CHARLOTTE POV
Pagkatapos ng nangyari sa labas ng gym ay hindi na bumalik pa sa game si Hiro. Nagtext na lang ito sa coach nila na hindi na muna siya maglalaro. He texted Caleb, too. Ako naman ay nagsend din ng message kay Annaisha na sasamahan ko na muna si Hiro kaya hindi na ako makakabalik sa loob ng gym. She replied immediately to my message kaya sinabihan ko na lang ito na mag-iingat sa pag-uwi.
"Pasensya ka na kung hinila pa kita rito para samahan ako," sabi ni Hiro. Awtomatiko akong napaismid nang marinig ko ang sinabi nito.
"Kung labag sa loob ko na samahan ka, iniwan na kita rito mag-isa," saad ko. "Don't be sorry or feel too bad kapag alam mong nalapit ka sa ibang tao. Hindi para sa lahat ay abala ka, Hiro. Isa pa, hindi rin naman masama ang manghina ka."
Nangibabaw sa aming dalawa ang katahimikan matapos kong sabihin ang bagay na 'yon. I don't want to sound rude but he has to realize that he does not have to say sorry for asking for a help from a friend. No man is an island, ika nga. Hindi naman sa lahat ng oras ay kaya niya na siya lang mag-isa.
Napatingin ako rito at nakatingin lang ito sa lupa habang bahagyang nilalaro ng sapatos niya ang maliliit na bato na naroon.
"Bakit hindi ka nagtatanong tungkol sa problema ko?" he asked out of nowhere nang hindi pa rin nakatingin sa akin. This time, it was my turn para mag-iwas ng tingin.
I sighed. "Dahil nirerespeto ko ang privacy mo," sagot ko. "Being friend with me doesn't mean na kailangan mong ikwento sa akin ang mga bagay na nagpapabigat sa loob mo. You can say nothing and I'll still be here."
Nang muli itong tumawa nang bahagya, hindi ko napigilan ang mapatingin muli sa kaniya. "I am still surprise na nakakilala ako ng gaya mo, Cha. Not everyone has the same mindset na mayroon ka."
I shrugged my shoulders. "Life sucks," I uttered. "Sabi ng iba, magical ang buhay kasi alam nito kung ano 'yong mga problemang kakayanin mo kaya 'yon ang binibigay sa 'yo yet parang hindi applicable sa lahat ang kasabihang 'yon." A bitter smile escaped through my lips. "Iyong ibang problema na ang hirap-hirap solusyonan at lusutan, nakakaubos ng lakas, nakakawala ng katinuan, at nakakapangsuko. Hindi ko rin maintindihan kung ano ba ang batayan ng buhay pagdating sa pagsasabi nito na walang problema ang hindi kayang alpasan. Hindi naman lahat ay may kakayahang humarap ng matitinding problema."
Hindi nagsalita si Hiro matapos ang mga sinabi ko. I looked at him and when our eyes met, nabasa ko ritong muli ang matinding lungkot at sakit na nararamdaman niya. I know it dahil ako mismo ay naramdaman ko ang ganyang pakiramdam. Hindi ko man alam ang buong kwento sa problema niya, alam ko kung ano ang nararamdaman nito dahil minsan na rin akong nakaramdam ng ganyang emosyon dahil kagaya niya, napunta rin ako sa kaparehong sitwasyon. No'ng naghiwalay sina mama at papa, no'ng mawala si papa, at ngayong inaayawan na rin ako ni tita Cynthia.
"My dad...cheated on my mom," sabi nito sa mahinang paraan. "I always have this perfect image of my dad in my mind. Palagi kong naiisip na balang araw, gusto kong maging katulad niya, but I was fooled of his facade," he added. "Noong unang beses kong narinig mula sa mommy ko ang katotohanan, para akong nabingi. Para akong walang marinig, o siguro'y ayoko lang pakinggan. Masyado siyang masakit at masikip dito." Itinuro nito ang gitnang parte ng dibdib niya. "Hindi ko alam kung paano nagawa ni daddy ang bagay na 'yon. We always have this view of a perfect family pero mukhang ako lang ang nakakakita no'n. Akala ko rin, ang pinakamabigat na sa loob ko ay ang makita ang mommy ko na nasasaktan pero triple pala ang sakit kapag narinig mo na mismo ang katotohanan mula sa bibig ng taong hinahangaan mo at wala kang magawa sa sakit. Sa sobrang bilis ng lahat ay hindi mo na maisip kung saan o kanino ka kakapit."
Nang makita ko ang paglandas ng luha sa pisngi nito, pakiramdam ko ay may kung anong kumurot sa dibdib ko. Nasasaktan ako ngayong nakikita kong nasasaktan ito. Based on what I know about Hiro, mahalaga rito ang pamilya niya at ngayong may ganito silang problema, I couldn't imagine kung gaano binasag ng mga pangyayari ang puso nito.
Hinayaan ko lang itong umiyak. Kailangan niyang mailabas ang lahat ng sakit na kinikimkim nito sa loob niya. Paniguradong nararamdaman nito na para siyang binetray ng mga taong pinakaimportante sa kaniya, so he was scared. Ngayon ay mas naiintindihan ko na rin kung bakit ito hiyang-hiya na lumalapit siya sa akin at nagpapatulong—dahil pakiramdam nito ay pabigat siya at abala sa mga taong malapit sa kaniya.
"No'ng namatay si papa, akala ko katapusan na ng lahat para sa akin," I began. "He was my comfort and safe haven mula nang iwan kami ni mama. When he died, it all made sense kung bakit paborito akong dalhin ni papa noon sa parke na malapit sa Rizal Avenue. He wanted me to find another haven para kapag mabigat na ang lahat para sa akin at kailangan ko ng pagpapahingahan, may matatakbuhan ako." I looked at Hiro. "Kaya naiintindihan ko ang nararamdaman mo at iyong hindi mo paglapit sa amin kasi pakiramdam mo kaya mo naman lahat mag-isa. I've been there, I've done that, and it sucks not to have another comfort person that's why..." I breathed, "Hiro, huwag mong ikulong ang sarili mo sa nararamdaman mo dahil lalamunin ka niyan. Kung hindi mo makapitan ang mga taong kinakapitan mo noon, hindi naman masamang humingi ng tulong sa iba, na maghanap ng ibang makakapitan kapag hindi mo na kaya." Pinahid ko ang mga luhang nagsisimula nang mag-unahan sa pagbagsak mula sa mga mata ko. "I...want you to be okay. I'll wait for you to be okay kasi nasasaktan din ako ngayong nakikita kitang ganyan."
Nanatili lang ang mga mata nito sa akin, he's not saying a single thing. Tila napako rin sa kaniya ang mga mata ko. Sa lalim ng lungkot na nararamdaman niya, tila naging mahirap para sa akin na bawiin ang mga tingin ko...and the last thing I know, his lips touched mine. Wala akong ginawa para pahintuin ito kahit pa nakaramdam ako ng pagkagulat dahil sa ginawa niya. To say that I needed this is a lie, because wanting it is way different than needing it. Kusa itong huminto at lumayo sa akin matapos ang ilang segundo.
"I'm sorry. Masyado akong nadala ng pinararamdam mo sa akin kaya pasensya na—" hindi ko na ito pinatapos sa dapat ay sasabihin niya.
"Ayos lang," I assured him. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo."
Hiro's my first, ngunit hindi niya na 'yon kailangang malaman pa at paniguradong mas sasama lang ang pakiramdam niya knowing that he got my first kiss without my permission.
Muli kaming nanahimik. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Paniguradong nakakabingi ang ingay roon. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya.
"When your mom and dad separated, paano ka nagcope up?" he asked.
Ngumiti ako nang bahagya at saka huminga nang malalim. "I did not," sagot ko. "Hindi ko tinanggap, pero hindi ko rin ipinagsawalang bahala. I let things be. They said they fell out of love and their marriage, edi hinayaan ko. Stopping them from separating from one another will only cause them a lot of pain kaya hinayaan ko na. Ikukulong lang din ako sa sakit no'n kung pinigilan ko sila."
"You're one hell of a strong woman," he uttered.
Napangiti ako. "Strong? Hindi ko nakikita ang sarili ko sa ganyan. Kasi alam ko na hindi ako malakas, because if I am, I would've ask them to stay. I would've ask them kung hindi ba ako enough para magpatuloy ang pinagsamahan nilang dalawa."
He took out his phone from his pocket at tila may kung anong hinanap doon. Ilang segundo pa ay ipinakita nito sa akin ang picture ng pamilya niya.
"Ito 'yong pinakapaborito kong family picture namin. It was my 18th birthday. Surprise trip din galing kay daddy papuntang Denmark," pagkikwento nito. He swiped to the next pictures at nakinig lang ako sa pagkikwento niya. "This one...is our latest family picture. One week bago ko nalaman ang ginawa ni daddy," dagdag niya.
I looked at their photo intently dahil mukhang pamilyar sa akin ang mukha ng daddy nito. Hindi rumehistro sa isip ko ang mukha niya noong una but when I realized kung saan ko nakita ang daddy ni Hiro, I was in total horror. Hindi ako pwedeng magkamali! It was him...
Napatingin ako kay Hiro at muli akong pinangiliran ng luha ko dahil sa iisang bagay na alam ko ngunit hindi ko kayang sabihin sa kaniya. Sa isip ko ay humihingi na kaagad ako ng tawad dahil sa magiging kasalanan ko.
Hiro...bakit kailangang umabot sa ganito?
"Are you okay?"
Hindi ko nagawang pansinin ang tanong nito dahil muli kong tinignan ang litrato. Hindi ako pwedeng magkamali. Hiro's dad...is the guy I saw last time na kasama ni mama Cynthia. My mom...is his dad's mistress.