CHARLOTTE POV
"Just make sure to be back after a month, Cha. May deadline rin tayo na hinahabol dito."
Kahit nakaupo na ako sa airport ay tila nag-eecho pa rin sa tenga ko ang paalala sa akin ni Philip. Paalis kami ni Mikay ngayon dahil ngayon ang flight namin papunta ng Coron, Palawan para sa kasal ni Annaisha sa katapusan nitong buwan. Hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit kailangan niya kaming makasama for a month bago ang kasal niya. Wala naman akong ibang nagawa kundi kalikutin ang cellphone ko habang naghihintay ng pag-a-announce nila ng boarding namin.
"Hindi raw ba pupunta si—" pinutol ko na ang dapat ay sasabihin ni Mikay.
"Anna made it clear na hindi umagree sa invitation niya si Hiro. May inaasikaso raw siyang importante," saad ko at saka napatingin sa gate na nakaassign sa amin na hanggang ngayon ay hindi pa nagbubukas. Napabuntong-hininga ako.
"I bet hindi rin sinabi ni Annaisha na pupunta ka," ani Mikay. Natigilan ako sa sinabi nito at saka palihim na mapait na ngumiti. "He used to—"
Tumayo na ako nang marinig ko ang announcement mula sa front desk, hudyat na magbubukas na ang gate at pwede na kami b-um-oarding sa eroplano. Maliban sa gusto ko na makaalis dito para makapagpahinga na agad after an hour or two na byahe, ayoko ring pag-usapan ang nakaraan. I am going to Palawan to unwind dahil stress na rin ako lately sa workloads na mayroon ako. I deserve a break—without Hiro in it or anything related to him.
Sinubukan ko munang pumikit nang magtake off na ang eroplano, ngunit natagalan din bago ako dinalaw ng antok. Sa sobrang tagal no'n ay halos parang hindi rin ako nakaidlip dahil matapos ang 45 minutes na byahe ay nakalapag na kami sa airport ng Busuanga sa Coron.
"Ang sabi ni Annaisha ay may van daw na susundo sa atin. Ang taray ng lola mo," komento ni Mikay habang may kinakalikot sa cellphone niya. Ako naman ay naghihintay na makuha ang maletang i-ch-in-eck in ko habang nagpapaypay sa sarili.
Maliit ang airport ng Busuanga kumpara sa airports sa Manila. Manual din ang pag-aabot nila ng mga bagahe kaya kahit papaano ay naiintindihan ko ang bagal ng usad no'n. Maliban kasi sa marami kaming pasahero, ay kakaunti lang silang nagtatanong kung kaninong bag na ang nahahawakan at iniaangat nila.
"Hina ng signal," dinig ko pang pagrereklamko ni Mikay. "In fairness sa Palawan, napakaganda pero mukhang hindi ako mabubuhay rito nang matagal."
Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa sinabi niya. Nang bag ko na ang iniaangat at ipinagtatanong nila ay itinaas ko ang kamay ko. Agad naman na iniabot sa akin ang maleta ko kaya nagpasalamat ako.
"Welcome to Coron, ma'am!" masiglang pagbati pa noong si kuya kaya muli akong nagpasalamat. Nang makuha na rin ni Mikay ang bagahe niya ay lumabas na kami ng airport.
Hindi nakakagulat na halos iilang van lang ang nakita kong naka-stand by roon. Halos lupa na rin ang bumabalot sa lugar. Ngunit kahit na ibang-iba ito sa nakasanayan ko sa Manila, the calmness of the place made me feel at ease.
"Kayo po ba sina ma'am Charlotte at ma'am Mikay?" tanong noong isang may katabaang lalaki na lumapit sa amin. Nakasuot ito ng kung anong ID at may nakalagay na "Private Service".
"Kayo po ba 'yong magsusundo na sinabi ni Annaisha sa amin?" tanong ko na mabilis nitong tinanguan.
