FITS 1: FIRST INSTALLMENT
CHARLOTTE POV
"You gave it your all and if things did not work out the way you wanted them to, that's not your fault. Remember only the good memories and let them go with a happy heart. You may suffer a little or maybe quite a lot but no matter how hard it is, you will endure your broken heart. You will move on, you will heal and at the end of the day, you will be okay. That is the Art of Letting Go."
Sunod-sunod na palakpakan ang narinig ko matapos kong basahin ang huling linya ng nobela kong Art of Letting Go. Everything still felt surreal. Ni hindi ko akalain na aabot ako sa ganitong punto. I dreamt of this and now, I am here. Kahit pa ilang beses ko na 'tong nagagawa, palagi pa ring parang bago ang pakiramdam.
"Any questions?"
Marami ang nagtaas ng kamay ngunit mas inuna kong bigyan ng pansin 'yong malalapit sa akin.
"Author, sino po ang inspirasyon ninyo sa pagsusulat ng librong 'to pati na rin po 'yong iba n'yo pang libro? Puro malulungkot po kasi ang ending," ani no'ng nagtanong.
Ngumiti ako sa kaniya bago ko muling inilapat ang mic sa bibig ko. "Isang tao na espesyal sa akin. Kung mapapansin n'yo, sa lahat ng acknowledgement ng libro ko, naroon siya. Walang pangalan pero naroon siya."
Napuno ng pang-aasar ang venue. Wala akong ibang nagawa kun'di ang ngumiti. May nagtaas ulit ng kamay kaya pinatayo ko siya.
"Author, may chance po ba na makilala namin siya?"
Hindi ako agad nakasagot. Pakiramdam ko ay tumigil lahat dahil sa tanong niya. Sa loob ng limang taon na ginagawa ko 'to, walang nagtanong sa akin tungkol sa kaniya. Ngayon lang. Wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti.
"Kapag handa na ako, ipapakilala ko siya sa inyo."
May iilang tanong pa akong sinagot bago natapos ang book signing event ko. Pakiramdam ko'y lupaypay ako nang magawa naming makasakay ni Mikay sa kotse. I looked at my wrist watch and it's almost six in the evening. Madilim na rin sa labas kaya katanggap-tanggap naman ang oras pero hindi ko inasahan na tatagal ako sa event na ‘yon.
"Okay ka lang?" tanong ni Mikay sa akin.
Sa loob ng maraming taon, si Mikay ang nanatili sa tabi ko. Kahit no'ng hindi pa ako sikat ay nariyan na siya sa tabi ko para alalayan ako at suportahan sa bawat nobelang naisusulat ko. Siya rin mismo ang nagvolunteer na maging assistant ko pero kahit na gano'n, hindi ko siya tinuring na assistant ko lang. She's more than that. She's like a sister to me.
"Yes, Mikay. Alam ko naman na darating ang araw na matatanong siya sa akin. Besides, it's my fault. Sinasama ko siya sa bawat librong nagagawa ko."
She held my hand and pressed it lightly. "Alam mo, sana hindi masarap kinakain no'ng ex mo!"
Natawa ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman lingid sa kaniya ang nangyari sa amin ni Hiro, ang ex ko. She was there no'ng masaya pa kami ni Hiro and she was there when things became...complicated. Sa sobrang sakit at lungkot ng lahat, ni wala akong lakas na maalala 'yon.
"Tumawag nga pala si Annaisha kanina. Sabi niya urgent daw pero sinabi ko rin na hindi ka pwede abalahin kasi busy ka na sa event. I informed her na tatawag ka kapag free ka na," aniya.
Napatango-tango na lang ako 'tsaka napahilot sa sentido. I am tired. Hindi naman biro ang book signing event na halos limang oras kong ginawa. Kahit nakaupo lang ako ro'n at tumayo lang no'ng nagbigay ng speech, nagbasa ng ending at nagpictorial, nakakapagod pa rin. Don’t get me wrong, gusto ko ang ginagawa ko pero tao rin ako, hindi naman ako ligtas pagdating sa pagod. Kahit pa ata paulit-ulit kong gawin ang bagay na ‘to ay mapapagod pa rin ako. Sa sakit lang naman ako hindi napapagod. Kidding.
Nang makarating kami sa tinutuluyan namin ay agad akong napasalampak sa sofa. Agad ding nagpaalam si Mikay sa akin na maghahanda ng makakain namin sa kusina. We're living under the same roof. We're both single naman kaya walang issue.
