang." I laughed with a hint of bitterness. "Hayaan na nga, bahala na," ani ko at saka tinapos na ang ginagawa dahil ayoko nang balikan ang mga nangyari noon na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang bigat. "Maliligo muna ako, ikaw ba?" tanong ko kay Mikay bilang pag-iiba ng topic. She stood up at saka tinapik ako sa balikat. "I'll go ahead na rin muna, madam. Maglilinis din ako ng katawan and maybe get a bit of rest," aniya. Napatango-tango naman ako. "Parating sina Sarah mamaya, 'di ba?" I nodded. "'Yon ang sabi ni Annaisha. Don't worry, lahat naman ng parating pa ay kilala mo rin so no need to be anxious, Mikay." I heard her hissed. "Mas nag-aalala ako sa 'yo kesa sa akin." I rolled my eyes as I chuckled a bit. "I know that you'll be there kapag hindi ko na nakayanan so I'll be fine, Miks." If there's one thing that I am really, really grateful to God, that is when He gave me someone like Mikay. Palagi ko na ring ipinagpapasalamat ito but it always hits different kapag nalalagay ako sa alanganing sitwasyon at alam ko na iwan man ako ng iba, may iisang tao na patuloy na pipiliin na aluin ako. Mikay always find a way to understand me. When I lost myself, she guided me, she brought me back to my sanity. Without her, hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin. Nang makaalis na si Mikay sa cottage ko ay agad akong nag-asikaso ng sarili ko. When I went out of the bathroom ay tinuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya na binigay sa amin ng staffs kanina habang nakaupo ako sa kama. Tig-iisa kami ng cottage rito sa Club Paradise dahil nirentahan naman nina Annaisha at Caleb ang buong isla for a month. Ang pagkakarinig ko ay parents ni Caleb ang nagregalo sa kanila nito, para na rin sa nalalapit na kasal ng dalawa na rito rin sa isla mismo gaganapin dahil beach wedding daw ang mangyayari. Ang cottage ni Mikay ay nasa likuran nitong akin. Since Annaisha and Caleb share the same cottage ay medyo malayo sila sa kung nasaan kami. About...him...sa kaniya ang cottage na nasa tabi nitong akin. Sina Sarah na parating pa lang ay rito rin banda sa amin pepwesto. Inihiga ko na muna ang sarili ko at saka sinubukang pumikit dahil medyo liyo pa rin ako gawa ng byahe. Nang magmulat akong muli ay madilim na sa kwarto ko. Agad kong binuksan ang lampshade na nasa tabi lang ng higaan ko. Nang magkaroon ng konting liwanag ay roon ko binuksan ang main light at s-in-et iyon sa dim. Nang maging kumportable na sa liwanag ay agad akong lumabas ng cottage ko ngunit sa pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inasahan ang taong bubungad sa akin. Nakaupo ito sa hagdan at nakaputing sando at beach shorts lang ito. Nang maramdaman nito ang presensya ay nilingon niya ako at saka ito bahagyang ngumiti. Awtomatiko namang humigpit sa seradura ng pinto ang pagkakakapit ko. "W-What are you doing here?" I asked Hiro. "Pinapasundo ka nina Annaisha sa akin dahil nagreready na sila ng hapunan but I think, you were still asleep kaya naghintay na ako," sagot niya. "Bakit ikaw ang sumundo sa akin? How about Mikay?" "She's with them. Nagpatulong si Anna sa pag-aayos, nandiyan na rin sina Sarah." I sighed at saka ako nag-iwas ng tingin. "Next time, say no kapag may pinapagawa si Annaisha na about sa akin. You don't have to force yourself to—" bago ko pa man matapos ang dapat ay sasabihin ko, pinutol niya na ito. "I am not forcing myself, Cha," aniya. Agad akong nanahimik dahil hindi ko alam kung dapat kong sagutin pa ang sinabi nito. Baka pagmulan ulit ng argumento kapag sumagot pa ako. "Gusto ko ring gawin ang kung anong pinagagawa nila—" "Why?" this time, it was my turn to cut his words off. "I hope, hindi iyon dahil sa nag-eenjoy ka na makita ang reaksyon ko, or to see that I am still hurting after how many years, Hiro," I added in a very sarcastic tone. "I'm sorry, Cha." Nang marinig ko ang mga katagang 'yon ay mas maraming ala-ala pa namin ang pumasok sa isip ko. When I first heard him say that, I thought he really mean it kaya tinanggap ko, but when he decided to break me again for the second time, narealize ko na niloloko ko na lang pala ang sarili ko. "Saka mo na lang bitawan ang mga katagang 'yan kapag alam mo sa sarili mo na kaya mo nang panindigan 'yan," saad ko at saka isinara ang pinto ng kwarto ko. Ngunit dahil nasa hagdan ito ay hindi ko magawang bumaba. I heard how he let out a sigh bago ito tumabi para makadaan ako. Akmang paalis na ako sa lugar na 'yon nang marinig ko ang panibagong kataga na tatarak sa akin at mula na naman ito sa kaniya. "That night, I can't push her away," he said. I bit my lower lip