"Welcome to Coron, ma'am," aniya at saka nag-abot ng kamay sa amin na agad din naming tinanggap. "Ako po si Eddie, ako po ang magiging service ninyo papunta sa bayan. Paniguradong pagod po kayo sa naging byahe ninyo kaya ako na po ang mag-aasikaso ng mga bagahe ninyo," dagdag pa nito at saka kinuha ang mga dala namin. Sumunod naman kami ni Mikay sa kung saang van niya inilagay ang bagahe namin.
"Malayo pa po ba ang Club Paradise mula rito sa aiport?" tanong ni Mikay.
"Ay, opo. Babyahe po tayo papuntang bayan dahil doon po naghihintay ang bangkang magiging service po ninyo papuntang Club Paradise," ani noong magiging driver namin. "Pero huwag po kayo mag-alala kasi kulang-kulang isang oras na lang po ang magiging byahe ninyo at makakapagpahinga na po kayo."
"Thank you, kuya," sabay naming ani ni Mikay nang pagbuksan na kami ni manong ng aircon.
Tahimik ang naging buong byahe namin. Siguro'y dahil sa pagod sa byahe kaya pareho na kaming nanahimik ni Mikay. Nakatingin lang din ako sa labas ng bintana at sinusulit ang mga luntiang puno at halaman na nakikita ko dahil halos wala na ang ganitong tanawin sa mismong siyudad ng Manila. Just thinking about the fresh air, sea, and fresh sea foods na makakain namin mula rito sa Palawan makes my heart leap in happiness.
"Dito tayo, mga ma'am," ani manong nang maibaba na nito mula sa van ang mga maleta namin. Napatingin ako sa labas at mukhang ito na ang bayan na sinasabi niya dahil iba na 'to sa kinaroroonan namin kanina. We offered help tp kuya Eddie para sa mga bagahe namin but he insisted na kaya na niya ang lahat ng 'yon. "Ito po ang Lualhati Park kung tawagin namin," aniya bilang pagpapakilala sa lugar kung nasaan kami. It was like a small park na maraming bangka. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang sign ng public market.
Hindi ako nagsalita, samantalang si Mikay naman ay panay ang tanong kay manong tungkol sa lugar na ito. I looked at my wristwatch at nakita kong almost 11:30am na pala. That explains why kanina ko pa nararamdaman na kumakalam na ang sikmura ko.
"Manong, may mabibilhan po ba rito ng kahit anong makakain?" I asked.
"Ay, roon sa lumang palengke, ma'am," aniya sabay turo sa isang puting building sa hindi kalayuan. Agad ko namang iniwan si Mikay at sinabihan ito na hintayin niya nalang ako roon at bibili ako ng pagkain namin. Hindi naman na ito kumontra dahil marami pa siyang tinatanong kay kuya Eddie.
Nang makahanap na ako ng tindahan, nilubos ko na ang pagbili. Maging si manong ay sinamahan ko na ng pwede niyang maimeryenda. May mga binebenta silang ulam at kanin but I wasn't able to order some dahil ayon na rin kay kuya Eddie ay may hinihintay na lang kami at paalis na rin. Ayoko namang paghintayin pa ito na para akong isang VIP guest.
"Magkano po?" tanong ko. Nang marinig ko na ang presyo mula sa nagbabantay ay kumuha na ako ng pera sa wallet ko, nang may kamay ng kung sino ang sumulpot sa harapan ko. Napapitlag ako nang bahagya dahil sa pagkagulat sa biglang pagsulpot nito. It was a man's hand, handing money to the saleslady in front of me.
"Pakisama na sa babayaran ko ang lahat ng kinuha niya," ani ng isang baritonong tinig. May takot akong naramdaman sa loob ko dahil sa pagkapamilyar ng boses na 'yon, takot na nagpaparamdam sa akin na parang ayoko itong tignan dahil natatakot ako sa kung sino ang makikita ko na nasa tabi ko ngayon.
When I finally gained enough courage to look at the man beside me, I felt as if my body shuts down because of the man standing right in front of my eyes.
"Hi, Cha," pagbati nito sa akin sa kaswal na paraan.
Napako ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ako nagkamali. It was...the person whom I least expected to be here.