Hindi ko nga alam kung bakit mas pinili niya na magtrabaho sa akin. She told me that somehow, my works helped her, a lot, kaya imbes na magtrabaho sa mas malalaking kompanya dahil graduate naman siya ay mas pinili niyang sa akin na lang. Hindi ko man daw kayang tapatan ang mga sahod na makukuha niya ro'n, may peace of mind daw siya kapag ako ang kasama niya. Hindi ko rin siya masisisi dahil medyo may pagkasocial anxious si Mikay.
Napaayos ako ng upo nang magring bigla ang cellphone ko. I saw Annaisha's name on screen kaya mabilis kong sinagot 'yon.
"Hey..." bati ko.
"Hey hey ka riyan! Kanina pa ako tumatawag, si Mikay lagi ang nasagot. Nagtatampo na ako, ha," aniya.
I rolled my eyes dahil sa inasta nito. "She told you na busy ako, Anna."
"Anna?!” Awtomatikong nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ko nang tumaas ang boses niya. “Magtigil ka nga, Charlotte! Ang pangit-pangit ng Anna!"
I laughed dahil halatang inis ito sa pagtawag ko ng Anna sa kaniya. Ayaw niya na tinatawag siya sa gano'ng pangalan. Masyado raw old pakinggan at hindi raw maganda sa pandinig. I find it cute, tho. May isa pa nga akong character na Anna ang pangalan. I love how innocent it sounds. Ibinalik ko sa tenga ko ang cellphone nang kumalma na siya.
"Anyway, kaya ako napatawag kasi..." she paused.
"Kasi?"
"Girl, I am getting married!"
My jaw dropped. Ikakasal na siya? "Really? I am happy for you, Annaisha!"
"Thank you, Cha! Sobrang bilis ng lahat pero gusto kasi ni Caleb na magpakasal na kami."
Tumaas ang kilay ko. "So, si Caleb pala ang unlucky groom," pagbibiro ko.
"Hoy! Ang sama nito! Kaibigan ba talaga kita?! Swerte na nga sa akin ang kumag na 'yon, eh!"
"Akala ko ba nagbreak kayo? Bakit may kasal na magaganap?"
I heard her hissed from the other line. "Nasosobrahan na kabitteran mo, Charlotte. Hindi na ako natutuwa."
"I'm clarifying things, hindi ako bitter."
"Ay! Ay! Ay! Denial."
"Atleast, hindi marupok na makikipaghiwalay raw tapos may goodbye pang nalalaman then boom! Malalaman mo na lang, ikakasal na pala—"
"Don't judge me. Mahal ko, okay? At saka, sinuyo niya ako."
"Yeah, like for a week or two? Kasi parang last month lang magkaaway pa kayo tapos ngayon ikakasal na kayo. Girl, gano'n ka karupok."
"Girl..."
"Oh, ano?"
"Hindi na ako magsasalita." Tumawa siya mula sa kabilang linya kaya natawa na rin ako. "I want you to be there, Cha. Leave ka naman for a month."
I was caught off guard. "A month? Bakit isang buwan? Ano ba 'yang kasal n'yo? Pati sa honeymoon, isasama n’yo ko? Huwag na, uy."
"Lukaret! Masyado kang naiimpluwensyahan ng pagiging author mo,” aniya at saka natawa. “Gusto kasi namin na makabonding kayo since katapusan pa naman ng buwan ang kasal. Next month pa naman kaya may time ka pa mag-isip."
I rolled my eyes. "Yeah, like a week na lang para mag-isip dahil after ng linggo na 'to, panibagong buwan na."
"May ticket ka na girl, you can't say no," aniya.
"Ticket? Saan ka ba ikakasal babaeta?"
"It's a beach wedding. Sa Club Paradise rito sa Palawan."
Pakiramdam ko'y biglang nagningning ang mga mata ko. Palawan? As in, ang dream destination ko? As in, the Palawan of my dreams? As in...the paradise?
Kahit naman kasi may pera ako na pamasahe papunta roon ay hindi ko magawang pumunta. Una, busy ako sa trabaho. Sunod-sunod ang manuscripts na kailangan kong iedit at ipasa. Pangalawa, hindi pa ako kumportable sa ideya ng Palawan dahil naaalala ko lang siya roon. Pangatlo…well, bumalik na lang ulit sa pangalawa dahil ayon naman talaga ang pinakarason.
Kung gaano tuloy kabilis namuo ang excitement sa katawan ko ay gano'n din kabilis na nawala 'yon nang maalala ko si Hiro. It was our dream wedding destination. Well, it was...
"Hoy! Nandiyan ka pa ba, Cha? Nabanggit lang Palawan, nawala ka na bigla."
Lumabas na rin mula sa kusina si Mikay and she pointed at me, as if asking kung sino ang kausap ko. I mouthed Annaisha.
I sighed. "Sure. Count me in. I'll bring Mikay with me."
Mikay pointed at herself, takang-taka. I nodded at saka sinenyasan siya na ikekwento ko mamaya.
"Sure. Babatukan ko pa siya kasi kinekeri masyado ang pagiging assistant sa'yo."
Natawa ako sa sinabi niya. "Yeah, sure. I'll inform her about that."
Sandali pa kaming nag-usap about sa kung ano-ano. Natapos lang ang tawag nang magsabi ako na kakain na kami ni Mikay. Gutom na gutom na rin ako dahil puro tubig lang ang mayro'n sa event. I thanked Mikay para sa sinigang na isda na niluto niya. Nang matapos kami kumain ay nagpresenta ako na maghugas. Hinayaan na lang din ako ni Mikay dahil alam niyang wala siyang magagawa. Besides, she needs some rest, too. Siya ang nakikipagcoordinate no'ng wala pa ang event at hanggang sa mismong event, busy pa rin siya. Hindi ko siya manager pero gano'n siya kahands on sa event at sobrang grateful ko sa kaniya dahil do'n.
Nang matapos ako maghugas ay naabutan ko si Mikay sa sala. Nakapatong pa ang paa nito sa mesa habang tawang-tawa sa pinapanuod niya.
"Mikay," I called. Agad niya naman akong nilingon. "Mauuna na ako matulog. You should get some rest na rin."
"Pagkatapos nito, tutulog na rin ako," aniya.
Akmang aakyat na ako nang maalalang may dapat pa akong sabihin sa kaniya. "Hey..." I called again at muli siyang lumingon. "Annaisha's getting married next month. Pupunta tayo."
"Woah...may jowa ba 'yon? Akala ko break na sila no'ng last boyfriend niya?"
I chuckled. "Akala ko rin pero mukhang nauto ulit ni Caleb kaya ayon, magpapakasal. Anyway, suportahan na lang natin. I saw how happy she is kay Caleb."
"Saan ang kasal?"
"Sa...Sa Palawan—"
"Ha?! Eh, 'di ba do'n niyo rin gusto magpakasal noon?"
I pressed my lips bago napabuga ng hangin. "Yeah. But noon 'yon."
"What if...naroon din siya?"
Hindi ako agad nakasagot. Wala akong makapang salita para isagot sa kaniya. I was caught off guard.
"Rest now, Cha," aniya. "Huwag mo na sagutin, alam ko naman na hindi ka pa handa."
I smiled a little. "I am sure wala siya kasi kung naroon siya, sasabihin naman agad sa akin ni Annaisha. Let's just hope na wala siya."
"Yeah. Dahil kung naroon si Hiro, ako pa sasapak sa kaniya!" Nahimigan ko sa boses niya ang pagbabanta kaya napailing-iling na lang ako.
"Thank you sa concern, Mikay," I said genuinely.
"Okay na ako sa konting raise sa sahod," pagpaparinig niya pa.
I chuckled. "How about magpalit na ako ng assistant?"
She snorted. "Hindi ka naman mabiro. Ang taas na nga ng sahod ko galing sa'yo. That's my way of saying na you're always welcome."
I offered her another genuine smile bago ko naisipang tumuloy na sa pag-akyat sa kwarto ko. I deserve a good rest dahil sasabak pa ako sa panibagong laban bukas pagdating ko sa publishing house na pinagtatrabauhan ko.
Naglinis na ako ng katawan. Malaking ginhawa sa akin nang maibagsak ko sa kama ang aking sarili. Ramdam ko na rin kasi ang pagod at sakit ng likod ko. Nakakafulfilled naman ang event kaso sobrang nakakapagod lang din talaga.
Bigla namang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Mikay. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga dahil do'n. What if he's really there? Anong gagawin ko? O may dapat ba akong gawin? Last time we talked, hindi naging maganda ang kinalabasan. Nauwi lang kami sa wala. How did we end up here? Sobrang saya namin noon. What...happened?