at saka ko nilunok ang kung anong nakabara sa lalamunan ko. Ipinagpapasalamat ko na lang din na nakatalikod na ako sa gawi nito kaya hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na makita ako sa ganitong senaryo. "So, you push me away instead," mahinang tugon ko. I breathed. "I hope, you're happy with your decision, Hiro, and please...kung kaya mo lumayo sa akin or to not ask me anything, kindly do so kasi wala akong nagugustuhan sa lumalabas sa bibig mo. Sana this time, kaya mo na makiramdam." Hindi ko na hinintay pa ang pagsasalita nitong muli at umalis na ako sa lugar na 'yon dahil mas bibigat lang ang lahat para sa akin kung magtatagal pa ako roon kasama siya. He's still giving me the same reason he gave me five years ago, the same line na hindi niya pwedeng itulak palayo si Thalia no'ng gabing 'yon but after that, there's nothing else. Kagaya noon, wala pa ring karugtong na eksplanasyon ang linyang 'yon. Iyon lang 'yon. Halos mapapitlag ako nang may biglang humawak sa braso ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay si Mikay pala iyon. "Ayos ka lang ba, madam? Sorry kung si ano ang sumundo sa 'yo," aniya. Bahagya akong ngumiti. "No worries, Mikay. I needed that talk, too." Hindi na ito nagsalita pa at niyakap lang ako. Bigla namang nangilid ang luha ko sa hindi ko malamang dahilan ngunit minabuti ko ring pigilan iyon. Ayoko nang umiyak. Hindi na ako dapat umiyak. Inakay ako ni Mikay papasok sa dining hall kung saan kami maghahapunan. Agad naman akong napangiti nang salubungin ako ng yakap ni Sarah. Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko nang makita ang baby bump nito. Sarah's pregnant with their first child ni Stephen na isa ring kaibigan namin. "Itong si Cha, nakakatampo," ani nito kaya natawa kaming mga kasama ni Sarah sa mesa. We're having barbeque dinner. "I invited her to my wedding pero hindi siya nakapunta, pero ngayon nandito for Annaisha's wedding. Naku ha, kapag nawala pa siya sa binyag ng anak ko, magkakalimutan na talaga kami." "Huwag ka, sapilitan ang pagpunta niyan," ani Annaisha kaya mas natawa ako. "Binilhan ko agad ng ticket para hindi na makahindi." Napailing-iling na lang ako dahil sa pinag-uusapan nila. Last year, ginanap ang kasal ni Sarah. I wasn't able to come dahil no'n ko inilabas ang libro kong naglagay sa akin sa kung nasaan ako ngayon. Naging sobrang busy kaya halos mawalan ako ng koneksyon sa kanila. Si Mikay na halos ang nagpapaliwanag sa tropa na busy ako dahil sa events na inaayos nina Philip at ng buong House of Love para sa akin. "Maiba tayo, kumusta ka na pala, Cha? Nabasa ko sa social media ang event mo, grabe! Napuno mo ang arena, girl!" ani Sarah. Ngumiti ako. "Hindi ko rin inexpect na mangyayari 'yon, but hindi lang dahil sa akin kaya naging posible ang lahat." I looked at Mikay. "Mikay's a part of the event's success, too. Maging ang buong members ng House of Love." "Bet ko nga sana pumunta kaso ito, najuntis agad, teh!" "Para namang ayaw mo pa magkaanak niyan, love," ani Stephen kaya agad na nanuyo si Sarah sa asawa. Napangiti na lang ako na napapatingin sa kanila, maging kina Caleb at Annaisha kung saan ay nakasandal si Annaisha sa balikat ni Caleb. I am so happy for my friends. Kung ano man ang mayroon sila ngayon, they deserve that. We saw kung paanong nag-struggle ang lahat sa amin to get what we have right now and to see them happy, masaya na rin ako kahit papaano. Kahit pa iyong akin, hindi nagwork. "How about you, Hiro? Kumusta ka na rin? We haven't heard from you, ha," ani Sarah. Mas pinili kong yumuko at magfocus sa pagkaing kinakain ko ngunit para akong unti-unting nawawalan ng gana. "Same old, same old," dinig kong tugon nito. "Congratulations nga pala sa inyo ni Stephen." "Thank you," dinig kong tugon ni Sarah. "Thank you rin sa ipinadala mong regalo no'ng kasal namin." Tumayo ako para abutin ang inihaw na surahan sa may kanang gawi ni Mikay but I was put in halt of the hand na nag-abot sa akin no'n. It was Hiro's. "Thanks," I uttered at saka mabilis na kinuha ang lalagyan ng isda mula sa pagkakahawak nito. Mikay coughed a bit. "How about iyong construction ng bahay mo? Kumusta 'yon?" Sarah asked once again. "It saddens me pa rin na nagkahiwalay kayo ni Cha. Nabanggit sa akin ni Stephen ang tungkol sa bahay na dapat ay regalo mo kay Cha sa anniversary—" "Love," tila pag-aawat ni Stephen sa asawa ngunit huli na ang lahat. I heard enough. Nag-angat ako ng tingin at mga mata ni Hiro agad ang una kong nakita. I saw him smiled a little at saka ito nag-iwas ng tingin sa akin. Anong...bahay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD