FITS 3

2080 Words
CHARLOTTE POV Abala ako sa pagtitipa sa laptop ko ng mga additional scenes na isasama ko sa mismong libro habang nanguya ng manggang hilaw na nabili namin ni Mikay kanina habang pauwi kami. "Ano ba 'yan, Cha! Ang asim-asim ng kinakain mo!" pagrereklamo ni Mikay. Sinilip ko siya at prente siyang nakahiga sa sofa na katapat no'ng akin habang ang sama-sama ng tingin sa akin. Halatang disgusto na disgusto ito sa manggang hilaw. Wala namang ginagawa ang mangga sa kaniya. "Huwag mo 'kong panuorin kumain kung naaasiman ka." Bumalikwas siya ng bangon at saka naupo. "Pwede ba 'yon? Rinig na rinig ko kaya lutong no'ng kinakain mo." Nagkibit balikat ako. "One thing's for sure, hindi ang mangga ang mag-aadjust para sa'yo." Dinampot niya na ang cellphone niya kaya binalik ko na rin sa laptop ko ang mga mata ko. "Magluluto na ako," aniya. "Any special request, author-nim?" Natigilan ako sandali. "I am craving for ginataan." "Ginataan? Jusme ka! Alas sais trenta na, ineng! Saan ako kakalap ng puno ng niyog, aber? Hapon na rin para pumunta ako ng talipapa." "Okay. Paksiw na lang," sabi ko. "Ayon!" "Paksiw na lang para magataan natin bukas ang matitira." I heard her hissed. "Porke may naaalala sa gata—" Nabato ko siya ng mangga nang wala sa oras. Sayang at hindi tumama sa kaniya. Sayang ang mangga. Tawa naman siya nang tawa dahil sa nangyari. "Bakit ka nambabato?" "Eh, bakit ka nang-aasar?! Hindi lahat konektado kay Hiro, okay?" "Wala rin naman akong binabanggit na pangalan," pang-aasar niya. "Defensive mo!" "Hindi niya naman favorite ang ginataan—" "Pero ayon ang kinain n'yo sa isa sa mga dates n'yo." "Hindi naman porke gano'n ay bawal na ako kumain ng ginataan!" "Wala naman akong sinasabi!" "Nakakainis ka, Mikay!" She laughed once again. "Nice try, Cha. But, try harder." Laking pasasalamat ko nang umalis na siya at pumunta na sa kusina. Kahit kailan talaga ay alam na alam niya kung paano ako iinisin. Kung sabagay, iilang taon na rin kaming magkasama. Alam na alam niya na ang bawat pasikot-sikot ng bituka ko kaya hindi na ako nagtataka na malakas na ang loob niya na asarin ako at parang hindi na niya kailangan pang mag-exert ng effort sa pang-aasar sa akin. Ibinalik ko sa laptop ko ang aking paningin ngunit agad ding napahinto nang makita ko ang tupperware ni Ezra na may lamang iilang piraso ng graham balls. Kinuha ko 'yon at binuksan. Hindi ko alam kung ilang segundo ko muna tinignan ang laman no'n bago dumampot ng isa at saka isinubo. Isang mapait na ngiti ang lumandas sa bibig ko nang maramdaman ang lambot ng marshmallow. "Cha, bilisan mo naman!" ani Annaisha. Inismiran ko siya dahil hindi hamak na mas mabigat ang dala-dala kong lalagyan kumpara sa kaniya. May mga dala kaming graham balls ngayon dahil kailangan naming magbenta bilang requirements sa Entrepreneurship namin. Kung pwede lang talaga na bilhin na lang namin ang sarili naming tinda ay ginawa na namin kaso binantaan kami ng prof namin na kapag nalaman niyang kami lang din ang bumibili, matik ay singko kami sa kaniya. Kahit pa mas mataas ang singko sa uno ay ayaw ko no'n. Ayon ang singko na kahit kailan ay hindi ko gugustuhin. "Mauunahan tayo ng ibang grupo kapag hindi tayo nagmadali," aniya pa. "Cha, kaya mo pa ba? Tulungan na kita kasi listahan lang naman dala ko," alok ni Sarah sa akin. "Hindi na," sabi ko at saka nagpasalamat. Mas mahirap nga iyong ginagawa niya kasi nagiinventory siya at isa pa, siya ang nag-asikaso ng ibebenta namin ngayon. This is the least thing I can do para sa grupo namin at para rin makabawas sa pagod niya. Si Annaisha kasi, moral support lang ang ambag sa amin. Ayaw magbuhat porke alam na alam niya ang department na pupuntahan namin. Medyo bumilis ang kilos ko dahil kailangan na naming tawirin ang daan sa quadrangle para makalipat sa building ng taga-ibang department. Sa pagkakaalam ko'y sa department ng Architecture kami pupunta dahil maraming kakilala si Annaisha ro'n. Siya rin talaga ang nagsuggest na do'n kami kasi ayon sa kaniya ay masisiba raw ang mga taga-Archi but I doubt that. Alam ko namang may ibang rason. "Ay, kabayo!" Parang tumigil ang mundo ko at hindi iyon dahil may naka-slow motion akong gwapong nilalang kundi dahil sa mga nagkalat na graham balls sa quadrangle. Natigilan din sina Annaisha at Sarah sa nangyari. Kahit papaano'y dapat ko pa ring ipagpasalamat na pants ang pambabang uniform namin sa HRM. "Miss, sorry," anang isang tinig. Agad akong nag-angat ng tingin at do'n ko nakita ang isang lalaking nakasuot ng jersey ng basketball team ng eskwelahan namin. Inalalayan niya ako tumayo pero pareho kaming walang nagawa sa mga nagkalat na graham balls. Paano pa namin ibebenta 'yan kung ang dumi-dumi na? Mukhang wala pa man ay makakaabono na ako. "Sorry talaga. Hindi ko alam na napalakas ang pagtampal ko sa bola," pagpapaliwanag no'ng lalaki. Napatingin siya ulit sa mga graham balls at saka napakamot sa batok. "Dela Vega, 'di ba? Kaklase mo si Caleb, right?" ang tanong ng kakalapit lang sa amin na si Annaisha. Oo, salamat. Okay lang ako kaibigan. "Oo, kaklase ko nga. Ka-team ko rin sa basketball. Girlfriend ka niya?" "Ah, hindi," agad na sagot ni Annaisha. "How I wish." "Pasensya na sa nangyari sa graham balls ninyo," aniya bago muling tumingin sa akin. "Ako na lang magbabayad dahil ako naman may kasalanan." "Sigurado ka?" tanong ni Sarah sa kaniya. "Aabutin ng five hundred pesos babayaran mo kung sakali." "Wait," aniya at saka tumakbo palayo sa amin. Kinausap pa siya ng isang basketball player din. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero muli kaming nilingon ni Dela Vega. Sinuntok pa siya sa braso no'ng kasamahan niya sa hindi malamang dahilan. Nang makalapit sa bench ay may kinuha siyang kung ano sa bag niya at tumakbo ulit pabalik sa amin. "Here," aniya sabay abot ng isang libo sa akin. "Hala, wala pa kaming panukli," sabi ko. "Kakaumpisa lang kasi namin." He smiled. "Keep the change. Sa susunod na magbebenta kayo at magagawi kayo sa department namin, libre na ako." Kahit nag-aalangan ay kinuha ko ang isang libo na inaabot niya at iniabot 'yon kay Sarah. "Maraming salamat," sabi ko roon kay Dela Vega. Muli siyang ngumiti at inilahad ang kaniyang kamay sa akin. "Hiro nga pala." "Cha," pagpapakilala ko at saka tinanggap ang kamay niya ngunit mabilis ko ring nabitawan dahil tinawag na ako ni Annaisha. "See you around, Cha," pahabol pa ni Hiro. Sarah squealed nang makalayo kami. "Ang gwapo ni Hiro tapos ang bait pa." "Future kaibigan ko 'yon kung magiging kami ni Calebabes," sabi ni Annaisha. Natawa ako. "Ang bantot naman no'ng Calebabes. Parang EB Babes, eh." "Panira ka ng pantasya, Cha!" asik ni Annaisha sa akin at saka ako inakbayan. "Ang cute ni Hiro 'no, Cha?" tanong ni Sarah sa akin na tila nagniningning pa ang mga mata. "Oo. Okay na," sagot ko. "Okay na? Bakit okay na lang?" tila hindi siya makapaniwala sa sagot ko. "Okay na means okay na maging jowa, Sarah," ani Annaisha. Napairap ako dahil sa tinuran niya. "Parang sira!" "Bakit? Single ka tapos single rin siya. Isa pa, bagay kayo," pamimilit ni Annaisha. Mukhang trip niya na naman ang pagiging single ko. "Hindi naman porke single kami pareho ay pwede na," sabi ko. "Mas maganda ang love story na Siya ang may plano. At saka isa pa, bakit n'yo naman ako aasarin sa lalaki na ngayon ko lang nakaharap?" "Edi ipagdarasal ko na lang kayo—teka, Calebabes!" Agad kaming iniwan ni Annaisha nang makita na niya ang target niya. Nakita ko pa kung paanong mas binilisan ni Caleb ang paglalakad para makaiwas sa kaibigan kong mukhanh gutom na leon at pasugod sa kaniya. "Grabe ang pagkakagusto niya kay Caleb, ano?" tanong ni Sarah sa akin. "Sinabi mo pa." "Tapos ka na ba magdaydream, madam?" Boses ni Mikay ang nagpabalik sa akin sa diwa ko. Halos mapapitlag din ako nang marealize ko kung gaano kalapit ang mukha nito sa akin. Kahit kailan ay hilig na niyang ilapit sa akin ang mukha niya. "Sino naman may sabing nagdidaydream ako?" asik ko sa kaniya at saka nag-iwas ng tingin. May plinay siyang kung ano sa cellphone niya. Video na kung saan tinatawag niya pangalan ko pero nananatili akong tulala at nakangiti. Hiyang-hiya ako nang matapos 'yon. "Ano nga ulit 'yon, Cha?" pang-aasar niya. Pinigilan ko ang mapanguso. "May naalala lang." "Hulaan ko ba?" Nginisian niya pa ako. "Kung sasabihin mo na namang si Hiro, nagkakamali ka," depensa ko sa aking sarili. She raised her two hands in the air. "Okay, sabi mo, eh," aniya. "Pero hindi ako naniniwala." "Kakain na ba tayo?" tanong ko para maiwasan na ang topic. She nodded. "Nakahain na sa mesa ang pagkain. Save mo muna 'yan tapos kakain na tayo." Agad akong tumalima sa sinabi niya. Mahirap rin na mawalan ng files. Ayoko na na mag-uumpisa na naman ako sa pag-eedit. Pagdating ko sa kusina ay abala si Mikay sa cellphone niya. Nakaready na rin ang mga plato at pagkain sa mesa. Napatigil ako sa akmang pag-upo ko nang magdabog si Mikay. Itinapat niya sa mukha ko ang cellphone niya. Nakita ko roon ang picture ni Philip kasama ang isa pang senior editor din ng publishing house namin. "Oh, anong meron diyan?" tanong ko. Nauna na rin ako sa pagsandok ng pagkain. "Dikit nang dikit kay Philip! Nakakainis!" I chuckled a little. "Kapag no label, dapat no selos." She faked a laugh. "Nice one, Cha. Laking tulong. Kakaiba ka magcomfort, eh, 'no?" Napanguso na lang siya nang ilapag niya sa mesa ang cellphone niya. Nakasimangot din siya habang kumakain. Seryoso ba talaga na nagseselos siya? For sure naman, wala lang ang picture na 'yon. Madalas naman na magkasama ang dalawa dahil sa trabaho. Isa pa, nakatag lang si Philip at hindi naman siya ang nagpost. "Hey," tawag ko sa pansin niya. Hindi niya iniangat ang tingin niya sa akin. "Walang namamagitan sa kanila." Nag-angat siya ng tingin. "Paano mo nalaman?" Nagkibit balikat ako. Ayokong paasahin si Mikay pero tingin ko talaga ay nagbunga na ang pagtatiyaga niya kay Philip. "Nakakainis," bulong niya pa ulit bago bumalik sa pagkain. "Nagbenta rin naman ako dati. Hindi man graham balls pero nagbenta rin ako ng sopas. Pero walang greek god o anghel na nagkamali ng tampal ng bola gaya ni Hiro mo..." "He's not my Hiro," I said, emphasizing the term 'not'. "Kung may jowa lang ako, hindi naman ako magtatiyaga riyan kay Philip. Hindi naman siya gwapo..." "Pero nagustuhan mo." "Hindi rin naman maganda built ng katawan niya..." "Again, nagustuhan mo." "Mabango siya, oo, pero masyadong lapitin ng mga babae at masyadong mailap sa akin..." "Nagustuhan mo." Napansin ko ang pag-angat niya ng tingin. "Kailan ka titigil sa kakasabi ng nagustuhan mo, Cha? Kailangan pa bang ipangalandakan sa akin na may gusto ako sa kumag na 'yon?" "Kahit ano naman kasing kabitteran sabihin mo, hindi naman no'n mababago ang fact na gusto mo siya." Natigilan ito at muling napanguso. I saw hint of sadness in her eyes. Masyadong may buhay ang mga mata ni Mikay kaya madaling malaman kung malungkot ito. "Sana hindi ko na lang siya ginusto," aniya. "Hindi sana ako nasasaktan." "Picture lang 'yon, Mikay." A sad smile escaped through her lips. "Matagal na akong may gusto sa kaniya. Vulnerable ako pagdating sa mga gano'ng bagay. Alam ko naman na hindi ako gano'n kaganda para bigyan niya ng pansin at alam ko rin na wala akong karapatan magselos. Pero, pwede bang wala munang standards ngayon kung sino lang ang pwedeng masaktan at sino ang hindi?" Hindi ako nakapagsalita. Am I being too harsh on her? She looked at me. "Kung si Hiro ang makikita mong may kasamang ibang babae, hindi ka ba masasaktan?" I was left dumbfounded once again. I pressed my lips as a sign of defeat. Pakiramdam ko'y bumalik ang sakit na naramdaman ko kay Hiro noon. Kung paanong binigyan niya kami ng rason para sumuko kaming dalawa sa isa't isa. Kung paanong nasira ang relasyon na mahalaga sa akin. In a snapped, my vision started to blurry. Agad akong nag-iwas ng tingin kay Mikay. Tama siya, limang taon na, nasa parehong pahina pa rin ako. Walang usad. Ayaw umusad. "Hindi mo na kailangang sagutin, alam ko na ang sagot," ani Mikay. Sa sandaling ibinalik ko sa kaniya ang mga tingin ko, lumandas sa aking pisngi ang butil ng luha. "Masakit. Nasasaktan ka pa rin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD