FITS 2

2192 Words
CHARLOTTE POV Mabilis kaming nag-ayos ni Mikay dahil pareho kaming natanghalian ng gising. I still have a lot of work to do at paniguradong mapapagalitan na naman ako ng senior editor namin nito. Nagpaalam pa driver namin na hindi siya makakapasok gawa na may family problem siya kaya ako ang nagmamaneho ngayon. Hindi ko pwedeng asahan si Mikay sa bagay na 'to at baka sa kung saang kangkongan kami mapunta. "Sira ata phone ko kaya hindi nag-alarm. Mukhang need ko na ng new phone," ani Mikay habang nasa byahe kami. I hissed. "Saka ka na magparinig dahil paniguradong magigisa tayo pagdating natin ng office." "Bakit ako kasama?" tanong ni Mikay kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Assistant mo lang naman ako, ikaw naman 'tong may trabaho sa pag-aayos ng manuscript mo kaya ikaw lang mapapagalitan." Parang wala lang sa kaniya ang masamang tingin ko kaya minabuti ko na lang na ituon sa daan ang mga mata ko. Ayokong madagdagan pa ang kamalasan ko ngayong araw. Nang magawa naming magpark ay mabilis ang kilos ko sa pagdampot ng cellphone at car key ko. Si Mikay naman ay lumabas na rin para umikot sa backseat para dalhin ang bag ko na may lamang laptop at kung ano-ano pa. "Handa ka na ba mapagalitan?" pang-aasar niya. "Handa ka na ba mawalan ng trabaho?" "Kahit author ka, ang pangit mong kabiruan ano?" Natawa ako nang bahagya sa kabila ng kaba ko dahil sa sinabi niya. Dati lang ay sobrang hinhin niya makipag-usap sa akin. Sobrang magalang din. But I think nadala na ng ligaw na hangin ang dating Mikay dahil ngayon, parang ako pa ang dapat mahiya sa kaniya. Kahit papaano ay okay na rin dahil mas okay na ganyan siya kakomportable sa akin kesa hiyang-hiya siya sa akin gaya ng dati. Nang makapasok kami sa House of Love ay pareho kaming tahimik. Wala na ring nadaldal sa amin nang makasakay kami sa elevator. Napahinga pa ako nang malalim nang marating namin ang third floor, ang floor kung nasaan ang mini office na nakalaan para sa aming mga writer. Halos dahan-dahan kami sa paglalakad dahil madadaanan namin ang editor's area. "You're late!" ani isang baritonong tinig. Napalunok pa ako ng laway bago ko siya nagawang lingunin. Nakita ko si sir Philip, ang senior editor namin. Halos kaedaran ko lang siya pero hindi hamak naman na mas mataas posisyon niya kumpara sa akin. Mas malaki rin ang sweldo. "Hi, sir!" masiglang bati ni Mikay. Mas napasimangot tuloy ang isa. Crush na crush ni Mikay ang isang 'to kahit ubod ng sungit. Hindi ko ba alam kung anong nakita niya kay Philip at naging type niya ito. "Tapos ka na ba sa manuscript mo?" tanong nito sa akin nang hindi pinapansin ang greetings sa kaniya ni Mikay. Napailing naman ako. Ni hindi ko magawang yumuko dahil ang unprofessional no'n. "Last week na ngayon ng March. Next month ay mag-eevaluate na kami. Kailan ka magpapasa?" tanong niya ulit. "Hopefully, this week din po," sabi ko. "Five chapters na lang po kulang ko, sir. Maglileave rin po kasi sana ako next month." Agad na nangunot ang noo niya. "Leave? Ilang weeks?" "Isang buong buwan po, sir," pabulong kong tugon. Naghihintay na ako sa pagbulyaw niya sa akin pero lumipas ang ilang segundo, wala siyang sinasabi. Nakatingin lang siya sa akin bago nito inilipat kay Mikay ang mga mata niya. "Kasama ka?" tanong niya kay Mikay. "Yes na yes!" masiglang tugon no'ng isa. Animo'y nagniningning pa ang mata nito dahil may bumabang anghel mula sa langit. Gano'n niya ba talaga ka-gusto si Philip? Ano bang mayro'n si Philip? Parang wala naman. Umiigting lang ang panga. "Buti naman. At least mababawasan ang ingay rito sa office," ani sir Philip na muntik kong tawanan. Nakita ko kung paanong sumama ang mukha ni Mikay. "Mamimiss mo rin ako." Halos malaglag ang panga ko nang sabihin niya 'yan nang harap-harapan kay sir Philip. Nakakalimutan niya ba na hindi namin ka-lebel ang taong nasa harap namin ngayon? "Charot lang!" pahabol ni Mikay. Napailing na lang si sir Philip bago tumalikod sa gawi namin. Akmang aalis na rin kami roon nang biglang may tumawag sa akin kaya muli akong napalingon. This time, it's Ezra, a junior editor. May dala-dala siyang tupperware na naglalaman ng kung anong brown na bagay. All I know is brown ito pero hindi ko maaninag nang maayos. Thanks to my 1.75 na grado sa mata. "Naks! Sipag mo pumorma, Ezra, ah!" kantiyaw ni Mikay sa isa. Napakamot tuloy ito sa kaniyang batok at alanganing ngumiti. "Hi," aniya na nakatingin sa akin. I smiled a little. "Hi." Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may gusto sa akin si Ezra. Hindi ko na rin alam kung gaano katagal niya balak na manatili sa ganitong sitwasyon. Kung hindi ako nagkakamali ay halos dalawang taon niya na 'tong ginagawa. Umaasa na isang araw, magagawa ko siyang bigyan ng chance. Pero kung sarili ko nga hindi ko magawang bigyan ng pagkakataon, paano pa kaya ang ibang tao? The least thing I want for now ay ang maging selfish at gumamit ng tao for rebound. Iniabot sa akin ni Ezra ang tupperware na dala-dala niya. Hindi ko naman agad 'yon tinanggap at tinitigan lang muna bago ibinalik kay Ezra ang tingin. "I noticed you like sweets," aniya. "So I made you some graham balls." "Hala!" bulalas ni Mikay. "Hindi kasi mahilig sa balls si Charlotte lalo na kung graham balls. 'Di ba, Cha?" Pinaningkitan ko ng mata si Mikay. Alam ko ang tinutukoy niya. Alam na alam ko. Napansin ko ang muling pagkamot ni Ezra sa kaniyang batok at ang muling pagkaalangan ng ngiti nito. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot para sa kaniya. I took another breath bago ko kinuha ang kanina niya pa inaabot. "Thank you, Ezra," I genuinely uttered. He smiled. "Walang anuman, Cha. Balik na ako sa loob," aniya habang nakaturo pa sa editor's area. Nakita ko ring nakatingin na si Philip sa amin kaya minabuti ko na ring magpaalam. "Hoy, bakit mo tinanggap?" tanong ni Mikay sa akin nang makalayo kami sa editor's area. Wala akong ibang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. "Ayokong makasakit ng tao." "Tingin mo ba hindi mo siya sinasaktan sa pagpapakita mo ng awa sa kaniya? Hindi niya kailangan ng awa, Cha. Ang kailangan niya magpakatotoo ka—" Hinarap ko siya kaya hindi na nito naituloy ang dapat ay sasabihin. "Anong gusto mong marinig sa akin? Na si Hiro pa rin? Na tanggihan ko ang ibang tao kasi si Hiro pa rin ang mahal ko? O baka goal mo iparealize sa akin na ang tanga ko na kasi limang taon na ang nakakalipas pero narito pa rin ako sa parehong pahina? Tell me, Mikay, kung anong pagpapakatotoo ang kailangan kong gawin." She bit her lower lip. I saw how worried she is dahil sa kung paano niya ako tignan. I admitted na si Hiro pa rin. What the... "Cha, you're a great person," she said. "Kung alam mong si Hiro pa rin, huwag ka muna tumanggap ng iba. You're indirectly giving a chance to Ezra dahil sa actions mo." Isa pang malalim na hinga ang kumawala sa akin. Nahilot ko rin ang sentido ko dahil pakiramdam ko'y may kung anong pumipintig mula roon. Iniabot ko kay Mikay ang tupperware. She raised a brow on me. "Accept it," sabi ko at kusang kinuha na ang kamay niya para ilagay ang tupperware roon. "Pumunta na tayo sa area ko at baka wala akong matapos sa manuscript ko." Inunahan ko na siya sa paglalakad. Panay rin ang tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya nililingon. Agad kong kinuha kay Mikay ang laptop ko at inilapag 'yon sa desk ko. I made myself busy kahit pa ang ginagawa ko pa lang ay tumingin sa logo ng windows na nagpop up sa screen ng laptop ko. "Masarap ang graham balls ni Ezra," ani Mikay. I snorted. "You're making it sound so wrong, Mikay." "Ha?" pagmamaang-maangan nito. "Malinis ang intensyon ko. Ikaw ang marumi ang utak." I rolled my eyes. Hindi niya na rin ako dinaldal nang mag-umpisa na akong mag-open ng files ko for manuscript editing. This will be my sixth novel na ipapublish under House of Love. Exclusive contract din ang pinirmahan ko sa kanila at kung hindi ako nagkakamali ay malapit nang mag-expire 'yon. Wala naman silang dapat ipag-alala dahil gusto ko pa rin namang magpatuloy sa pagsusulat. Kahit pa may ibang publishing house na nag-ooffer ng mas malaki sa akin, ayokong iwan ang publishing house na tumulong sa akin na makarating sa kung nasaan ako ngayon. I smiled by the thought na no'ng unang salang ko sa book signing event, wala halos nakakakilala sa akin. Halos puro social media promotions lang din kasi ginawa ko no'n. Hindi rin sumakit o nangalay man lang ang kamay ko dahil konti lang ang nagpapapirma. But look how much I've grown. Nagawa kong magkaroon ng solo book signing event at sa isang arena pa. Ang dating pangarap ko lang, nagkatotoo na. Totoo nga, na may tamang panahon para sa lahat. "Hala, napapangiti mag-isa. Natutulala pa," ani Mikay habang masyadong malapit ang mukha sa akin. Muli ko siyang inirapan 'tsaka nilayo ang mukha niya sa akin. "Naaalala mo si Hiro?" diretsahang tanong niya. "What?! Why would I?! Mandiri ka nga, Mikay!" "Sus! If I know. Kinikilig ka pa rin kapag maaalala mo first time na nagkakilala kayo," aniya. Naupo pa ito sa upuang nasa harap ng table ko at animo'y nag-iimagine ng kung ano-ano sa ere. Kinukumpas-kumpas niya pa ang kamay niya kaya halos pagtinginan kami ng ibang writers na nasa opisina. "Ang magical naman kasi no'ng first meeting n'yo, ano? Akalain mong dahil sa balls—este ball, makikilala mo prince charming mo." Tinampal ko siya sa braso. "Hoy! Magtigil ka nga!" Ngiting-ngiti siya nang humarap sa akin. Ipinatong niya pa ang mga braso niya sa mesa ko at saka pumangalumbaba. "Ang creepy mo, Mikay!" "Namimiss ko lang bigla ang ChaRo love team." Hindi ko maiwasang matawa dahil sa sinabi niya. "MMK kami, gano'n?" "P'wede na rin," aniya. "Drama ng love story n'yo, eh. Sakit dito, oh." Tinuro niya ang gitnang parte ng dibdib niya. "Magmove on na lang tayo, p'wede ba?" Iniwas niya ang tingin sa akin. "Ako nakamove on na. Namimiss ko na lang paminsan-minsan. Pero ikaw..." Halos mabato ko siya ng paper clips dahil sa ngising pinapakita niya sa akin. "Lupit mo, Cha! Limang taon na, nariyan ka pa rin. Buti pa nga ang taon, nausad. Ikaw kaya, kailan?" Tinawanan niya ako nang makitang asar na asar na ako sa pinagsasasabi niya. "Kailan mo gusto mawalan ng trabaho?" pabirong asik ko sa kaniya. She acted as if she's zipping her mouth. Nang manahimik siya ay ibinalik ko na sa laptop ang atensyon ko. Ngunit ilang minuto pa lang akong nagtitipa, nabother na ako ulit ng lakas ng pagnguya ni Mikay. Sinilip ko siya at feel na feel nito ang pagkain sa graham balls ni Ezra. Dahil nakapikit siya, hindi niya namalayan ang pagpasok ni sir Philip. Muntikan akong matawa nang makita kong halos mandiri si sir Philip sa nakikita niya. "Ang sarap talaga ng graham balls ni Ezra!" ani Mikay. Agad din siyang natigilan nang makita niya si sir Philip sa pinto. "Really, huh?" Natawa ako nang bahagya dahil mabilis na nailapag ni Mikay sa desk ko ang tupperware na hawak niya. Iilan na lang din ang laman no'n. "Masarap ang graham balls ni Ezra, ha?" pag-uulit ni Philip sa tanong niya kay Mikay. "Ha?! Sino may sabi no'n? Ang tamis-tamis nga, eh!" Bumaling sa gawi ko si Mikay kaya nataasan ko siya ng kilay habang may ngiti pa rin sa aking labi. "Ikaw naman, Cha, huwag kang tanggap nang tanggap ng binibigay sa'yo! Sa akin mo pa binibigay, naku! Magkakadiabetes ako sa tamis!" Wala akong ibang nagawa kun'di ang umiling sa kabaliwan niya. Akala niya ba talaga ay mapapaniwala niya si sir Philip? Naabutan siya sa akto na sarap na sarap sa kinakain niya. She looked funny. "Anyway..." awtomatikong bumalik kay sir Philip ang mga mata ko. "I came here to say na galingan n'yo sa pag-eedit dahil kasama namin sa evaluation ang manager ng publishing. Good luck, everyone." Nang akala ko'y aalis na siya, nagkamali ako. Binalingan niya pa ulit si Mikay na nakanguso na lang ngayon at nakatingin din sa kaniya habang nakatayo. "Ikaw naman, have some manners sa pagkain. Huwag kang ngumuya na parang ayan na ang pinakamasarap na pagkaing nakain mo. Graham balls lang 'yan." Mabilis niyang isinara ang pinto pagkatapos no'n. Nangiti naman ako dahil sa inasta niya. Mukhang nagbunga na ang paghihirap ni Mikay sa isang 'yon. Naputol ang pagtingin ko nang may maramdaman akong hampas sa braso ko. Napadaing pa ako nang konti dahil do'n. "Bakit hindi mo man lang sinabing nandiyan si Philip mylabs sa pinto?" naghihisterikal na tanong niya sa akin. "Jusme! Nagmukha akong ewan!" "Don't worry, cute ka pa rin sa paningin no'n." Kinindatan ko ito. Agad naman siyang namula dahil sa sinabi ko. Hindi niya rin naitago ang kaniyang mga ngiti nang magawa niyang maupo ulit. Napailing na lang ako sa lakas ng tama niya kay Philip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD