To be edited. Do not read. I will update this chapter tomorrow.
Wala kaming pangalawang klase kaya naisipan ko munang tumambay sa bakanteng lote sa likod ng school. Tanging ang parteng ito lang ang tahimik sa school. Wala naman kasing may gustong pumunta sa lugar na 'to gawa ng mga kwento-kwento na first year pa lang ako ay umiikot na. May nagpaparamdam daw kasi sa parteng ito ng paaralan but I doubt. Mula naman kasi no'ng nalaman ko ang tungkol sa lugar na 'to ay wala naman akong naging karanasan sa mga gano'ng pangyayari.
Naputol ang pag-iisip at pagsusulat ko nang tumunog ang cellphone ko. It was Hiro. Agad naman akong napangiti nang makita ang pangalan nito. Hindi namin siya nakasama nitong mga nakaraang araw dahil may importante raw itong inaasikaso, ayon kay Caleb. There's only one thing certain, I shouldn't ask Hiro tungkol sa mga nangyari. Ayokong iinvade ang privacy niya lalo pa at mukhang seryoso ang bagay na gumugulo sa kaniya.
I typed a simple reply about my location bago ko inilapag muli ang cellphone ko. Nagpatuloy ako sa pag-iisip at pagsusulat ng tula na kanina ko pa naiisip habang nagkaklase kami. I was too busy that I didn't notice na may dumating na sa kinaroroonan ko. The last thing I know, may nagtakip ng mga mata ko. Nang maamoy ko ang pabango nito, I couldn't stop myself from hissing.